Tanong galing kay p333tmalu:
Mga idol may tanong po ako. Anong pagkakapareho ng school, trabaho, at misis?
MgaEpal.com:
Hindi namin alam kung baket mo natanong yan. Hindi din namin alam kung joke ba yan, pero sasagutin na lang namin dahil wala kaming magawa. Madami ang pinagkapareho ng school, trabaho, at misis. Pareparehong dapat pagtuunan ng sapat na oras para hindi mawala sa buhay mo. Pareparehong dapat kilatisin para maintindihan ang mga dapat mong gawin sa kanila. Pareparehong dapat alagaan kung gusto mong makinabang ka din. At pareparehong pinapasukan.
Sa isang article ng Yahoo! Philippines tungkol kay Vice Ganda, lumabas sa comments ng mga readers na madami paring Pilipinong may lason sa utak pag dating sa pagtanggap sa mga bading. Bago natin umpisahan 'to, gusto muna naming sabihin na hindi kami fan ni Vice Ganda, at hindi ito pagtatanggol sa kanya.
Eto ang ilan lang sa mga comments na kumuha ng atensyon namin:
- "It is high time TV stations should think twice before glamorizing gay entertainers and TV hosts. They are now occupying majority time in the entertainment world in almost all TV stations. They send negative signals to our children. If you have noticed children in grade schools are already showing their 3rd sex preference. I don't intend to condemn gays but most perverts are gays. And they are hardly considered as good models for young children."
- "Sa lahat na ang pinaka-sinungaling sa mundo ay ang mga bakla....."
- "Dapat kasi hindi i-encourage ang mga bakla na magkaroon ng show kasi ang impact sa mga bata ay ginagaya nila ang kabadingan sa show. sa america walang show na ang host ay bakla, meron man pero straight yong kilos. nagpapaganda pa i vice pero ang bayag pala nya ay naka-hanging parang saging..ay hindi pala iniipit parang mapipisa na. Ito kasing MTRCB parang bulag. Ang bakla sa atin ay nagpro-propagate rapidly. They are not neglected but they must not host the show. Sa totoo lang I don't like vice ganda his way of making comedy because he is gay and his attitude in acting is " trying hard ". He has the attitude like Willie Revellame"
- "Di ko nga alam sa Pinas kung bakit pati bakla nilalagay sa pedestal, tuloy mga bata sa pinas daming bakla kalokah!"
- "langya ka Vice Ganda. ANong pakialam ko sa buhay mo? Dahil sa iyo, maraming bata ang lumalaking bading. Masyado malaki na ang ulo mo. Sa comedy bar ka na lang at wag na sa tv. Bad influence ka sa nakakarami. Ba't ba ang mga show sa tv kailangan may bading? Puede namang wala di b?"
Mga comment na walang basehan. Gusto naming bigyang pugay ang mga taong nag-comment nyang mga yan sa pamamagitan ng isang masigabong put*ng ina nyo. Madami pang anti-gay slurs ang pinutok ng mga tao don. May mga ayaw sa kilos ni Vice Ganda. May mga hindi gusto ang treatment nya sa ibang contestants sa show nila. At may mga nayayabangan sa kanya. Ang common denominator nila? Ang pagdurog sa pagiging bading ni Vice Ganda at ang pagiging bobo.
Nagiging punchline minsan dito sa MgaEpal.com ang kabadingan. Ang ok dyan, hindi pikon ang mga bading. Kahit minsan, wala kaming punchline na naglagay ng kabadingan sa pagiging mali. Kung matagal ka nang basahero dito, malamang nakita mo na din ang mga pabasa naming sumusuporta sa pagkakapantay-patay. Patas kami, pinagtitripan namin ang mga nakakatawang ugali mapabading, lalake, o babae. Hindi kami nagmamabait. Gago kami alam nyo yan, pero hindi mo naman kailangan maging mabait para maintindigan na ang mga karapatan nating mga straight ay hindi dapat bawasan kung bading, tibo, o bisexual ang pinag-uusapan. Bakit nila iniisip na dumadami ang mga batang bading dahil kay Vice Ganda? Put*ng ina ano yan uso? Mga gago.
