Naging dahilan para magcelebrate ang mga tao sa Barcelona nung nangyari yan, pero kinuha din nga daan-daang bading ang pagkakataon ng pagbisita ni Pope Benedict XVI para iprotesta ang "anti-gay marriage" sa Catholic church. Bilang protesta sa mapayapang paraan, nag-kiss na lang sila.
Kung matinik ang observation skills mo, mapapansin mong easy-easy lang ang mga bagong pabasa ng MgaEpal.com nitong panimula sa buwan ng November. Ito ay dahil may mga bago kaming dinidiskartehang pabasa, labels, at segment para sa susunod na buwan. Kung baga sa runner, jogging muna 'to. Pulido parin naman ang mga ibabagsak namin dito ngayong buwan, kaya abangan mo ang mga pabasa na mukang pinainom ng isang drum ng kape sa susunod.
Sasabihin namin ang diskarteng ninja na anti-gulat. Abangan.
Dapat lang mabigyan si Dolphy ng ganitong klaseng parangal. Kilala ng karamihan na haring komidyante si Dolphy, pero pwera pa sa pagpapatawa sa masa, may mga natutulungan ding mga bata yan sa pagkakaron ng “Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation” na nagbibigay ng scholarship sa mga karapatdapat na anak ng mga OFW.
Kung kami ang magbibigay ng parangal kay Dolphy, ito ay sa pagiging matinik sa chicks, pagiging magaling na actor sa comedy pero higit pa sa drama (Swerte ang mga taong nakapanuod ng mga dramatic roles/scenes ni Dolphy) at dapat naman talaga parangalan ang taong nagpauso ng "komedyante move" na pagrorolyo ng diyaryo para ipanghampas.
picture hugot dito
Sabi ng ABS-CBN, wala daw kinalaman sa pagtapat ng "Willing Willie" sa TV Patrol ang revision/REINFORCEMENT ng anchors sa TV Patrol.
Onga naman, nagkataon lang siguro na after 2 weeks mula nung inere ang Willing Willie, dun naisip i-announce ng ABS-CBN ang gagawin nilang pagbabago sa show nila na tinapatan ni Willie Revillame.
Lahat ng mista ng coincidences na yan ay sinindihan ni Jobert Sucaldito.