"Baha Board"

By mgaepals on 11:30

comments (0)

Filed Under:


Kung magti-trip kayo ng ganito, siguraduhin nyong clear ang kalsada at walang dadaan na ibang kotse. Magsuot ng protective gear. Hindi naman kasi parang sa malalim na body of water yan. Pag sumemplang ka, hindi sapat yung lalim ng tubig para ma-absorb yung impact. Tatama ka sa simento. Siguraduhin mo din na nakabantay sa rear-view mirror yung nagmamaneho. Pag tumaob ka kasi at nasabit ka sa rope, tapos dirediretso parin ang andar nya, magiging action star ka ng wala sa oras. At kung si Christopher Lao ang magmamaneho nung kotse, siguraduhin mong i-inform sya pag malalim yung baha.

hinila ni Jo.D sa Tip Box

Paboritong miryenda ng mga parlorista.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


binagsak ni Kharole sa Tip Box

Kakatapos pa lang ng pang-iistorbo ni typhoon "Pedring", napapabalita na na baka meron na naman daw parating na bagyo.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Bago pa dumating ang malakas na hangin at ulan, maging mas handa. Siguraduhing may stock ng drinking water, pagkain, first aid kit, payong, battery powered radio, mga kandila, emergency lights, at condom.

"Tukso"

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Mama: 'O Dave anak, nandyan ka na pala. Wag ka nang lalabas ulit, may pasok ka bukas, tama na yung laro. Wag ka nga pala muna magbukas ng TV, baka magising yang papa mo. Puyat yan, pabayaan muna nating magpahinga.

Dave: Opo...

Mama: Umiiyak ka ba? Baket ka umiiyak???

Dave: Tinutukso po kasi ako kanina nung mga kalaro ko...

Mama: Kaya pala maaga kang umuwi. Anong sinasabi nila sayo?

Dave: Panget daw po si papa...

Mama: Mga hindi tinuturuan ng tamang asal! Nasan ba yang mga kalaro mong yan? Susugurin ko yan mga yan!

Dave: Wag na po mama. Pabayaan na lang natin na si God ang magparusa sa kanila.

Mama: Naku napaka peace loving naman ng anak ko, buti hindi ka nagmana dyan sa papa mo.

Dave: Baket mama, mahilig bang makipag-away si papa.

Mama: Hindi naman. Pero kung nagmana ka kasi sa kanya, baka pati ikaw sabihan na panget. Kawawa ka naman.

Dave: Oo nga 'no... Kawawa naman si papa.

Papa: Gising ako. Mga booyset.

DPWH fake photo (Photong Ina Naman)

By mgaepals on 05:23

comments (0)

Filed Under:

Wala kaming internet access nung may nagsabi sa amin na may altered photo ng DPWH officials sa may seawall ng Manila Bay. Inisip namin na hindi naman siguro big deal. Inabangan namin sa news sa T.V kagabi, wala namang nabanggit tungkol don. 'O baka hindi lang namin nakita dahil palipat-lipat kami ng channel. Well anyway, kanina hinanap namin yung controversial photo na yon. Sabi nila sobrang halata daw na Photoshopped yung picture. Nung nakita namin, naisip namin na hindi halata... Hindi halatang may utak yung gumawa.

 Yan yung photo na binalandra ng DPWH sa Facebook page nila.

Sa blog ni Pierre Albert San Diego pinaka unang na-expose yung kabobohan ng altered photo na yan. Magaling yung pagkakahimay na ginawa. Eto yung ginawang visual aid ni Pierre...

[click image to enlarge]

Nagpaliwanag na yung DPWH kung baket nangyare yan. Actually SINUBUKAN nilang magpaliwanak. "Sinubukan" lang dahil wala naman silang sinabing dahilan kung baket nila ginawa yan. Sinabi lang nila na walang kinalaman yung tatlong officials na nasa picture. At may kuha naman talaga na on location talaga yung tatlong yan. Eto yung shot na hindi altered...

So ano ang dahilan kung baket kailangan mag-edit ng photo? Mas payat ba sila dun sa mga ginamit na pictures? Gusto lang ba nila na nasa background yung dagat para romantic? At baket ang bobo nung pagkaka-edit? Imbis na mapakita nila sa tao na kumikilos sila, nagmuka lang tanga yung DPWH. 

Ginawa din yan noon sa China. Tatlong tao din, na nag-i-inspect naman ng kalsada. Eto yung pinalutang na image sa China.

 PINALUTANG talaga.

Uso ba mag-produce ng nakakabobong fake pictures ng mga tao sa gobyerno? Sa susunod na gagawa sila ng ganyang ka-abnoyan, mag-hire sila ng decent na graphic artist. Nakakagago yung lokohin nila tayo. Pero mas nakakagago na ang bobo nung attempt nilang manloko. Sa totoo lang nakaka-insulto, dahil lumalabas na tanga ang tingin nila sa mga tao.

Totoo ngang a picture paints a thousand words. At sa pagkakataon na 'to, isang picture ang nagpakita kung gaano kamangmang ang tingin ng gobyerno sa mga tao. Dahil sa nangyare, natatakot sila na baka mabawasan ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno. Pero wag silang mag-alala, dahil hindi naman pwedeng mabawasan ang WALA.

 
Para sa pinaka ugat ng kwento,
bosohan ang paghihimay ni Pierre Albert San Diego
credits: quiapo.wordpress.com

SUBstitute.

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Ayos lang yan, parehong letters lang naman ang nasa "SUB" at "BUS".

pinasugod ni pot123 sa Tip Box

Diskarteng Ninja.

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Kung sa budget kapos ka, matutong maging ninja.

tinimbre ni EugeneIdol sa Tip Box

"The Black Hole"

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

video tinimbre ni aiko joel viardo sa Tip Box


MgaEpal.com Authors' Interpetation:
The "black hole" represents power and opportunity. Some of us who suddenly gets hold of power, especially a great one, are mostly overwhelmed of the opportunities it presents that we succumb to greed. We then try to push the limits of a given power, so we can gain access to bigger rewards. In each success it brings us, we feel more invulnerable and untouchable, making us uncontrollable. We then neglect all the risks, thinning the line between right and wrong. Never considering that the power might just be on a loan, we begin to rely on it solely, and when time comes that we lose that power, we fall even more helpless than before we had it. Left to handle a greater dilemma brought upon by our abuse of power... Making us incapable of doing anything at all.

Pasensaya na, nakainom lang.

Delubyo ng iba, photo booth nila.

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Kanya-kanyang trip lang yan.

pinaalon ni Vinson sa Tip Box

"Tahanan ng katotohanan. Serbisyong totoo lang."

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Tahanan ng tao lang. Serbisyong nagkakamali din.


Mukang nagtrip na naman si Michael Fajatin.

Mga moralistanga, umaapila sa cover photo ni "The Super Star" Nora Aunor sa YES! Magazine.

By mgaepals on 09:38

comments (0)

Filed Under:

image hugot dito

Kahit nagyoyosi kami, ok lang kami sa "Smoke Free Philippines" advocacy. Tama naman kasi na hindi madamay yung mga non-smokers sa pa-usok ng mga naninigarilyo. Pero nalalabuan kami sa pag-apila nung mga lead advocates ng "Smoke Free Philippines" sa cover photo ni Nora Aunor sa Yes! Magazine. Wala naman sya sa public place 'e. Ang reklamo nila, yung laspag na linyang public figure daw kasi yung tao. 'E ano ngayon? Baket ba ginagawa nilang bobo yung mga tao? Totoo ang sinabi nung editor ng Yes! Magazine, kailangang bigyan din ng halaga ang freedom of expression. Sa totoo lang, nagkaron kami ng respeto kay Nora Aunor. Nabilib din kami sa lakas ng loob ng Yes! Magazine. Kung ang takot ng mga tao, 'e baka gayahin si Nora ng mga umiidolo sa kanya, sa tingin naman namin, nasa tamang edad na yung mga yon para mag-decide para sa sarili nila. Baket, sa tingin ba nila may mga minor de edad na fans ni Nora? Seriously, lets be realistic sa mga concerns natin. Natatakot sila na maging masamang example si Nora Aunor sa madaming tao. 'E kung hindi nila ginawan ng eskandalo yan, mas hindi kakalat ang issue, at mas konti ang makakakita ng cover photo na yan. Sa sobrang moralista ng mga utak, nakakalimutan nang dumiskarte ng tama. Gusto nila magpakatotoo ang mga tao, pero ayaw nilang makita ng mga tao ang totoo? Sila na ang mga super pa-istars.

