Ask The Authors: Quickfire Edition 2

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Tanong galing kay Maja: Na-eenjoy nyo po ba ang Kpop?
MgaEpal.com: Oo naman, pero pag mga babae lang. At sa T.V. or YouTube lang, dahil masarap silang tingnan at pwedeng i-mute yung sound.

Tanong galing kay Sino: Ano po ang masasabi nyo sa mga artistang sumasakabilang istasyon?
MgaEpal.com: Abot langit na wa ang mga sweldo nila.

Tanong galing kay josef flores: Yung mga local government may city ordinance na bawal mag yosi sa mga establishments. Tapos yung mmda, bawal daw mag yosi sa kalye. Pag sa bahay naman, magagalit si misis or si nanay. San na lang po ba pwede manigarilyo?
MgaEpal.com: Sa mga smoking area. 'O kaya sa ilalim ng dagat.


Tanong galing kay Jopjop: May magandang babae sa amin, tinawag akong bading, pero nung hinalikan ko yung magandang babaeng yon, bastos naman daw ako. Saan ako lulugar?
MgaEpal.com: Subukan mong humalik ng panget. O kaya subukan mong humalik ng lalake, malay mo bading ka nga.


Tanong galing kay Jopjop: May classmate ako na mahilig magtanong ng sagot pag may test. Binibigay ko naman yung sagot pag alam ko. Pero pag ako ang nagtatanong, ngingiti lang sya, parang nakakaloko. Anong magandang gawin?
MgaEpal.com: Wag ka nang magtanong ulit sa kanya. At sa susunod na magtanong sya, pakyuhin mo.


Tanong galing kay Jopjop: Bakit po kailangan uminom ng 8 glasses of water everyday?
MgaEpal.com: Para makapag-produce ng 8 glasses of ihi everyday.

0 comments for this post

Post a Comment