Sinabi namin na hindi kami fan ni Vice Ganda. Totoo yan. Pero halimbawa lang na makasama namin sya sa casual na sitwasyon, kung anong pakitungo ang ilalatag nya, ganong pakitungo din ang kaya naming ibalik. Sa society natin na sobrang daming "moralistanga" na mali o kasalanan ang tingin sa pagiging bading, ang success na naabot ni Vice Ganda ay bagay na may respetong katapat. Madaming tao na pag tinanong mo kung ok lang ba na magkaron sila ng anak na bading, mabilis nilang isasagot ang "Hinde!" na may pahabol pang "gago ka ba?" dahil mali ang tingin nila sa pagiging bading. Kung kami ang tatanungin kung ok lang ba kung magkaron kami ng mga anak na bading, mabilis din na "Hinde." ang isasagot namin, hindi dahil mali ang tingin namin sa pagkabakla, kundi dahil sa takot na saktan sila ng mga tulad ng nag-iwan ng mga comment na yan. Welcome to homophobic Philippines.
"TAPSILOG"
Tapang sa Sipa sa Itlog
Wag ka nang komontra, kung ayaw mong i-untog ka nya sa itlog nya.
Bata: Tao?
Mama: Oo, pwede.
Bata: Tao?
Mama: Pwede.
Bata: Kangkong.
Ok jackpot round naman...
Kwela ka. Apir at align sayo kid.
Pero yung mga sobrang bobo gumawa ng pirated DVD,
tang*na i-death penalty nyo na yan.
Booyset.
tinapon ni rawgue sa Tip Box
Merong mga taong ayaw, o takot kumilos para sa solusyon ng problema nila. Pinapa-ubaya na lang nila sa mga "posibilidad". Iniisip nila na posibleng lumipas ang problema pag dumating ang oras na may mangyareng iba sa buhay nila. Hihintayin nila ang oras na yon, at pag hindi parin nawala ang problema nila, iisip na naman sila ng ibang posibilidad at maghihintay lang ulit na mangyari yon. Paulit-ulit na proseso. Walang katapusan na paghihintay. Nagiging tau-tauhan sila sa sarili nilang buhay. Yan ang pagtutulog-tulugan sa katotohanan para sa walang katapusan na pekeng panaginip ng pag-asa. Maswerte ang mga nagigising at kumikilos para sa pagbabago. Malas ng iba dahil napipilitan lang silang gumising dahil may dumating na "bangungot". Kunin mo ang pagkakataon na 'to para isipin kung ganyan ka. Kung ang sagot mo ay hindi, pag-isipan mo ulit, baka nagtutulog-tulugan ka pa. Wag kang mag-alala kung sa tingin mo nagtutulog-tulugan ka, dahil kung na-realize mo na ganyan ka ibig sabihin gising ka na. Kailangan mo na lang bumangon.
Kung si Lito Lapid ang nagluto dito, yung mga baril ang kakainin nya,
at yung mga patatas ang gagamitin nya sa firing range. Lahat bulls'eye.
Lito Lapid fact #2
Ang tunay na dessert ni Lito Lapid ay deser. Kumakain sya ng disyerto.
Para sa alamat ng Lito Lapid Facts [click dito]
video niluto ni
shredderx2 sa Tip Box
click on the thumbnail to view full image.
Shirt Details:
Design Name: "Apparition"
Shirts Available: 50 (6 small, 15 medium, 15 large, 8 XL, 6 XXL)
Price: 380php (Free Shipping Nationwide)
Status: Reservation starts on September 3(Saturday) at 12:30pm(afternoon)
First come, first served (set your cellphone alarm)
First come, first served (set your cellphone alarm)
Wait for confirmation. First 50 shirt reservations will be notified through text message (or email) within 24 hours. Payment instructions will be sent with confirmation.
Official mobile confirmation number: 09065696623
Official confirmation email address: MgaEpalFactory[at]gmail[dot]com
After we send order confirmations, orders are reserved for 3 days only.
When payments are not sent after 3 days, you will receive a notification that your reservation has expired. Reservation will be given to the next person on the list.
For reservations, leave the following on the comment box:
-shirt size
-number of shirt orders
-cellphone number
-number of shirt orders
-cellphone number
-email address (If you're not in the Philippines)
==Maximum of 2 shirts per person==
Reservation Comment Box
(Login on Facebook)
Price: 380php (Free Shipping Nationwide)
Price: 380php (Free Shipping Nationwide)
Reservation will start on September 3, 2011 (Saturday)
at 12:30pm (afternoon)
Kaya ipasuot sa kanya ang salamin...