Para sa mga gustong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo at baha, pwede kayong magpadala ng pagkain, tubig inumin, mga gamot, cash donations...

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

...at napkin.

 

For donations and contributions:
Philippine Red Cross
Account Name: Philippine Red Cross
Bank Name: Banco De Oro
Peso Account: 453-0018647
Type of Account: Savings
Donate through SMS: Text REDAMOUNT to 2899 (Globe) or 4143 (Smart)

Gawad Kalinga
Contact: 09164379941
Gawad Kalinga Headquarters, #212 Haig st., Brgy. Daang Bakal, Mandaluyong City 

informations from: ProPinoy.net
image tinimbre ni Kabute sa Tip Box

Final speech form "The Great Dictator"

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Written and delivered by: Charles "Charlie" Chaplin


Ganyan naman yata talaga. Kung sino pa yung mga komedyante, yun pa yung mas may alam sa tamang politika, habang yung mga politicians naman, sila yung nagpapatakbo ng gobyernong nakakatawa.

tinimbre ni
Tatang sa Tip Box

"Bieber and Bullets the Movie "

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Wag mo nang tapusin. Sampung oras pinutukan ang Bieber dyan.

...Trailer pa lang yan.

tinimbre ni 
Adolf Niangar sa Tip Box

"Sisid"

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:



Mahilig pala yung mga dolphin sa tahong.

Pero seryoso, para sa mga nag-iisip na baka amoy isda lang yung babae, at pagkain lang ang habol nung dolphin. mukang hinde 'e. Mahina kasi ang pang-amoy ng mga dolphins. Hindi sila masyadong umaasa sa sense of smell pag naghahanap ng makakain. Nakasarado kase yung blowhole (yung butas sa may ibabaw) nila pag sumisisid sila. Konektado kasi yon sa lungs nila at gamit nila yon sa paghinga. At kung hindi ka hihinga, mahina ang panlasa mo. Matalino ang mga dolphin, kaya sa tingin namin alam nyang walang pagkain sa bikini nung babae. Well depende kung ano ang definition mo dyan ng "pagkain". Muka kasing in heat lang talaga yung dolphin. Makikita mo naman ang katibayan sa "paninindigan" ng kanyang "flipper".

Mukang totoo ngang dolphins are the humans of the sea.

video tinimbre ni 
canthurt sa Tip Box

Ballroom Bigatin

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Akala yata nila pag muka kang BOLA, mas magaling ka mag-BALLroom.

tinimbre ni Argelle Cunanan
sa Tip Box

Ohhhhlympics

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:



Iba pang Olympic events na hindi natuloy:
Kamasutra Decathlon
F*ck and Field
 Sexchronized Swimming

    "Fool me once, shame on you. Fool me twice, rest in peace." -MgaEpal.com

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:


    Harutan pa lang, ulam na...

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:



    Hindi naiintindihan pero masarap panoorin... 

    ...Ito ba yung K-pop?

    Gagampusa.

    By mgaepals on 19:09

    comments (0)

    Filed Under:

     Spiderman + Black Cat = Spider Cat


    "Where's the little girl?"

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:


    Lakas talaga magtrip ng mga "little boys".

    tinimbre ni EugeneIdol sa Tip Box

    Ask The Authors: (Cheat With Pangit)

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    Tanong galing kay Dianne:
    Dear MgaEpal.com authors, Fan ako from Davao. Sorry, I know you don't like answering questions na tungkol sa relationship problems pero nagbakasakali lang ako. Sobrang frustrated na kasi ako sa husband ko. Five years na kaming married. Nung una masaya kami and romantic, pero as time goes by nagiging cold na siya sa akin. Not to brag pero I know I'm still pretty. I watch my diet and I exercise regularly para hindi tumaba. Pero nalaman ko from a very close friend of ours na may babae ang husband ko. He goes to the gym and may nakilala sya na girl. I found out na they go out for coffee or snacks after sa gym pero hindi naman yata sila umaabot sa physical. Pero cheating parin yon kasi he doesn't tell me diba? I'm only 27 years old and still young pero mas bata sa akin yung other woman. Nakita ko na, hindi naman maganda. Honestly, pangit yung girl. Hindi ko sinasabi 'to dahil lang galit ako sa kanya. Totoo na pangit sya. Sexy lang. Pero I know kung sa looks lang mas maganda talaga ako mas sexy din. And that's why I'm so frustrated. I take care of my looks para sa husband ko, then he goes out and flirts with another woman? Mas pangit pa. What do I do? I'll understand kung hindi ninyo ito sagutin, pero I hope you can help me. I respect your opinions and gusto ko lang ng thoughts galing sa inyo. I love my husband very much, and I'll do anything kung makakatulong.

    Thank you. Keep making people happy. God bless.
    Dianne

    MgaEpal.com:
    Alam mo Dianne, tama ka ayaw talaga naming sumasagot ng tanong tungkol sa relationship dilemmas. Pero sa ng mga nagpapanggap lang na may problema. Yung mga tipong nagkakaselosan lang dahil sa sariling kabobohan. Mga alam naman nila kung ano ang dapat gawin, nagpapapansin o nagpapa-awa lang. Pero yung tanong mo, mukang seryoso naman. Kaso hindi parin namin maintindihan kung baket sa amin pinapadala ng mga tao yung mga ganitong tanong. Nandyan naman si "Papa Jack". Muka lang may sayad yon pero may sense yung mga binabagsak non, itawag nyo na lang sa kanya sa susunod. Well anyway, dyan sa problema mo, tama ka, cheating parin yan kahit kape o miryenda lang ang tambay nila pagkatapos mag-gym. Meron silang "Emotional affair". Hindi excuse kahit pa magkaibigan lang sila, kung silang dalawa lang ang kumakape at umi-isnak. Rektahin mo agad habang hindi pa malalim ang nai-invest na emotions ng topak mong asawa. Minsan pinupunuan lang naming mga lalake ang natural na ego-boosting needs namin. Ang gago namin 'no? I-confront mo sya. Puntahan mo minsan sa lugar kung saan sila nagkakape. Kunyari napadaan ka lang. Wag mong ipapakita na naiinis ka. Siguraduhin mong maganda at sexy ka pagpunta mo don. O kaya dalawin mo sya sa gym. dapat sexy ka din, yung tipong ninanakawan ng tingin ng mga lalake habang pinapatigas nila yung mga braso nila para mas pogi daw. Gawin mo yon para makita ng asawa mo na may mga nagkakaguo sayong iba. Parang bata lang kasi yan, mas gusto mo yung laruan pag gusto din ng iba. Kung totoong mas maganda ka don sa babae, mas ok din talagang makita kayo ng mister mo na magkatabi. Pero hindi pwedeng hanggang don lang. Kailngan i-confront mo talaga sya tungkol don sa babae. Wag sa coffee shop. Sa bahay, pag-uwi nyo. Pilitin mo paring wag magpakita ng inis. Banggitin mo lang na ayaw mong nakikipagcoffee sya sa iba ng silang dalawa lang. Unahan mo na, na kahit friend lang, ayaw mo. Sabihin mong hindi ka lang kumportable. Sabihin mo din na sana maintindihan nya. Kahit ano pa ang isagot nya, kung umaapila parin, ihirit mo na kung ikaw ba magco-coffee kasama ang ibang lalake na hindi nya kilala, ok lang ba? Sabihin mo na ayaw mo ng away. Sabihin mo din na you trust him, kahit hindi pa totoo. Banggitin mo na kahit sobrang may tiwala kayo sa isa't isa, ayaw mo lang magkaron ng chance na magkagusto sya sa iba. Kung hindi gago ang asawa mo, makikinig yan. I-point out mo na rin na alam mo namang hindi ka nya ipagpapalit don sa babaeng yon dahil mas maganda ka. Pabiro mong sabihin yan, basta ang importante ay marinig mismo nya ang totoo. Kung totoo ang sinasabi mo na panget yung babae, at kung mabait ka naman sa mister mo, dalawang bagay ang malabo sa mister mo... mata at utak. Kailangan lang nyang malinawan. Good luck Dianne. Thank you sa tiwala. Sana maayos yang problema mo. Pag hindi tumino yang asawa mo, huthutan mo na lang ng pera, bumili ka ng sexy underwears, kunan mo ng picture ang sarili mo na suot yung mga binili mo, tapos email mo samin yung pictures. Sana matigas ulo ng mister mo.

