May gumamit daw ng laser pointer sa goalkeeper ng Azkals.

By mgaepals on 09:00

Filed Under:

Sa laro ng Philippines laban sa Kuwait nung sabado, may fan daw na nagtitrip sa goalkeeper ng Azkals. Natalo ang Azkals 0-3. Sa score na yan, hindi kami naniniwalang yung laser pointer lang ang dahilan. Pero katarantaduhan parin ang pandurugas na yan.


Tayong mga Pilipino, matrip din naman tayo, pero kadalasan hanggang sigaw lang ang trip naten. Lumalabas lang na may takot tayo sa pwedeng maging consequence. Wala kaming paki-alam kung sino pa ang naglalaban. Kahit hindi Philippine team ang ginago maiirita parin kame, hindi lang siguro ganito kairita. Wag nang maging racist, at wag personalin ang buong Kuwait. Kung magagalit, magalit sa security ng stadium dahil hindi nagbantay, at dahil pinabayaang mangyare ang pangle-laser.

Wag mag-over react. Laro lang yan. Simpleng parusa sa nag-laser ok na.

Tutukan din ng laser pointer sa mata for 2 hours...


...Pag kumurap, kalabitin ang gatilyo.


tinutok ni eXplicit24 sa Tip Box

0 comments for this post

Post a Comment