...kung ayaw mong ikaw ang malabuan.
kinambyo ni bon sa Tip Box
Nasa Milky Way galaxy ang araw natin. Ang araw/sun ay isang star.
Ang pangalan ng star/sun natin ay Sol, kaya tinawag na "Solar System".
Sa solar system pa lang may 11 or 12 planets at dwarf planets na.
9 sextillion ang dami ng stars sa observable universe.
Ito ang 9 sextillion... 9,000,000,000,000,000,000,000
Ganyan kadami ang stars sa observable universe.
Observable universe ang tawag sa part ng universe na nakikita ng mga scientist.
Isipin mo kung gano kadami pang stars ang hindi nakikita sa ibang galaxy.
Sa bawat star, may mga planeta ding nakapalibot.
Kung higit sa 9 sextillion ang stars, isipin mo kung gano kadami ang planeta sa universe.
Kaya imposibleng walang ibang buhay pwera sa Earth.
Ang tanong, kailan sila magpapakita? Kaibigan ba o kalaban.
At dadating ba ang panahon na makakagawa tayo ng spaceship
na kayang makapunta sa ibang planetang may life form,
at tayo naman ang tawaging "alien"?
Pag-isipan mo. Trp lang.
video pinalutang ni
Ping Guerrero sa Tip Box
Buhay kubo kahit munti
Ang posisyon doon ay sari.sari
Singtigas ng talong
Namaga din ang mani
humiyaw , umiyak , kunwari
pabundol , patulak
paupo, pasalpak
at saka meron pa.
patuwad sa mesa
Patayo sa sala ,
Pahiga sa kama .
Sa pagiling.giling
Pumotok na pala
Ang posisyon doon ay sari.sari
Singtigas ng talong
Namaga din ang mani
humiyaw , umiyak , kunwari
pabundol , patulak
paupo, pasalpak
at saka meron pa.
patuwad sa mesa
Patayo sa sala ,
Pahiga sa kama .
Sa pagiling.giling
Pumotok na pala
kasalanan ni jKarlo sa Tip Box
Sa mga moralista dyan, hindi bastos 'tong video na 'to. Educational yan (kung sex worker ka) At yung hawak ni Madam, paper weight lang yan. Lahat ng government office ganyan ang paper weight.
tinimbre ni Empoy1925
sa Tip Box
Tanong galing kay Sunako Chan:
Hi, tanong ko lang po...lahat po ba ng mga ninja nagmumura? Kase aspiring po akong ninja kaso hindi po ako marunong magmura.. pano kaya yon? Sana matulungan nyo 'ko. Hi pala kay bunso hehe.
MgaEpal.com:
Hi din daw sabi ni "Bunso". Rektang sagot; Sa tingin namin hindi naman essential ang pagmumura kung gusto mong maging ninja. Nasagot na namin ang tanong mo. Dagdagan natin. Nagkataon lang na natural na reaksyon naming magmura minsan (Actually madalas, pero kinokontrol namin para sa mga batang basahero dito.) Take note; reaction minsan, pero may pagkakataon na mura talaga yan pag may mga taong dapat murahin. Mukang pangit na ugali ang pagmumura, pero kung tutuusin, depende sa pag-gamit yan. Gawin nating halimbawa ang "Gago". Ginagamit pag may kaaway, o pang-insulto, pero ginagamit din as "term of endearment" para sa kabarkada, at pangtukoy sa taong malabo o makulit. Pag nagugulat napapamura din ang iba. Kahit hindi nila alam ang ibig sabihin ng mura nagagamit ng hindi sadya. Ang nakakaloko dito, pag tagalog ang mura, mas masama ang tingin ng karamihan, pero pag "shit", "fuck", "OMFG", mas tinatanggap as a "simple impulsive reactions". Ang mga taong naniniwala dyan ang magandang example ng "Gago" na pang-insulto.