    Inosente ka ba?

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    Isa 'to sa pinaka astig na optical illusion para samen. Hindi dahil mahirap makita yung dalawang image na visible sa illusion, kung tutuusin madali nga daw makita kung may malisya ka na. Ang dahilan kung baket kami naaastigan, 'e dahil sa results ng research na ginawa dyan.


    Sa research na ginawa sa optical illusion na yan, lumabas na pag adults ang nakatingin, nakikita nila yung dalawang image... Isang image ng 9 na dolphin na lumalangoy, at isa pang medyo erotic na image. Pero pag mga bata ang nakating, yung image ng 9 na dolphins lang ang nakikita nila. Inosente kase sila. Kaya hindi nila mapansin yung erotic na image, kasi nga wala naman silang paghuhugutan na malisyosong imahe sa memory nila. 

    Kaya kung nakita mo yung pareho image, may malisya ka na. Kung image lang ng 9 dolphins ang nakita mo, inosente ka pa (Mamatay na magpanggap na inosente.) Pero kung erotic image lang ang nakita mo? Gago, manyak ka.

    Ang pinaka mabisang pangontra sa online predators? Pagiging hindi tanga.

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:


    Delikado naman kasi talagang makipagkita sa taong nakilala mo lang online. Lalo na kung mag-isa ka at babae ka pa. Kayong mga babae, lalo na yung mga high school pababa, madaming pag-iingat naman. Hindi konting pag-iingat... MADAMI. Kung makikipagkita kayo sa nakilala nyo sa kung saan-saan online, magsama kayo ng iba na pwedeng kunan muna kayo ng picture. Para alam ng nakilala mo na pag may nangyare syong masama, malalaman ng mga pulis kung ano ang itsura ng hahanapin nila. Kung pwede, sa mataong lugar kayo magkita. Wag kayong sasama pag nagyayang lumipat ng lugar. Wag kang sasakay sa kotse nya. Basta importante, alam nung tao na may ibang nakakaalam na sya ang kasama mo. Hindi din excuse kung hindi ka na bata. Sa video na yan, inaapila nung bobong babae na 18 years old na sya. Baket? Sa tingin nyo ba may ating-anting na kayo laban sa rape pag 18 and above na kayo? Kabobohang excuse. Wala syang karapatang umapila dahil kita naman na concern lang yung ermat nya. Astig nga yung ermat nya, kalmado 'e. At kahit pinagtitripan sya nung utol nya, muka namang may concern din sa kaya. Ang hindi lang namin alam, 'e kung baket mukang alam na alam nung utol nya ang feeling ng ma-rape... in the butt.

    Reboot (My Amnesia Girl)

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:

     "His Amnesia Boy"


    Ang problema ngayon, pano naten kakalimutan 'tong video na 'to? Pabili nga ng amnesia.

    pinakawalan ni I.T.s Me[er]
    sa Tip Box

    Reboot (Scarlett Johansson Nude)

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:

    Scarlett Hohansson Nude


    "Scarpwet Johadhad" Nude

    Kasalanan ni mani sa Tip Box

    Ask The Authors (Neo-writer)

    By mgaepals on 13:43

    comments (0)

    Filed Under:

    Tanong galing kay Ern:
    Nakasali po ako sa school paper namin as literary editor. Maganda naman yun for me as a newbie sa larangan ng pagsusulat. From journalistic to creative writing. Naeenjoy ko ang paggawa ng articles na i-pupublish sana this sem. Pero may problema na nangyari. Nalaman ng school admin na may isa akong dropped na subject(Microeconomics), pero walang kinalaman yun sa bagong course ko (nag-shift ako). So ang disciplinary action ng school admin, tangalin ang discount sa tuition ko na 40%. Pero hindi lang yun, pagkatapos ang ilang linggo, nagdisisyon ang school admin na tangalin ako sa editorial board as thier staff. Nakakalungkot. Wala naman sa school policy ang ginawa ng admin. Ayun, nakabinbin sa computer ng editorial board ang mga articles ko na ipa-publish sana this sem. Any advice or  encouragement from you mga sir? Thanks and more power.

    MgaEpal.com:
    Naging part din kami ng school paper nung high school kame. Sa sports section, at sa literary din. Kahit pa sabihin nating ginawa lang namin yon para sa extra credit dahil muntik na kaming bumagsak sa dahilan na mas completo pa ang attendance namin sa paglalaro ng counterstrike at basketball noon, at kahit pa halos wala naman talaga kaming silbi sa school paper, nakita namin kung gaanong effort ang ginagawa nung mga kasama namin na nagtatrabaho talaga. Kaya kung hilig mo talaga ang pagsusulat, nakakahinayang nga yung effort mo. Yung sa nawalang 40% na discount sa tuition mo, kung may ruling talaga na ganon sa school mo, wala ka nang magagawa. Sa issue naman na natanggal ka as staff ng school paper, kausapin mo one on one yung school admin. Wag sa harap ng ibang tao. Wag sa harap ng kahit isang tao lang. Dapat kayong dalawa lang. Mas nagpapaka-mahigpit kase ang mga "people of authority" pag may ibang tao. Paki-usapan mo muna na kung pwede, makapag-stay ka sa position mo sa school paper. Mag-research ka muna kung wala nga ba talaga sa school policy yung ginawa nya. Magtanong ka sa guidance councilor. Kung 100% sure ka na wala, pag hindi sya pumayag na makabalik ka, pwede mong banggitin na wala nga sa policy yon, pero in a very respective way. Balitaan mo kami kung anong mangyare. Paki send na din ng kopya ng article mo, trip lang naming makita, kung ok lang naman. Oo nga pala, kung wala sa policy yung ginawa nung school admin, tapos hindi ka parin binalik as staff ng school paper, paki rekta sa email namin yung contact number sa office ng admin nyo. Good luck sa hasel mo kid.

    Sa advice nga pala, sobrang simple lang yung mga mapapayo namin. Hindi naman kase kami magaling magsulat. Sa totoo lang, sobrang dami naming hindi sinusunod na "proper writing format." Mas importante siguro yung content ng isusulat mo. Kung tagalog, wag masyadong malalim na tagalog kung ang habol mo 'e maka-relate ang magbabasa. Iwasan mo ding gumamit ng text-spellings tulad ng "un" instead na "yun" o kaya "kyo" imbis na "kayo". Importante din na magsingit ka ng sarili mong opinion tungkol sa topic mo. Kung puro base kase sa facts, muka ka lang nag-report. Basts mas organic, mas mukang kausap mo yung reader, mas kakaiba ang topic or reaction mo, mas ok. At importante nga pala na pag yumaman ka sa pagsusulat, balatuhan mo ng 10% lang yung mga nagpayo sayo... Sige kahit 5% lang... Kahit dalawang case na lang ng beer... Libreng sine?... Load, kahit 25 lang para maka-unlitext to all networks for 24 hours.... Ice tubig, tang*na kahit ice tubig lang papatusin namin yan mabalatuhan lang. Maski poker chips na lang sa facebook. May nagpopoker pa ba sa facebook? Kalokohan yun 'e. Luto naman, kung sinong konti yung chips yun yung nananalo... Ano na nga bang pinag-uusapan naten?

    "Cease fire para sa sex fire."

    By mgaepals on 11:52

    comments (0)

    Filed Under:


    Kung hindi titigil ang putukan... titigil ang "putukan".

