Epal. Mas Epal. (Injury)

By mgaepals on 09:00

Filed Under:


Epal: Baket ang lutong ng hubog ng muka mo?



Mas Epal: Booyset talaga!



Epal: Anong nangyare?



Mas Epal: Hinarang na naman ako ni Dexter sa may tindahan. Nanghingi na naman ng bente pesos.



Epal: Nakakamagkano ka na sa kabibigay mo ng bente kay Dexter 'a. Baket kasi hindi mo palagan?



Mas Epal: May araw din yan saken. Humanda yung tarantadong yon pag gumaling yung injury ko. Gugulpihin ko talaga yung hayop na yon.



Epal: Wala ka namang injury 'a.



Mas Epal: Gago meron.



Epal: Ulul wala.



Mas Epal: Gago meron!



Epal: Tang*na mo anong injury mo?!



Mas Epal: Baket ko sasabihin sayo? 'E secret nga!



Epal: Wala ka namang sinabing secret 'a!



Mas Epal: Pwes ngayon secret na sya!



Epal: Duwag!



Mas Epal: Sinong duwag?!!



Epal: Ikaw! Pinapabayaan mong gaguhin ka ni Dexter! Duwag!



Mas Epal: Bawiin mo yan kundi gugulpihin kita!



Epal: Leche duwag!



Mas Epal: Pasalamat ka may injury ako.

0 comments for this post

Post a Comment