Kung hihimayin ng maigi, kung gano ka-pwede maging "simple reaction" ang lahat ng mura, sa ganong paraan din pwedeng maging mura lahat ng normal na salita at phrases. Depende din kung saan, kailan, at pano sasabihin. Isipin mo 'to; Random at normal ang salitang "kutsara". Normal na salita lang din ang salitang "aso". At hindi pagmumura ang pagsasabi ng "Kutsa ng aso" (Actually walang ibig sabihin yan). Pero kung may kaaway ka, at pasigaw mong sasabihin sa kanya ang "Kutsara ka ng aso!" kahit walang ibig sabihin yan, iisipin nyang minumura mo sya. Tama? Tama. Patunay yan na dumidipende ang pagiging mura ng mga salita sa sitwasyon at sa tono kung pano sinabi ito.
Examples ng imbentong mura na walang ibig sabihin pero pwede gamitin sa kaaway:
- Kambal na inahin!
- Powder exam ka!
- Utot mo blue!
- Sintas ng pader mo!
- Pork chop noodles!
- Kamutin mo kumot mo!
- In your toothpaste!
- Gulong ng bike ka pag Tuesday!
Mga aircon nyo bilog!
Tunay na ninja lang ang magwawala sa internet para i-promote ang filipino hotdog.
MC Edwardo: Filipino Longaninja
pinakawalan ni eXplicit sa Tip Box
Tanong galing kay lenin: May tanong lang po ako, tuwing gigising po kase ako ng
umaga, at madami akong kinakain sa breakfast madaling sumakit yung tiyan ko.
Kaya feeling ko parang matatae ako. Pero pagpumwesto na ako sa toilet,
biglang nawawala. Tapos pag pasok ko naman sa school, dun lang sya
lumilitaw. Ngayon ang tanong ko po, paano bang maiwasang matae sa
eskwelahan. Lagi po kaseng nangyayari saken yun eh.. Sana masagot niyo
po agad. More power.
MgaEpal.com: Minsan psychological lang yan. Dahil ayaw mong tumae sa skwelahan, nape-pressure kang tumae bago pumasok, kaya lalong hindi lumalabas. Kailangn mong magrelax. Magbasa ka sa C.R. ng kahit ano. Para sa mga studyante maganda ang mag-iwan ng dictionary sa kubeta, para tuwing session mo may diversion ka. Mas relax ka na, matututo ka pa. Pag hindi effective sayo yan. May dalawa ka pang pwedeng gawin para hindi matae sa eskwelahan; Wag kumain ng madami sa umaga. O kaya wag ka nang pumasok.
Hindi katanggap-tanggap ang magulang na walang kwenta.
Pero kung tutuusin, mas may kwenta ang walang kwentang magulang,
kesa sa magulang na mali ang kwenta.
Paki-usap lang, kung sa tingin mo magiging kup*l kang magulang. Baogin mo na sarili mo.
tinimbre ni LOP sa Tip Box
Name: Master Ho Eng Hui
Fighting Style: Shaolin Sundot
Signature Move: Killer Bombet
fininger ni Bontacun sa Tip Box
Nitong nakaraang Friday (August 19, 2011) isang 57 years old na babae ang binaril ng dalawang lalake dahil sa pinaniniwalaan mangkukulam yung babae. Nangyare ang krimen na yan sa may Kidapawan City, North Cotabato.
[Balita hugot sa GMA News online]
Eto ang mga bagay na hindi mo iisiping pwede pang mangyare sa modernong panahon ngayon. Madaming naniniwala sa kung ano-ano. Kahit kami, tanggap namin na posible ang existence ng ibang kababalaghan. Hindi kami mismong naniniwala na totoo, bukas lang ang utak namin na posible lahat. Hangga't hindi napapatunayan, mananatiling posibilidad lang yang mga yan para sa amin. At para hindi matalo ng takot, sinusubukan naming maintindihan (o wag na lang pag-usapan.). Nakakagagong isipin na sa karamihan, mas malakas ang impluwensya ng takot kesa logic. Para umabot sa pagpatay ang bintang sa pagiging mangkukulam, umaapaw na kamangmangan ang ugat nyan. Kamangmangan ang ugat, tinubuan ng matinding takot, at pamamaril ang naging bunga. Patunay lang na dito saten, mas madali pang magkaron ng baril kesa magkaron ng tamang kaalaman.
Hindi ba dapat eto yung "Angry BIRDS: The Movie"?
tinimbre ni Che Abad sa Tip Box
Sapataos: Available in 3 flavors. (Rubber, Suede, and Leather)
Mmmm... maSHOErap.
tinimbre ni JeysiFabrig sa Tip Box
Tanong ni NinjaGaya:
"Ano pong tagalog ng cake?"