    Special Na Tao

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:


    Special na tao lang ang kayang magpataob sa mga kabayo sa pamamagitan ng pagkalso ng itlog nya sa poste. Special na tao lang ang kayang magpa-skid ng kabayo sa ilalim ng truck na parang motor. At special na tao lang ang nireregla sa noo.

    "He's nothing but a second rate, trying hard, copycat!" -Lito Lapid

    kinabayo ni 
    litolapid_poreber sa Tip Box

    "BFFs"

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:


    Hakuna matata...

    tinimbre ni choy sa Tip Box

    Planking Issues

    By mgaepals on 13:02

    comments (0)

    Filed Under:

    Ilang buwan na kaming nanahimik tungkol sa planking dahil neutral kami sa issue na yan. Sa tingin nyo ba walang mga nagre-request para sa reaksyon namin dyan? Halos araw-araw may magtatanong ng "Ano po ang masasabi nyo tungkol sa mga nagpa-planking?" o kaya "Baket ang daming galit sa mga nagpa-planking?" at kung ano-ano pang planking questions. Pero hindi kami naglabas ng kahit anong reaksyon. Baket? Dahil masyadong simple ang reaksyon namin dyan noon. May simpleng statement lang kame na "Plank at your own risk." Pero noon yon.

     image hugot dito

    Umabot na sa issue ng pagkakaron ng Anti-Planking Law. Tang*na mahiya naman kayo. Hanggang ngayon hindi kami against sa mga nagpa-planking na trip lang. Pero sa mga nagpa-planking sa mga rallies, paki tigil-tigilan na yan. Kasama nyo kame sa pagpoprotesta sa bulok na sistema ng gobyerno, pero yung mga nagpa-planking sa welga ang dahilan kung baket nagkaron ng usapan tungkol sa nakakabobong Anti-Planking bill na yan. Oo, lahat tayo may freedom of expression, o sa lagay na 'to "Freedom to trip lang." At oo, na nagagaguhan din kami sa binabalak nilang Anti-Planking law, kaso kayo naman ang nagsimula 'e. Sa anti-planking shit na yan, sinasabing bawal mag-planking sa mga rallies. Kung sa mga rallies lang, tama lang yon. Tang*na alam namin ang itsura ng Welcome Rotonda. Nagplanking kayo don. Mawalang galang lang, pero... gago ba kayo??? May mga blind side don. Put*ng ina pag may nasagasaan ng kotse sa inyo, sinong sisisihin? Buong Pilipinas. Pagpipyestahan na naman tayo sa CNN. At madadamay lahat ng nagpa-planking, pati yung mga groups na nagkakatuwaan lang.

    Ang daming artistang nag-react ng sobrang negative sa Anti-Planking law. Naisip ba nila na walang choice yung mga gumawa ng bill na yon dahil kaligtasan ng mga nagra-rally ang nakasalalay? Nakisakay lang sa hype yung mga artistang yon, para "cool". Para sa mga artistang yan, kung mga kapatid, anak, o magulang nila ang magpa-planking sa area ng mga busy na kalsada, ayos lang ba sa kanila? Seryoso, ayos lang? Ang bobo 'e.

    Hindi kame nagpa-planking. Pero hindi din kami against sa planking. Kung wala kayong mapeperwisyong iba, at kung nasa sarili nyo lang ang risk, bahala kayo, good luck sa trip. Pero kung makakadamay kayo ng mga inosenteng driver na dumadaan lang sa normal nilang daanan, at may posibilidad na malagay sa konsensya ng mga driver na yon ang buhay nyo, kalokohan na yan. Para naman sa mga gago sa gobyerno, pakinggan nyo kasi agad ang mga reklamo. Mag-set kayo AGAD ng meeting kung sapat ang dami ng taong nagrereklamo. Tang'na nyo kaya kayo binatukan ng pagpa-planking sa mga rallies, dahil hindi nyo sila pinapansin nung puro salita lang sila. Simple lang naman yan, kung ayaw nyong mabatukan, lumingon kayo agad sa sitsit pa lang.

    Basta kung sa rallies lang ipagbabawal ang planking, ayos lang. Kung totally ipagbabawal ang planking, gago kayo. At paki bilisan nga ang conclusion nyang bill na yan, para hindi nasasayang ang oras. Hindi request yan. Utos yan, galing sa lahat ng Pilipinong nagbabayad ng sweldo nyo.

    Isang bagay pa nga pala para sa mga mahilig mag-planking. Tutal ang lakas ng loob nyong dumapa kung saan-saan, siguraduhin nyo lang na kayo ang naglalaba ng mga damit nyo.

    "Chinese Beat"

    By mgaepals on 09:02

    comments (0)

    Filed Under:


    Michael Jack Sung
    King of C-Pop

    Express Tip by @calvinathor on Twitter

    Reaction, Re-Reaction and Re-Re-Reaction.

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    Reaksyon ng MgaEpal.com sa sagot ni Shamcey sa Miss Universe 2011 Q and A:
    Maganda naman yung sagot ni Shamcey para sa isang beauty contest na pabor sayo kung moralista ka. Sobrang hirap nung tanong. Kailangan nyang sumagot ng pabor sa religion. Syempre, moralista ang mundo 'e. Kung sinabi nyang magpapalit sya ng religion para sa mahal nyang tao, madami na namang bobo na aapila. Hindi kami anti-religion, nagagaguhan lang kame sa ruling ng iba na hindi pumapayag ikasal ang dalawang tao dahil lang iba ang religion nung isa. Pero ang basehan kung baket sa tingin namin ok yung sagot ni Shamcey, ay dahil alam naming panalo ang sagot nya para sa madaming tao. Miss Universe Pageant yan, at ang buong universe ay moralista.


    Reaksyon ni kenneth: 
    Magandang araw po. ako po ay isang masugid na tagabasa ng blog niyo. Natutuwa ako sa mga pinopost niyo dito, hinahangaan ko ang humor at pagiging witty niyo. May isa lang po akong ikinatampo sa blogpost niyo. Ito ay yung tungkol sa sinabi niyong " Hindi kami anti-religion, nagagaguhan lang kame sa ruling ng iba na hindi pumapayag ikasal ang dalawang tao dahil lang iba ang religion nung isa." Sana po, bago po ninyo sinabi iyon, nagresearch muna kayo o nagtanong dun sa pinatutungkulan ninyong relihiyon kung bakit ganoon ang aral sa kanila. Hindi po lahat ng bagay ay dapat binabase natin sa sarili nating paniniwala. Bigay galang po tayo. Salamat po!

    Reaksyon ni boy talbos:
    Actually, matagal ko nang nabasa yung about sa result ng miss universe na pabasa ninyo. At malaking tutol ako doon sa reaksyon nyo na binase ninyo ang opinyon nyo sa pagiging "moralista" ng mundo. Tama na moralista nga ang pagiging maka-Diyos at makatao, sablay nga lang ang patutsada niyo dahil ginusto ninyo na dapat ay piliin niya ang pagpapalit ng relihiyon para sa mahal niya. Isipin niyo rin na sinagot niya ang pagpili sa relihiyon laban sa minamahal dahil iyon ang alam niyang tama.

    MgaEpal.com:
    Himayin natin isa-isa yung content ng comments nila. Teka, bago ang lahat, salamat nga pala sa reaksyon. Eto na...

    Tungkol sa sinabi naming "Hindi kami anti-religion, nagagaguhan lang kame sa ruling ng iba na hindi pumapayag ikasal ang dalawang tao dahil lang iba ang religion nung isa." Totoo yon. At tinanong na namin nung mga bata pa kami, sa ibang "leaders" ng ibang religion kung baket ganon. Ang sagot nila, dahil isang Diyos lang ang dapat paglingkuran. May point diba? Kaso iba-ibang leaders ng iba't ibang religion ang nagsabi nyan. So kaninong diyos ang dapat paglingkuran. Sa tingin namin isa lang ang God ng LAHAT NG RELIGION. Naging iba-iba lang ang interpretation ng teachings. Kaya dapat pwedeng ikasal kahit magkaiba kayo ng paniniwala. At payagan na ituloy nyo ang paglilingkod kay Lord sa sarili ninyong paraan. Ang maganda sa pagtatanong namin ng kung ano-ano tuwing may nakikilala kaming religious leader, may nakikilala din kaming hindi takot lumangoy laban sa agos. May sumagot ng tanong namin na nagsabi na kahit malakas ang faith nya sa religion nya, hindi din sya agree na hindi pwedeng ikasal ang dalawang tao dahil lang magkaiba sila ng religion.

