Hindi lalabas sa MgaEpal.com yung video nung batang nasagasaan sa China.

By mgaepals on 23:09

Filed Under:

Kung gusto nyong makita bahala kayo. Itanong nyo sa iba, o hanapin nyo sa google. Pero hindi namin kayang ilagay yon dito. 2 years old lang yung bata, hindi kami makapaniwala na walang pumansin sa kanya pagkatapos syang masagasaan ng unang beses. Oo, UNANG BESES. Nadaanan pa sya ng pangalawang sasakyan. Madaming nagagalit sa China. Nagtataka kung baket ganon sila, walang pumansin sa bata. Pero sa totoo lang, put*ng ina nating lahat. Put*ng ina ng mga tao. Yan ang sinasabi naming mga sitwasyon na kailangan may maging epal. Masyadong tayong nagkakanya-kanya. Walang nakiki-alam, walang pumapapel. Naghihintayan na iba ang kumilos. Salamat sa mga nagpadala nung video, naiintindihan namin yung concern nyo. Pero tama na, wag nyo nang ipadala yung video na yon. Simple lang naman yan. Kung dapat maki-alam wag matakot. Ilang masamang bagay ang maiiwasan kung may kikilos lang AGAD. Hindi isolated ang mga ganyang pangyayare sa China kaya wag sila ang pag-initan. Kung gusto mong magalit dahil sa nangyare sa 2 years old na batang yon, isipin mo muna kung ikaw ang nandon, gagawin mo ba ang dapat gawin? Kung sa tingin mo hindi rin, magalit ka sa sarili mo, isipin mo kung baket ka ganon, at sana mabago mo yan. Sana mabago ang mundo. Kung ang panonood nung video na yon, makakatulong sayo na maging mas epal sa mga dapat paki-alamanan, diskarte mo yan. Para naman sa mga taong gustong mahanap yung video na yon para lang may ma-share at magpasikat sa facebook, mga put*ng ina nila.

0 comments for this post

Post a Comment