MgaEpal.com: Ang tagalog ng cake ay minatamis na pagkain na gawa sa arina, itlog, asukal, at tubig, na pwedeng haluan ng tsokolate, gatas, at prutas na nilalagyan ng kandila pag may birthday, at kayang kainin ng mga babe kahit sobrang busog na sila. Pwede ding keyk.
"Ano pong tagalog ng cake?"
MgaEpal.com: Ang tagalog ng cake ay minatamis na pagkain na gawa sa arina, itlog, asukal, at tubig, na pwedeng haluan ng tsokolate, gatas, at prutas na nilalagyan ng kandila pag may birthday, at kayang kainin ng mga babe kahit sobrang busog na sila. Pwede ding keyk.
"OLDschool Hip Walk" na lang pala.
Hindi na nga pala nila kayang mag-hop.
naiwan ni doding sa Tip Box
Importanteng salita ang paninindigan, ang paninindigan sa tamang paniniwala. Ang malungkot dyan, sa karamihan, paniniwala lang din ang paninindigan. Madaming tao ang naniniwala na dapat gawin ang tama, kaso pag dumating ang oras na sila na ang dapat kumilos, inaantay na lang nila na iba ang gumawa ng mga dapat gawin. Iba ang paniniwala sa paninindigan. Ang paniniwala ay nasa isip, ang paninindigan ay nasa salita at gawa. Kahit gano ka pa kagago, mahalaga na magkaron ka ng kahit gatiting na tamang paninindigan. Yung tipo ng bagay na sinosoportahan at karapat-dapat ipaglalaban. Dahil yan ang hihila sayo pabalik sa sarili mo tuwing nililigaw ka ng temptasyon. Yan ang magtutulak sayo para kumilos. At yan ang kakapitan mo pag may mga humahatak sayo palubog.
Tandaan mo, ang taong walang kinakapitan na tamang paninindigan, lulubog sa lahat ng bagay.
Lord Of The Sing
Baket mo naman papanain? Kumakanta lang yung tao, maganda naman yung kanta.
Si Justin Bieber nga hindi pinapana.
tinimbre ni totoypanget sa Tip Box
Guitar + Organ
= Organ Guitar?
...Gago eto ang ORGAN Guitar.
Tang*nang yan.
"Cock and Roll..."
"Cock and Roll..."
tinapon ni Ern sa Tip Box
Tanong galing kay pooper:
May bading po ba na ninja?
MgaEpal.com:
Oo, merong mga bading na ninja. Ito yung mga bading na kayang gawing invisible ang pagiging bading nila sa mata ng ibang tao. Minsan dahil sa takot na hindi sila matanggap ng pamilya nila. Minsan dahil sa trabaho (Kadalasang makikita yan sa showbiz.) Ito ang mga klase ng ninjang bading na nagiging miserable dahil sa kagagawan ng makabobong society. May mga bading na ninja din na hindi lang ginagawang invisible ang pagiging bading nila. Nagte-training din silang maging ganap na lalake dahil sa maling paniniwala na hindi tanggap ni Lord ang pagiging bakla. Eto ang mga ninjang bading na nagpapauto sa mga moralista. Sa pangkalahatan, ang mga bading na tinatago o napipilitang itago ang kabadingan nila ay tinatawag na "Rainbow Ninjas".
Babala: Hindi para sa mga taong mahina ang sikmura.
Hanggang ngayon, pinaniniwalaang nagpaparamdam parin ang kaluluwa nya sa riles na yan.
tinapon ni Karmin Q sa Tip Box
Kung dito sa Pilipinas ginawa 'to, walang papatol kahit magkano.
Sosyal tayo 'e. Dapat may tissue pamunas, at may straw pang-higop.
kinalat ni mangangalakal
sa Tip Box
'E ano ngayon? Sa personal na paniniwala lang namin, ang pinaka importateng contribution na ni Paris Hilton sa mundo ay ang mga kumalat na sex tape nya. Pero dahil madaming nagtimbre na kontra sa balak daw gawing courtesy call ni Paris kay Noynoy, himayin natin 'to.
image hugot dito
Ang isang "courtesy call" ay pwedeng phone call o personal na pagkikita. Hindi kagaguhan na personal na tawagan o kitain ni Paris si Noynoy. Kahit sa tingin namin mas matalino pa ang isang tumpok ng rubber band kay Paris Hilton, kung sisipatin ang bigger picture, magandang bagay ang call/meeting na yan. Baket? Dahil in a marketing point of view, makakatulong sa "positive international exposure" ng Pilipinas yan.
