"Gender Color Coding"

By mgaepals on 09:03

Filed Under:


Pinapalabas sa chart na yan na kung lalake ka, pito lang dapat ang alam mong kulay. Pag lumampas ka daw ng pito, makulay din ang pagkalalake mo. Pero hindi kami naniniwala sa kalokohan na yan. Baket naman kame, barakong-barako, mas lalake pa nga kay Dingdong Dantes, Robin Padilla, John Hall, Derek Ramsey, Ben Tulfo, at Lolit Solis combined. Pero more than 7 colors naman ang alam namin. Bago pa namin nakita yang chart na yan.may 11 na kulay na kaming alam; Red, Blue, Green, Yellow, White, Light-white, Neon-white, Black, Dark-black, Dirty-black, at Black-and-white.

Karamihan naman ng lalake, more than 7 colors din ang alam,
nagkataon lang na kadalasan, less than 7 lang ang alam namin ang spelling.

image tinimbre ni 
BULATE sa Tip Box

0 comments for this post

Post a Comment