    Salamat sa concern at pagsasabi na sana nag-research muna kami. Wag kayong mag-alala, sa topic na yan, nauna pa ang research namin, more than 7 years ago. Nagkataon lang siguro na interesado kami sa madaming bagay kaya mahilig kami magtanong. Tama ka na hindi LAHAT ng bagay, dapat binabase sa sariling paniniwala. Pero kung OPINION ang binibitawan, sariling paniniwala talaga ang basehan. Tama? Tama. At sa comment mo na "Bigay galang lang po." Pasensya na, pero pano namin igagalang ang ruling na nagiging hadlang sa pagpapakasal ng mga taong nagmamahalan ng totoo, at nagkataon lang na bininyagan sa magkaibang religion? Matuto muna silang intindihin ang karapatang para sa pagkakapantay-pantay. Alam nyo ba na ang pinaka ugat ng ganyang ruling sa ibang religion ay para makahatak ng followers? Nung mga sinaunang panahon, ginagawang bait ang mga members ng ibang religion para paibigin ang mga tao na hindi pa members. At para pwede silang ikasal, kailangan magpa-convert o sumali nung taong yon sa religion nila. Sana mag-research din kayo para magkaron kayo ng ibang basehan. Tulad ng sinabi namin, hindi kami anti-religion. Pero wala din kaming religion na pinapanigan. Pro-religion kame kung tutuusin. Baket? Dahil it keeps order while preventing chaos. It gives hope. It gives people a reason not to cause harm to others. At madami pang magandang epekto. Depende lang yan sa mga taong nagpapatakbo nung religion.

    Sa content ng pangalawang reaksyon naman, sinabi mo na moralista nga ang pagiging makadiyos, at makatao. Pero hindi kami ang nagsabi nyan. Kung tutuusin mali ang paniniwalang yan. Sa totoo lang maka-Diyos kami. Malakas ang tiwala namin kay God. Kay God, at wala nang iba pa. Pero hindi kami moralista. Nagiging moralista ang isang tao pag ang batayan nya ng tama at mali ay base sa sasabihin ng karamihan, o base sa sinabing "tama" ng tao lang. Alam nyo naman ang basehan ng "tama" at "mali". Kung wala kang naaragabyado, nasasaktan, o iniisahan, hindi mali yon. So sa pagpapakasal ng dalawang magkaiba ang religion, may sinasaktan ba sila? May maaragabyado ba? May iniisahan ba? Wala diba? Pano nila sasabihing mali yon? Yon ang magandang halimbawa ng pagiging moralista. Tungkol naman sa sinasabi mong sana inisip din namin na kaya pinili ni Shamcey ang religion kesa sa pagmamahal ay dahil baka yun talaga ang paniniwala nya... Kelan ba namin sinabing hindi yon ang dahilan nya? Wala kaming sinabi na hindi yun ang totoong paniniwala nya. Ang laman ng reaksyon namin, ay kung baket sa tingin namin maganda ang sagot nya para sa madaming tao. Sana nalinaw namin yung mga inakala nyong ibig namin sabihin. Pasensya na kung kulang pa, mahirap talagang i-dissect yung issue na yan. Salamat ulit.

    May mga nagpadala din ng tanong na kung kami daw ang sasagot sa tinanong kay Shamcey, ano daw ang isasagot namin?

    Eto yung tanong...
    Would you change your religious beliefs to marry the person you love?”

    Eto ang sagot namin...
    Religion isn't supposed to be an issue between two people in love. We believe everyone serves their purpose to one God, and religion is just a label given to a group of people having the same way of serving God. Yes, we would change our religion to be able to marry the person we love, but our beliefs and way of serving Him will remain. 

    Ask The Authors: (Smoking)

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    Tanong galing kay Risa:
    Bakit po ba nagsisigarilyo ang mga tao kahit alam nilang masama sa health yun?

    MgaEpal.com:
    Iba-iba ang dahilan kung baket naninigarilyo ang mga tao. Addicting ang nicotine, kaya kadalasan yan ang dahilan ng pagyoyosi. Hinahanap-hanap na ng katawan ang nicotine. Pero may mga tao din na "occasional smokers". Yung tipong napapayosi pag may salo-salo, kadalsan pag may inuman. Minsan peer pressure ang dahilan. Pag halos lahat ng kasama nila, nagyoyosi, napapyosi sila. Subconscious nila ang nag-uutos sa kanila na makisama pag ganon. Hindi sila aware na kaya lang sila nagsindi ng yosi, ay para "just to belong". Mali yan kung tutuusin, kaso hindi nga aware ang iba pag ginagawa nila yan. Meron namang nagyoyosi lang pagkatapos kumain, eto yung mga taong pakiramdam nila mas mabilis gumagaan ang pakiramdam nila pag nakakapagyosi sila. Pero sa totoo, kahit mag-inhale-exhale lang ang kahit sino, mas mabilis luluwag ang pakiramdam mo pagkatapos kumain. Pag humihithit kasi ng yosi, mas malalim ang inhale mo. Ang normal na paghinga ng tao ay mababaw. At pag kakatapos lang kumain, mas bumababaw pa ang paghinga dahil nao-occupy ng stomach ang konting space para mag expand ang lungs.

    Sa totoo lang,  wala kami sa lugar para sabihin na masama para sa inyo ang paninigarilyo, dahil sa aming apat, may occational smokers, at may addicted smokers. Sinusubukan naming itigil ang habit na yan sa kanya-kanyang paraan. Mas malakas ang addiction ng iba kesa sa iba. Kung may mga smokers na nakakabasa nito, subukan nyong bawasan pakonti-konti. Yung mga hindi nagyoyosi, wag nyo nang subukan, dahil sa tikim lang din kami nag-umpisa. Mahirap itigil pag natutunan at napadalas ang pagyoyosi.

    Gusto naming i-share ang isa sa observations namin sa mga nagyoyosi; Parang "sport fishing" o hobby na pangingisda ang pagyoyosi. Baket? Ganito yan... Pag nangingisda ka (sport fishing) feeling mo may ginagawa ka, pero kung tutuusin, wala. Naghihintay ka lang na may kumagat na isda. Ganyan din ang pagyoyosi. Kaya nga mas napapayosi ang mga smokers na may hinihintay. Tulad ng pag may hinihintay kami na kabarkada. Halimbawang late yung hinihintay namin, nakakabato pag walang ginagawa. Kaya napapasindi kame. Sindi, hithit, taktak ng abo. Feeling namin may ginagawa na kami nyan, pero wala naman. May iba naman na pacool lang ang pagyoyosi. Abnoy ang mga ganyan. Feeling nila astig dahil umuusok ang bibig nila. Mas nahihirapan pa tumigil magyosi ang mga ganyang tao dahil tuwing nagyoyosi lang sila nababawasan ang pagka-insecure nila. May iba pa nga na dinadala sa "retard level" ang pagpapacool gamit ang yosi. Nakakita ka na ba ng nagyoyosi gamit ang buong kamay nya. Yung tipong pag humihit, nakaipit sa gitna ng hinpapakyu at palasingsingan yung yosi, sabay nakabukas ang kamay pag humihithit.Yung halos matakpan na ng buong kamay nya yung muka nya pag humihithit sya. Yan ang isa sa magandang example ng mga taong tinatawag naming "trying hard maging feeling cool wannabe". Pero sa susunod na namin ikukwento kung ano ang iba pang halimbawa ng "trying hard maging feeling cool wannabe". Sa ngayon, hanggang dito na lang muna ang usapang yosi na 'to. Masamang bisyo yan, tigil nyo na yan, o wag nyo nang subukan. Sige, salamat, hanggang bukas na lang. Yosi muna kame.