Ano ang mga posibilidad na nakikita namin?
-Una, may mga bagong business na uumpisahan si Paris dito. Kung maparamdam sa kanya ni Noynoy na V.V.V.V.V.V.I.P. (very, very, very, very, very, very, important person) sya sa Pilipinas, pwedeng maengganyo syang magtayo ng iba pang negosyo. At kung ang tulad nyang sobrang high profile na tao, willing mag-invest dito, baka maka-uto pa tayo ng iba pang foreign investors.
-Pangalawa, pwede ding magkaron ng impact sa tourism ang pagbisita nya dito. Kung ma-spoiled sya ng konti sa ngayon, at mag-enjoy sa atensyon, sa dami ng celebrity connection ni Paris, pwede syang maging unofficial ambassador para ng tourism ng Pilipinas. Makwento lang nya sa mga kakilala nyang celebrity na masaya ang naging stay nya dito, at maisip ng ilan sa kanila na bumisita din, magmumukang "sosyal" na tourist destination ang Pilipinas. At alam naman nating madaming pasosyal sa mundo.
-Ang pangatlo at pinaka importanteng posibilidad sa courtesy call na gagawin ni Paris kay Noynoy ay ang ligawan sya ni Noynoy. Ops! Wag ka munang magmura, pag-isipan mo muna. Chickboy si Noynoy 'e. Mahirap mang tanggapin, wala tayong magagawa dahil paulit-ulit na tinalo ni Noynoy ang odds. Ilang magandang babae na ba ang napasagot ni Presidente? Mga kung tutuusin mas maganda pa kay Paris. Malay mo mapasagot nya yan at maging Paris Hilton-Aquino yan. Pigilin mo yung mura mo! Isipin mo nga muna, sakyan mo lang 'to. Kung gumana ulit ang kung ano mang panliligaw, pambobola, gayuma, orasyon, o kung ano man ang ginagawang diskarte ni Noyoy, at napasagot nya si Paris, walang tao sa mundo na hindi makakaalam nyan. Ang laking exposure nyan para sa Pilipinas. Kahit sabihin nating madami ang kokontra, ang iportante ay yung effect na magmukang "celebrity" ang Pilipinas. Mapag-usapan at makahatak ng atensyon ng investors, tourists, at mga importers. Magkakaron ng mga bagong trabaho, kikita tayo sa mga turista, at pwedeng i-endorse ni Paris ang mga local products para sa ibang bansa. Sisikat tayo sa buong mundo! Yayaman tayong lahat! Magiging 1 is to 1 ang palitan ng peso at dollars! Aasenso ang Pilipinas dahil kay Paris Hilton! Magkakaron ng sex scadal si Paris at Noynoy! Sige, ngayon pwede ka nang mag-mura.
Eto na ang pinaka nakakagagong video game sa
buong history ng nakakagagong video games.
Isipin mo, level one pa lang yan.
pinalaro ni James sa Tip Box
Ito ang world record for the tightest parallel parking na
ginawa ni Ronny Wechselberger sa Germany.
Kung babasahin ang description ng video sa Youtube, April pa daw ginawa yan.
Sa ngayon, na-break na ni Zhang Hua ang record na yan sa China.
Ilalabas daw ang Guinness World Records ang video ni Zhang Hua bago matapos ang taon.
Pero dahil sa extensive research namin nahanap na namin
itong world record video ni Zhang Hua.
Anong hinde? Leche basta yan yon.
Kahit naman kami, sobrang matatakot din sa lalakeng may suot na stockings sa muka...
...tang*na lalo na kung sa legs.
binagsak ni Snoopy sa Tip Box
Matagal nang bumubuga ng apoy ang Philippine Dragon Boat Federation team sa mundo ng sport nila. Internationally yan ha. Pero dahil sa impluwensya ng ibang kupal sa Philippine Olympic Committee na humaharang sa kanila, hindi naging mabilis ang pagbibigay ng recognition sa mga karapat-dapat. Pero kung tuloy-tuloy nga naman ang buga ng apoy, lalo na internationally, pano nga naman hindi mapapansin ang liwanag na galing dito?
image hugot sa INQUIRER SPORTS
Congratulations sa Philippine Dragon Boat Federation team sa pagdagit ng limang gold medals, dalawang silver medals, at sa pag-break ng ilang records sa 10th Dragon Boat World Championships na ginawa sa Tampa Bay, Florida.
