Epal: Puro lindol! Puro baha! Natutunaw na ang mga yelo sa North Pole! Ang taglamig ay nakakangatog! Ang taginit ay nakakapaso! El Nino! La Nina! KATAPUSAN NA!
Mas Epal: Yahoo! Sweldo na naman!
"Lately hindi ko nasusundan yung news about the... especially the Maguindanao thing."
Onga naman, Kahit pa isa sa PINAKA MALAKING kaganapan sa BUONG MUNDO ang "Maguindanao thing" , hindi nya nasusundan yung news dahil hindi isang follower si Ara Mina, isa syang leader.
""Minsan nakakabasa din ako ng dyaryo... alam ko yung nangyare hindi ko lang alam talaga yung details..."
Hindi naman ata talaga kase nilalagay yun sa funny pages ng dyaryo kaya hindi nya alam yung details. Kasalanan ng mga dyaryo yan.
MO: Are you pro or against premarital sex?
ARA: Against?
MO: "..you're a sexy star once, does that mean you almost regret the roles that you've done?
ARA: "Yeah its just ROLE, kase it's the REALITY eh.."
Ano kamo? Nagmura ba sya sa ibang lingguwahe? Gumaglaw yung bibig nya pero hindi namin maintindihan. Nilagnat ang utak namin dahil sa sagot na yan.
MO: Gay marriage?
MISS MINA: I have a lot of gay friends umm pero against.
Pagkatapos ng interview, nagexplain kaya sya sa "a lot of gay friends" nya na sinabi lang nya yan dahil moralista ang karamihan ng Pilipino? O wala na ba syang gay friends ngayon?
MO: Legalizing Marijuana?
ARA: Against
MO: Me too
hmmmmm sige na nga.
MO: ANTI-Pornography law?
ARA MINA: Against
Wala kaming pakialam kung hindi nya naintindihan ang tanong. Ang daming boto siguro ang nahatak nitong sagot na to'.
Anak: Kadiri ka papa! Bat mo binabalik yung toothpick pagkatapos mo gamitin!?
Papa: Ah anak, alam mo naman na kapos tayo sa pera ngayon. Kung uunahin ko ang pandidiri kesa pagtitipid e' mashoshort ang budget natin.
Anak: Pero iba na yan eh! Hindi na hygienic yan ah! Kadiri talaga!
Papa: Kung makapagsalita naman to' kala mo naman ibang tao ako. Eh bat hindi ka naman nagagalit tuwing ginagamit ko toothbrush mo?
Anak: ANO??? Bat mo ginagamit toothbrush ko? Bat hindi mo gamitin toothbrush mo?!
Papa: Akala ko alam mo eh. Anak, sabi naman sayo nagtitipid ako dahil kapos tayo ngayon. Matagal nang sira yung toothbrush ko. Nung una sinubukan kong gamitin yung scotch brite kaso masakit sa gums. Hiram lang naman hindi ko naman inaangkin yung toothbrush mo.
Anak: Ano ba yan?! Kadiri naman pa. Sayo na yung toothbrush ko, bibili nalang ako ng bago. At yung mga toothpick hindi nako gagamit nyan!
Papa: Ikaw bahala.. basta ba hindi mo sakin kukunin yung pambili ng sipilyo.
Anak: Pambihirang buhay naman to' oh. Buti nalang nalaman kong binabalik mo yung mga toothpick pagtapos mo gamitin. Kadiring kadiri talaga. Pinagtyagaan ko na nga lang ipangtinga tong posporo.
Papa: Yan! Konting diskarte lang. Natututo ka na anak. Onga pala wag mong itatapon yung posporo pagtapos mong ipangtinga ha. Ginagamit ko yan.
Anak: Pati ba naman mga posporo sinosoli mo pagkatapos mong ipangtinga?!!
Papa: Grabe ka naman! may toothpick naman ako.. yang mga posporo pinanglilinis ko lang ng tenga.. soli mo ha..
1) Nagtype kami ng random habang nakapikit (hindi namin memorize ang keyboard). At ito ang lumabas:
lkfnvxnvnkdfnbknfbnkdfnbkdfnbvxvn hjitgwpo'awkdzm,v nrkgiritgutysftejgioeugpejlnpbfgopdjoinmrhnnjbvnbdawyuwqgqw poiweruerjgndfbvkvg jkfsbjvfskbgfsklglkfnvnsvkfdvbnf vbndlkrbvjfjbvjdfbjhsejaqihflsnfvbsjvbshuqpqwipouigyftdrewawcnlojngyf tdrihibkknndksosiytwlkfstj jhfv uihjkhuvhgbkugbypoimy6e4vgcnnklbg hntd jhf vfgjhh bugtuyrftrede4wsrfchjboiuy789tydfhbonuitgubnlhiu jhfyubjnujgn,bkjbkjmbhfrsastyfyutr75476yijnkjbo0u9ijkvghd ghtydrscghdrkjgupojmnkjijlpiplbhvftruipy7r5fvjkhpoyvjb vhfuutuighuiuoipnkbbjkbjhlkkjkjgjkbjhbkjjkkjkjbkjjh
2) Naghanap kami ng mga nachambahan namin na salita mula sa natype namin. At ito ang mga nakita naming salita (English at Tagalog) :
a, go, join, we, drew, ihi, by, po, I, my, bug, red, sa, as, upo
3) PINILIT namin ilagay sa isang sentence ang lahat ng mga nachambahan na salita. At ito ang lumabas:
"I drew po a red bug as we go join sa upo by my ihi. " (Parang ang sosyal pakinggan noh? Taglish pa.)
4) Trinanslate namin sa purong tagalog ang nabuo naming sentence. At ito ang lumabas:
"Nagdrawing po ako ng pulang insekto habang patungo tayo magsalosalo sa pag-upo sa tabi ng ihi ko."
Kung alam mo yan, imposibleng hindi ka pa adult ngayon. Ang tanda mo na.
Hindi namin alam yan. Pagdating namin dito nakapost na yan jan.