    Girl Pick Up

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:


    For more comedy acts, watch the Senate hearings.

    Tinimbre ni Andi sa Tip Box

    The show must go on...

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:


    His show. His time.
    His SHOWtime.

    tinimbre dapat ni 
    makikiepal sa Tip Box

    Boxing Recipe: (Mayweather cheapshot vs Ortiz)

    By mgaepals on 04:12

    comments (0)

    Filed Under:


     -1 tablespoon of Floyd Mayweather Jr. na gustong patunayan na hindi lang matatandang boksingero ang kaya nyang talunin. Kaya nirentahan si Victor Ortiz.

    -1 tablespoon of Victor Ortiz na mukang pumayag sa laban para lang sa higit 2 million dollars na sure money, at mukang binayaran pa para ipatalo ang laban.

    -1 cups of madramang promotion.

    -1 bag ng bullshit na script.

    -Lutuin sa apat na round ng boxing.

    Finished Product: "Nilagang Bullshit"

    Lights, Camera... Action.


     Kulang na lang lumabas si Tripple H at Vince McMahon.

    Nabawasan ang respeto namin sa boxing. Put*ng inang 'to, ok lang naman na may drama sa labas ng ring. Part ng hype yon para sa promotion ng laban 'e. Pero kung pati sa loob ng ring magkaka-lutuan, pera na ng mga tao ang ninanakaw. Oo, totoong hindi lahat ng boxing fights may kalokohan, pero sa nangyareng 'to, ang laking mantsa nyan sa sport. Wala kaming paki-alam sa explanation na gagawin ng mga gagong yan, hindi sila ganon kagaling umarte at hindi ganon kagaling ang acting nila sa pagtatapos ng laban. Tinalo pa nila ang wrestling. Sa wrestling, at least alam ng tao na peke ang nangyayare. Sa ginawa nila dito, nang-gago lang sila. Astig, ang galing ng naisip nilang scam.

    And the new WWE welterweight champion of the world is
    Floyd Mayweather Jr. 

    Walang nag-expect na magiging JOKE lang ang laban na yan. At lalong mas walang nag-expect na ganon ang gagawin nilang PUNCHline.

    Anti Sikip Technique

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:


    Ninja.

    tinimbre ni raki sa Tip Box

    Class Report

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:

    Pag nasa classroom kayo, tapos kailangang lumabas ng teacher para mag-CR, magpa-photo copy ng test papers, mag-miryenda ng patakas, o para tumawag sa shota nya, pinagbibilin minsan ng teacher sa isang studyante na bantayan ang klase. Uutusan nyang ilista nung studyante sa blackboard kung sino-sino ang mga tatayo, lilipat ng upuan, at mga mag-iingay. Pag tumayo ka, sa listahan ka ng "Standing". Pag lumipat ka ng upuan, "Not In Proper Seat". Kung nakikipagdaldalan ka naman, kahit hindi masyadong maingay, "Noisy" ka agad. Ginagawa yan para madisiplina yung mga studyante. Effective yan, dahil may parusa pag napunta ka sa mga listahan na yan. Minsan may bayad na ilalagay sa class fund. Minsan deduction ng score sa susunod na test. O kaya ipapatawag ang magulang mo pag madalas kang nalilista. Hanggang high school lang naman kadalasan may ganyan. Sa college wala na nyan. Pero kung tutuusin, pagkapanganak pa lang sayo, nasa mas malaking classroom ka na, at may mas nagbabantay na teacher na nag-aabang kung sino ang malalagay sa listahan.

    Malaking-malaking classroom ang mundo, at experience ang teacher. Ang kaibahan lang, hindi lumalabas ng classroom yung teacher, at sya mismo ang naglilista ng "Standing", "Not In Proper Seat", at "Noisy". Pero sa classroom na 'to, maganda pag nasama ka sa lista. Pag naka-tayo ka, mas madami kang makikita. Mas malayo ang nakikita mo. At mas may alam ka sa nangyayare. Mas kita mo rin yung "Crush" mo pag nakatayo ka. Kaya kahit mas madalas kang naka-upo, kung madami kang nalalaman, at natututunan, "Standing" ka. Pero kahit "Standing" ka na, kung hindi naman nagagamit yung mga nalaman at kaalaman mo, sayang. Kumilos ka. Lumibot ka. At maghanap ng mga makikilala. Kung mas madami kang makilala, mas madami ang koneksyon mo, mas dadami ang opportunities mo. Mas malaki din ang chance na makatabi mo ang "Crush" mo at maging panghabang-buhay mo syang "Seatmate" (Yeehee! Kilig? Mga siraulo.) Kung ginagawa mo yan, mapupunta ka na rin sa "Not In Proper Seat".  Pero kailangan mo paring matuto dumaldal. Yung daldal na may substance. Kung hindi ka iimik, kahit pa isang batalyon na ang nakakatabi mo, hanggang opportunity na lang yan. Wag mahiyang magtanong kung may gustong malaman. I-share sa iba kung may maganda kang idea. Dahil ni hindi nila malalaman kung sino ka kung hindi ka gagawa ng kahit konting ingay. Kahit katabi mo na yan, kung tameme ka lang, irrelevant ka kung nakalingon sya sa kabila. Kaya kahit kalabit pa lang ang ginagawa mo, kung ang purpose mo ay para makipag-usap, nakalista ka na sa "Noisy". Minsan nga, sa kalabit pa lang meron nang nagkakaintindihan.

    Standing. Not In Proper Seat. Noisy.
    Nakalista ka na ba?

    Mayweather vs Ortiz: (Pre-fight Pabasa)

    By mgaepals on 00:51

    comments (0)

    Filed Under:


    Bukas na ang laban ni Floyd Mayweather Jr. at Victor Ortiz. Parehong interesting ang stance nitong dalawang 'to. Si Ortiz ay naturally right-handed pero mas sanay sa fighting stance na pang-kaliwete (southpaw). At dahil ganon sya, lumalabas na may malakas na impact ang jab nya. Nagiging delikado rin sya para sa nakakalaban nya dahil ibig sabihin may punching power talaga ang pareho nyang kamao. Si Mayweather naman, halos nakatagilid ang angle ng katawan nya kaya "side-view" lang nya ang exposed sa kalaban. Nagiging mas maliit na target sya kaya mahirap tamaan. Sa ganong stance, nagagamit din nya yung balikat nya pangdipensa sa muka nya. Mas nakakalayo din sya ng ulo nya dahil imbis na patalikod ang ilag nya, nagmumukang pagilid. Parehong may advantage ang stance nila, at nakita na namin sa mga real fight videos (hindi sa pilikula) ni Bruce Lee na ginagamit nya yang mga stance na yan. Isang offensive stance at isang defensive stance.



    Kung magiging malikot si Ortiz, pwedeng sya ang lumamang. Magaling na counter puncher si Mayweather. Kung in and out ang gagawin nya (suntok sabay layo agad) mas malaki ang chance nyang bihira matamaan at makakuha ng panalo kung aasa lang si Mayweather sa counter punching. Pero kung hahaluan ni Mayweather ng aggressiveness ang style nya, sya ang lamang. Mabilis ang kamay ni Mayweather, kaya kung susundutan nya paminsan-minsan ng atake si Ortiz, at dahil magaling nga sya dumipensa, mas madami ang lalanding na suntok nya kesa kay Ortiz, kahit mas madaming suntok na ibato si Ortiz.