At ngayon bigwasan natin ang mga dapat bigwasan. Una ka Philippine Olympic Committee board director Jeff Tamayo. Balikan natin ang mga words of wisDUMB netong taong 'to...
"They have the body, they have everything, but as we all know, ampaw na lang yun."
-Jeff Tamayo
Ampaw? Three-time world champions, world record holders, at isang tambak ng medals...Ampaw? Sa susunod bago ka manlait mag-research ka boy. Tingnan mo ang mga achievements ng balak mong sirain para hindi ka nagmumukang bano.
Nandyan din ang kagaguhang accusation ng Philippine Olympic Committee na gumagamit ng steroids ang ilan sa members ng Dragon Boat Federation team. Pasensyahan tayo pero kailangan naming sabihin ang totoo na bobo kayo POC. Sa sobrang bobo nyo, ang pwede lang maging mas bobo sa inyo ay ang sarili nyo.
Binintang ang pag-gamit ng steroids sa PDBF nung mga panahon na nag-qualify sila para sa Asian Games. Mukang ayaw talaga sila alagaan ng POC. Hindi daw kasi... i-google mo na lang, nakakatamad magkwento ng katarantaduhan ng tropa ni Jeff Tamayo. Ang sobrang katangahan dito, baket Pilipino mismo ang mag-aakusa ng ganyan sa Filipino athletes. Halimbawa may Pilipinong athlete na totoong gumagamit ng steroids, kung walang pruweba wag mo munang akusahan. pabayaan mong ibang bansa ang humatak sa kanya pababa. Kahit nag-gagaguhan tayo, Filipino family tayong lahat. And family comes first gago.
Congratulations ulit sa PDBF team. Apir sa Cobra energy drink sa pag-sponsor nila sa team. Apir sa Philippine Airlines sa pag-sponsor ng travel expenses ng team. At apir sa ABS-CBN sa pagbibigay nila ng 1 million pesos sa team.
Pasensya na kung naging rant ito, masarap lang talaga mang-gago ng mga napapahiya dahil sa kabobohan. Dapat maparusahan ang mga ganyang klaseng tanga. Bigyan ng tigli-limang hampas ng paddle mula sa bawat member ng Philippine Dragon Boat Federation team. Kahit sa muka lang.
Tanong galing kay Kenneth Sigue:
Bakit ang Pilipinas "Kulelat" in terms of Technology, Music, etc?
MgaEpal.com Answers:
Salamat sa tanong. Madaming dahilan kung baket "kulelat" tayo MADALAS (Madalas lang, hindi lagi) sa kung ano-anong bagay.
Kulelat sa technology?
Iba-iba ang dahilan nyan. Una dahil hindi masyadong nagko-concentrate sa tech development ang Philippine government. Pangalawa, wala din namang masyadong local manufacturers ng gadgets dito. Kung meron mang magkaron ng makabagong idea sa technology sa atin, kulang sa pondo at hindi nasosoportahan ng gobyerno. Mas inuuna kasi ang mga projects para sa mga mahirap dahil mas madaming mahirap dito. Matagal na proseso kasi ang pagdedevelop ng bagong technolohiya, at ang gustong ibigay ng gobyerno sa mga tao ay instant tulong, para bida sila agad kahit nangbubulsa sila ng pera ng bayan.
Kulelat sa music?
Ngayon na lang nangyare yan. Kung internationaly, oo kulelat tayo lagi sa music dahil ang mga mas maimpluwensyang bansa ang nagdidikta ng uso. Syempre una sila, at sa panahon ngayon, kung hindi ikaw ang nauna, ma-late ka lang ng isang araw, kulelat ka na. Pero kung sa lokal na music scene, nagkaron din naman ng mga panahon na buhay ang music industry dito saten. Nagkataon lang na garapalan ang piracy dito. Nandyan din ang fact na pwede nang i-download ang mga kanta ng libre. Yan ang mga dahilan kung baket nawawalan ng gana mag-produce ng mga bagong kanta dito sa atin. Wala na kasi masyadong kita sa album sales, mas kumikita sa gigs at concerts ang mga artists. Kulang din tayo sa international exposure. Kaya kahit may ibubuga, hindi natin mapasikat internationally kung walang tulong ng ibang bansa.
