Galit na galit parin ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines sa Reproductive Health bill.

By mgaepals on 08:03

Filed Under:

Sasabihin daw ng mga Bishops sa mga katoliko na mag-commit ng civil disobedience laban sa mga imoral DAW na mga batas. Ito ang pinaka bagong naisip nilang panakot sa gobyerno. Talagang tutol nga daw sila sa pag-engganyo ng gobyerno sa pag-gamit ng contraceptive pills at condoms dahil hindi ito natural na paraan ng family planning. Gusto lang naman ng gobyerno na makontrol ang tuloy-tuloy na population explosion. Minsan na nga lang magkaron ng silbi ang gobyerno, kokontrahin pa ba nila yan? At isang bagay pa, nagiging natural lang naman ang family planning kung hindi kayo magse-sex o kung baog ka. Sigurado namang hindi makakapagpigil ang karamihan. Gusto ba nilang bayagan ng mga lalake ang sarili nila?

0 comments for this post

Post a Comment