    Madami pang factors na basehan. Mas bata si Ortiz ng sampung taon. 24 sya, si Mayweather, malamang edi 34. Advantage ni Ortiz ang youthful energy, pero nakay Mayweather ang experience. 16 months napahinga si Mayweather, kaya pwedeng makaapekto ang ring-rust sa kanya. Pero mas sanay din si Mayweather sa ganito ka-celebrated na laban. Pwedeng maka-apekto kay Ortiz ang overwhelming attention. Nothing to lose si Ortiz dahil sya ang "underdog". Madaming umaasa na matalo nya si Mayweather, pero umaasa lang. Mababa parin ang expectations na manalo sya. Maganda daw pag ganyan ang sitwasyon ng fighter dahil mas wala daw pressure. Pero sa tingin namin, yang nothing to lose na sitwasyon ni Ortiz ang pinaka malaking harang sa kanya. Baket? Dahil kung hindi mana-knockout ni Ortiz si Mayweather, malabong sya ang gustuhing manalo ng judges. Undefeated si Mayweather. Yan ang titingnan na angulo ng mga judge. Kung hindi magiging dominating ang performance ni Ortiz, ibibigay ng judges ang panalo kay Mayweather. Para lang hindi mamantsahan ang record nya. Theories lang naman namin yan, pero malakas ang kutob namin sa posibilidad na yan.

    Ang hirap hulaan kung sino ang mananalo. Pero kung hindi nga mana-knockout ni Ortiz si Mayweather... sa tingin namen, Mayweather by decision.

     image hugot dito

     Based sa picture na 'to, mukang magiging dikit ang laban.

    image tinimbre ni 
    aguirre1017 sa Tip Box

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    Boy Puck Up: Mahilig ka ba sa chicharon?

    Neneng B: Baket?

    Boy Pick Up: Nasa pera... ang... muka ko.


    bayad ni JerMooEllaine 
    sa Tip Box

    Filipino Ninjas

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:


    Tunay na ninja lang ang dadayo sa ibang nasyon
    Patataubin ang kalaban na naghamon
    Kahit ang pinataob ay taga lugar na yon
    Nangolekta ng respeto sa mga taga don

    Protege: Rap Battle Ninja

    video binagsak ni 
    mickosa Tip Box

    Class Picture

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    Nangako.

    Katuparan ng pangako.

    pinakawalan ni 
    pulang kabayo sa Tip Box

    Ask The Authors (HBD)

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    Tanong galing kay warp:
    Tanong lang po; Halimbawa sa Facebook, pag birthday mo, may mga babati minsan sayo ng " HBD! :) " Sa tingin ninyo ok lang po ba na may mga bumabati ng ganyan? Concern lang po, baka kasi sa pasko magbatian na lang ng "MC!" tapos sa bagong taon "HNY!".

    MgaEpal.com:
    Magandang tanong. Salamat. Eto yung mga klase ng tanong na ganado kaming saguting. Yung mga tipong tungkol sa mga kusang loob na nagpapakaretarded. Siraulo yang mga umi-"HBD!" pag bumabati sa Facebook pag may nagbirthday. Tang*na "Happy Birthday" lang katatamaran pa ba yang i-type? Kung hindi ba naman pa-cool lang talaga yang mga taong yan. Feeling nila pag abbreviated, smart o sosyal. Una sa lahat, special na araw ng taong babatiin mo. Insulto lang kung babatiin mo sya ng shortcut. Muka ka lang tinamad, at kaya ka lang bumati para batiin ka din nya pag ikaw naman ang may birthday, at madagdagan ang babati sayo, para mukang madami ang may paki-alam sayo. Gago. Pangalawa, "Happy Birthday"... two words lang yan. Baket "HBD"? Kung hindi ba naman tanga lang talaga ang gagawa nyan. Ang tanong mo ay kung ok lang ba para sa amin na may mga bumabati ng ganyan? Oo naman, ok lang. Para pag-dating ng birthday nyo, malaman nyo kung sino sa mga kaibigan nyo sa Facebook ang pa-cool na tanga.

    Miss Universe 2011 play by play breakdown.

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    Ang Miss Universe Pegeant daw ang katumbas ng "Pacquiao fights" sa mundo ng mga bading. Kung tuwing laban ni Manny Pacquiao, walang traffic dahil halos lahat ng tao nasa bahay lang o nasa mga restaurant na may promo para makanuod ka ng laban live, habang kumakain ng overpriced na almusal. Tuwing may Miss Universe Pageant naman daw, sarado lahat ng parlor at salons dahil nahihirapan ang mga bading mang-gupit at magkulot habang nagchi-cheer.

    Oprah's Statement
    Ang daming umiikot na issue sa Miss Universe 2011 Pageant. Isa yung Oprah fake statement. Sabi sa NBC News, nag-comment daw si Oprah na kung Q and A lang ang basis, panalo dapat si Shamcey. Pero hindi naman daw totoo na sinabi ni Oprah yan sabi ng mga moderator ng website nya. Eto ang fake daw na statement ni Oprah...

     “I have reservations with the results. If the only basis is the Q and A portion, after having been trimmed down to 5, Ms. Philippines deserved to win. What made her different from the rest is that she had no seconds to rethink of her answer as she had no interpreter to break the ice. The rest had their interpreters and having breaks on seconds to think about their answers. Hands down, Ms. Philippines answered straight to the point.”

    Lea Salonga's Question
    May mga nagandahan sa tanong ni Lea, pero nandayan ang issue na nag-umpisa sa biro, na masyado daw madali ang tanong ni Lea Salonga kay Miss Angola. Nilinaw ni Lea na hindi ang mga judges ang nagsusulat ng questions kaya hindi nya pwedeng akuin ang complement.

    "Translatorless"
    Alam na ng lahat na 3rd runner up si Shamcey (Miss Philippines).Madaming umaapila na dapat daw panalo sya dahil sya lang ang walang translator. Pero sa tingin namin, hindi sya nanalo... dahil wala syang translator. Hindi namin sinasabing mali ang grammar, o mahina sa english si Shamcey. Magaling sya. Pero bago pa kumalat ang fake na statement ni Oprah, sinabi na namin na dapat may translator na ang mga susunod na "Miss Philippines", dahil nga mas kumakalma at nagkakaron ng oras makapag-isip ang contestant pag may translator.

    "Next year pabaunan na ng translator ang Philippines sa Miss Universe. Para magkaron ng oras makapag-isip at mas kumalma ang pamato naten. Maganda yung sagot ni Shamcey, halata lang sa muka nya na kabado, kaya nabawasan ang elegance. 3rd runner up out of 89 contestants, sobrang astig parin." - by @MgaEpalAuthors on Twitter

    Sa Miss Universe Pageant na yan, sa totoo lang, mukang secondary lang sa kanila ang content ng sagot sa Q and A. Ang pinaka napagbabasihan, yung kung pano nai-deliver o kung gano ka-graceful, charming, at elegant yung contestant habang sumasagot. Habang sumasagot si Shamcey, kita sa facial expression nya ang kaba. Pero kung base nga sa content ng sagot, Miss Philippines talaga.

    Miss Philippines hugot dito

    Shamcey's Answer
    Tanong: “Would you change your religious beliefs to marry the person you love?”

    Shamcey: “No. I will not change my religion to marry the one I love, because the first person I love is God. He is the one who created me. And the principles and values that I have now is because of Him. So if that man loves me, he should also love my God.”

    Maganda naman yung sagot ni Shamcey para sa isang beauty contest na pabor sayo kung moralista ka. Sobrang hirap nung tanong. Kailangan nyang sumagot ng pabor sa religion. Syempre, moralista ang mundo 'e. Kung sinabi nyang magpapalit sya ng religion para sa mahal nyang tao, madami na namang bobo na aapila. Hindi kami anti-religion, nagagaguhan lang kame sa ruling ng iba na hindi pumapayag ikasal ang dalawang tao dahil lang iba ang religion nung isa. Pero ang basehan kung baket sa tingin namin ok yung sagot ni Shamcey, ay dahil alam naming panalo ang sagot nya para sa madaming tao. Miss Universe Pageant yan, at ang buong universe ay moralista.

    Miss Angola Wins
    Kay miss Angola talaga ang korona. Sobrang iba ang karisma ng babaeng yon. Iba ang rapor nya pag naglalakad sya. Charming, elegant, pinaghalong sexy at cute, at may dating na pagka-friendly yung muka nya. Lahat ng pumasok sa Final 5, nakalugay ang buhok. Kay Miss Angola, kitang-kita ang glow nung muka nya dahil nakapusod ang buhok. Ang hirap i-explain, pero iba talaga ang dating. Gusto din namin na sana si Shamcey ang nanalo, pero alam naming kung hindi si Miss Angola ang nanalo nung gabing yon, luto. Kadalsan, yung mga sinasabak sa Miss Universe, may muka na natural ang tabas ng overflowing self confidence. Pero kaya nag-standout si Miss Angola, sweet kasi at shy yung dating nya. Yung tipong maganda na maamo. Medyo hawig nga nya si Colleen Hadkell (Yung leading lady sa "The Animal") pag nakangiti. Medyo lang.