Kulelat sa etc.?
Kung sa pagiging mas huli (hindi naman kulelat, mas huli lang) sa iba pang bagay, ang sagot ay ang kakulangan sa originality. Hindi naman tayo mabagal. Kung tutuusin mabilis nga tayo. Mabilis tayong mang-gaya. Pag uso sa ibang bansa, gusto na din nating pausuhin dito. Syempre nauna sila, edi ano tayo? Nagmumukang kulelat. Kung tayo ang magpapauso, edi hindi na tayo pwedeng mangulelat. Kaso masyadong malaki ang impluwensya ng Cable T.V., Magazenes, at Internet, kung saan hawak ng international pop culture ang dinidikta ng kung ano ang uso.
Kahit naman siguro mahawakan natin ang dikta ng kung ano ang uso, at magkaron tayo ng bagay na pwedeng ipa-uso, hindi naman natin kayang pausuhin. Kulang tayo sa pondo, kulang tayo sa soporta, kulang tayo sa kaalaman, at kulang tayo sa lakas ng loob.
Madami na ang bagay na Pilipinas sana ang nanguna, o bagay na Pilipino ang naka imbento. Kaso dahil sa pagkukulang, ibang bansa ang nagpapa-uso at hindi sa atin napupunta ang full credit. Tulad ng fluorescent lamp, Incubator, Moon Buggy, at Karaoke Machine.
Scam Exposed
Kadalasan, nagiging dahilan ng pagkalumpo ng iba ang mga kotche na may gagong driver.
Pero sa pagkakataon na 'to, isang kotche na may gagong driver
ang nagpalakad sa mas gagong "lumpo".
Himala.
file tinimbre ni
Arien Perez sa Tip Box
Tumatanda na ang anak nya, at gusto nyang itigil nung bata ang pag-gamit ng pacifier para magmature? Pwede namang i-explain sa bata ang totoo, na pag lumalaki na dapat itigil na yon dahil baka pagtawanan sya ng iba. Baket kailangan pang sobrang palungkutin yung bata? Kapag nalaman nya ang totoo, bahala na syang tanggapin yon. Dun papasok ang tunay na maturity. So ngayon hindi na nagpapacifier yung bata, congratulations. Naniniwala na lang sya na may "Passy Heaven" (pacifier heaven) at napupunta ang mga pacifier sa mga angels. Wow mas mature nga naman yan.
video pinalipad ni
megz_kie sa Tip Box
Sa laban ng Smart-Gilas Philippine team sa Malaysia, nanggigil si Asi Taulava sa muka ng Malaysian player. na si Kwaan Yoong Jing. Hindi dahil cute si gago, kundi dahil uminit ang ulo ni Asi dahil nacute-tan din yung Malaysian sa itlog ni Taulava.
Sinasabi ng commentator na mukang hindi naman daw sinadya ang nangyare. Sa tingin namin, hindi nga sinadya ni Kwaan Yoong Jing na pisilin, lapirutin, at saltikin ang itlog ni Taulava. Gago ka ba? Pano mo hindi sasadyain yan?
Humingi ng sorry si Asi sa mga tao gamit ang Twitter account nya...
"Would like to apologize to everybody that watched the game today for
losing my cool, No excuses for my actions, and I’m sorry.”-Asi Taulava
Public figure si Taulava, at dahil sa moralistang paniniwala na dapat maging role model ang mga public figures, kaya siguro sya nag-sorry sa mga tao. Pero sa totoo lang, walang dapat ihingi ng tawad si Asi. Bilang lalake, sobrang nakakagago pag nilapirot ang itlog mo. Acceptable ang ginawa ni Asi. Totally understandable.
Mukang trade mark move na ni Kwaan Yoong Jing ang low blow, dahil nung kalaban naman ng Malaysia ang Philippine Patriots noon, eto ang ginawa nya...
. Yan ang mix martial art ni Kwaan Yoong Jing. Pinaghalong Karatesticle at Jujitlog.
Subscribe to:
Posts (Atom)