Landian.

By mgaepals on 08:02

Filed Under:

Rey: Sana makasama si Minda. Pag nagkataon ngayon ko lang makikitang naka-swimsuit yon. Sana two piece isuot nya!

Frank: Suuus!.Tapos titingnan mo lang ulit si Minda? Lagi ka namang hanggang tingin lang ;e.  Hindi ko maintindihan kng baket hindi mo pa sabihin sa kanya na may gusto ka sakanya.


Rey: Ayoko kasing ma-reject pare.


Frank: Duwag ka pala 'e!

Rey: Duwag na kung duwag. Basta hangga't hindi ako sigurado na gusto din ako ni Minda, ayokong malaman nyang type ko sya. Baka mapahiya lang ako 'e.


Frank: Kung ako sayo, sabihin mo na. Para malaman mo kung...


Rey: Shhhhhh! Wag ka nang maingay! Nanjan na si Minda.


Minda: 'O kayo pa lang nandito? Akala ko nga late na ako, ang dami pa palang wala.


Frank: Oo nga 'e.


Rey: Usapan 6am andito na dapat lahat, 'e 7:30 na tayong tatlo pa lang nandito.


Frank: Ang tagal naman dumating nung iba.

Minda: Pupunta pa kaya yung mga yon? Baka tayong tatlo lang yung gustong tumuloy magswimming kahit umuulan.

Rey: Booyset na panahon naman kasi 'to, malapit na mag-summer ulan pa nang ulan!

Frank: Parang tinatamad na nga din akong tumuloy 'e. Uwi na lang kaya tayo.

Minda: Ayoko umuwi. Wala akong gagawin sa bahay, boring. Pag ganitong umuulan panget pag mag-isa. Mas masarap pag may kasama ka, masarap mag-kiss at mag-hug, malamig kasi hihihi. Sino kayang pwedeng i-kiss at i-hug? hihi.

Rey: Ehem! Ako parang gusto ko ng kiss at hug...

Minda: Letche! Si Frank ang kinakausap ko!

Rey: Ahhhh ehhh... Ako din naman! si Frank din kinakausap ko! Ano pare, kiss at hug game ka?

0 comments for this post

Post a Comment