    Closing Statement
    Lahat naman tayo gusting si Shamcey na lang sana ang nanalo. Pero may mga taong pinipilit na "DAPAT" imbis na "SANA". Kung kame ang tatanungin, deserving si Miss Angola para maging Miss Universe 2011.. Pero ang tamang "DAPAT" dyan, ay dapat hindi lang 3rd runner up si Shamcey. Kahit hindi kami pabor sa sagot nya, dahil nga basihan ang "moral values", dapat mas mataas ang nakuha nya. Malayo naman ang kalibre ng sagot nya kung ikukumpara sa 2nd at 1st runner up, na hindi namin alam kung sino dahil sa totoo lang hindi sila relevant sa kwento.

    Bugtong: Buto't balat, pang-Miss Universe ang lipad.

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:

    Answer: Miss sarANGOLA



    kasalanan ni 
    nasty caluag sa Tip Box

    Mirienda para sa utak...

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:


    Sobrang astig na example ng taong binaliwala ang mga "Sana",
    at ginamit ang kanyang mga "Buti na lang".

    tinimbre ni Plankton sa Tip Box

    TRANSFORNITURES

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:


    Ginawa DAW yang mga yan para sa mga nagtitipid na tao na maliit ang tirahan, para magkaron sila ng multipurpose na kagamitan at makatipid sa space. Pero sa tingin namen, sa mahal ng presyo nyang mga yan, karamihan ng makakapagpagawa ng ganyan ay yung mga mayayaman na may malaking bahay naman, at gusto lang magpasikat pag may bisita. 

    Meron ba silang kariton na nagiging kama at bahay para sa isang buong pamilya? Wala, panis.

    tinimbre ni BULATE sa tip box

    Matibay ka nga, madiskarte ka ba?

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    "Ang matibay na tao, kayang tibagin ang mga nakaharang sa kanya. Kikilos paabante at titibagin ulit kung may nakaharang pa. Ang madiskarteng tao, gagawing tungtungan ang mga harang para maka-angat sa iba. Hindi lang kikilos paabante, kundi pataas kung saan mas konti ang makakaharang sa kanya." -MgaEpal.com


    For good times...

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    ...and BAD TIMES.


    ...That's what friends are for.

    pinalutang ni Toby sa Tip Box

    Ask The Authors (Study Habit)

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    Tanong galing kay boy talbos:
    Ano po ang magandang study habit, lalo na kasi malapit na ang midterm exams. Thank you po.

    MgaEpal.com:
    Pinaka ok kung gagawa ka ng reviewer habang kumakain ng paborito mong chichirya/chocolate at nakikinig sa mga trip mong kanta. Mas madali kasing nare-retain ng utak ang mga information pag masya ang tao. May research nga na ginawa kung san lumabas na yung mga subjects na pinanuod ng horror o malungkot na movie, mas nahirapang mag-retain ng information, kesa sa mga subjects na pinanuod ng comedy/feel-good movie. Importante din na may tulog ka bago mag-exam. Pagkagising, scan mo lang yung reviewer, tapos magrelax ka na ulit. Kung tutuusin, habang ginagawa mo yung reviewer, nagrereview ka na. Madalas nga, pagtapos mo isulat lahat sa reviewer, nakarehistro na sa utak mo yung mga sinulat mo. Good luck sa lahat ng mag-eexam.

    Reboot (Teach Me How To Dougie)

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:

    "Teach Me How To Panda."


    All his bit*hes love Panda.

    tinutok ni eXplicit24 sa Tip Box

    Curious lang...

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    Yung mga nag-gu-good night bago matulog sa gabi, nag-gu-good afternoon ba sila kung magsi-siesta sila pag hapon?

    For a cleaner and fresh smelling laptop.

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:


    Note: Para hindi masira ang laptop, isampay at paarawan for 24 hours bago plantsahin.

    This cleaning method is highly recommended by 9 out of 10 gago.

    binanlawan ni
    kamshatero sa Tip Box

    MP for VP?

    By mgaepals on 14:05

    comments (0)

    Filed Under:


     image hugot dito

    Sinabi ni Manny Pacquiao na tatakbo syang Vice President sa 2016. Ang hirap mag-react sa issue na 'to. Malaki ang tiwala namin kay Manny Pacquiao... as a boxer. As a politician, wala pa sya sa lugar para husgahan. Sandali palang ang stint nya as a congressman. Paglipas ng dalawang taon pa, yun ang panahon na may magiging sapat na batayan ang husga sa pagiging politiko nya. Pero kung sa usapang vice presidency, leaning towards "yes" kame. Wala namang masyadong ginagawa ang vice president No offense kay vice Binay at sa lahat ng naging VP in Philippine history, pero yan ang totoo. Yan na nga siguro ang pinaka safe na posisyon. Pag vice president ka, wala sayo ang mata ng mga tao. Wag ka lang gagawa ng kalokohan na pagpepyestahan ng media, "nice-guy" ka na. Tingnan mo si Noli De Castro. From being a news caster, to being a vice president, ang back at being a news caster again; Parang wala lang nangyare. Si vice Binay ngayon, under the radar din kung tutuusin kung hindi lang dahil sa mga papansin ng official website nya. Kaso nga lang, si Noli D. at Jejomar B., hindi naman sila isang Manny P.

    Kung magiging vice si Manny, baka iba ang itakbo ng interest ng mga tao at media. Ano ba ang magiging status ni Pacquiao pag dating ng 2016? Kung kasing tingkad ng exposure nya ngayon ang exposure nya 5 years from now, malamang mas tutok sa mga ginagawa nya ang lahat kesa sa ginagawa ng kung sino man ang magiging presidente. Nakakahinayang lang kung maimpluwensyahan sya ng kurakot, makita ng lahat, at masira ang alamat na sinusulat ng tadhana tungkol sa kanya ngayon (Naks, lalim 'no?)

    Isa pang kinakaalangan namin, baka maging presidente sya dahil sa kung ano mang twist of faith. Hindi imposible yan. Tulad na lang ng nangyare kay Erap at Gloria. Hindi naman sa nagdududa kami sa honesty ni Manny. Ang alangan namin ay sa basehan ng mga magiging desisyon nya. Masyado syang nagpapa-apekto sa mga moralista sa ngayon. Kung mababago nya yan, baka ok lang kahit maging presidente sya. Pero masyado na tayong lumalayo sa issue. Malaking laktaw na yang usapan na yan. Basta kung si Manny Pacquiao, gustong maging vice sa 2016, sige lang, why not. Hanggang dun lang muna kame. Pero dedepende ang huling reaksyon namin dyan, sa kung sino ang magiging running mate nya na tatakbo bilang presidente.


    Malakas ang kutob naming gagamitin nila 'tong idea na 'to pag dating ng 2016.

    "24"

    By mgaepals on 09:01

    comments (0)

    Filed Under:

    Eto si Yoandri Hernandez Garrido. From Cuba. Sa village nila, tinatawag syan “Twenty-four.”
    Baket? Dahil dito.


     images hugot dito
     
    Kung hindi mo parin alam kung baket sya tinatawag na “Twenty-four”,
    pwede ka nang tumigil magbasa at lumamon ka muna ng isang platong iodized salt.
     
    Lahat daw ng daliri ni Yoandri ay functional. Proud daw sya sa mga extrang daliri nya. Gustong-gusto daw nyang naka-paa o nakatsinelas para mapakita nya yang mga yan.
     
    Normal Hand


    Yoandri's Hand

    WARNING?

    By mgaepals on 09:00

    comments (0)

    Filed Under:


    Oo nga naman.

    Hugot sa Tip ni  
    Argelle Evans Cunanan