Nung mga nakaraang buwan, may tinesting kaming chatbox. Dinikit namin jan sa may gilid. Inobserbahan namin kung ano ang palo sa mga tao. Dinadaanan din namin minsan pero sa dami ng ginagawa naming apat, hindi nagiging regular ang bisita namin sa kahon na yon. Hindi kami gaanong natuwa sa itsura at timpla ng chatbox na yon, kaya inalis namin. Sa mga sumunod na araw, may mga request na pumapasok sa kung saan-saan mula sa mga tao na ibalik daw namin ang kahon na yon. Nag-aalangan parin kami kaso dahil sunod-sunod ang request at may mga demanding na tao, nagdecide na kaming lutuin ng maayos ang bagay na yan. Salamat nga pala sa mga demanding na tao dahil kung hindi dahil sa kanila hindi kami mapipilitan gumawa nitong bagay na 'to. Sa totoo lang, nahirapan din kaming humugot ng mga elements na kinailangan namin para dito. Sana masulit nyo 'to.
Sa isang event, natanong si Charice kung meron bang nadedevelop na relationship sakanila ni David Archuleta. Tinanggi naman agad ni Charice at sinabing magkaibigan lang sila ni Archuleta. Kadalasan sa showbiz, tinatago ng mga sikat ang mga relationships nila, pero sa pagkakataon na 'to, naniniwala kaming nagsasabi ng totoo si Charice. Sa tingin kasi namin, hindi magugustuhan ni charice si David Archuleta sa ngayon, dahil sa ngayon, priority ni Charice ang pagkanta at pag-aaral. At hindi din siguro magugustuhan ni David Archuleta si Charice sa ngayon, dahil sa ngayon, babae si Charice.
picture hugot dito
Swerte mo lang dahil hindi pa nagamit...
Kakampi kasi ng South Korea ang mapwersa na U.S.A. at kakampi naman ng North Korea ang China na malakas din ang pwersa. Pag nagkataon, baka kumampi ang North Korea at China sa Iraq dahil kaaway din ng U.S.A. ang Iraq. Baka magkaron ng World War III, madadamay ang Pilipinas dahil kaalyado din namin ang U.S.A. Kaya sana talaga tigilan na ng dalawang Korean countries ang gamundong iskandalong ginagawa nila ngayon. Tuwing nagkakaron naman ng pangdaigdigang gulo, mga maliliit na bansa o mga bansang hindi gaanong developed ang mas nagiging kawawa. At pag natuloy ang mas malaking gera ng North at South Korea baka mawala ang "K-Pop" music, baka mawalan na din ng Korean novela. Teka... aba 'e ituloy na nila yang gerang yan.
"Kung swerteng pinuno ni Lord ang tagay sa baso mo, salinan mo naman ng konti ang baso ng iba, mas masaya naman pag mas madami ang kainuman, at posible pang malasing ka kung sosolohin mo ang pinunong tagay sayo. Madami ang hindi gaanong siniswerte at nabubuhay sa latak ng iba, kaya kung higit pa sa isang baso ang tinagay sayo... painumin mo naman sila." -MgaEpal.com
Kung tutuusin, hindi naman panget na balita yan. Gusto lang namin ipakita na pwedeng gawing mas kontrobersyal ang kwento sa pagmamanipulate ng words at paglalagay ng exclamation point.
Subukan pa nating gawing mas kontrobersyal 'to ha...
"Shaina Magdayao, tinatanggihang makatrabaho si John Lloyd Cruz?!."
May mga singkwentang artillery shells nga daw ang sinasabing bumagsak sa South Korean island ng YeongPyeong-do. Bumawi din naman ang South Korea at nagpakawala ng mga 80 na artillery at fighter jets nila. Madami sa buong mundo ang umaasa na hindi matuloy sa pagsiklab ng mas malaking global na kaguluhan ang ginagawa ng dalawang Korea na yan.
Sabi ng North Korea, nauna naman daw ang South Korea tumira sakanila. Sabi naman ng South Korea, may mga drills nga daw silang ginagawa sa dagat ng Yeonpyeong pero wala naman daw malapit sa North Korea. May mga nagsasabi naman na ang totoong dahilan ng pag-atake ng North K, ay dahil nagpapapansin ito at nagpapasiklab ng mensahe sa South K. at mga kakamping bansa nito (Particularly U.S.A.) dahil hindi DAW gaanong inaasikaso ang request para sa isang usapan na may kinalaman sa ekonomiya ng North Korea. Usap-usapan din na baka ginagamit ng North Korea ang "Korean War" para maging united ang mga citizens nito dahil hinahanda nila ang pag-turnover ni North Korean Supreme Leader Kim Jong-il sa leadership ng North K. sa anak nitong si Kim Jong-un.
Magulo talaga at mahirap maniwala kung sa sabi-sabi lang. Magkaiba ang sinasabio ng North Korea at South Korea, tapos may mga speculations din ang ibang tao. Mahirap pag nagising na naman ang mejo nanahimik na "Korean War" na yan dahil dalawang power players ang papasok. Kakampi ng America ang South Korea, sa North Korea naman 'e China. Sana wag magpabaya ang mga leaders ng mga damay na bansa.
MgaEpal.com topic theory
Posible ding nang-away ang North Korea dahil napapagkamalan ng iba na galing sakanila 'tong mga South Koreans na 'to.
picture hugot dito, dito
Kinuha daw police dog ang aso na si "Peach" dahil kahit anong aso naman daw 'e pwedeng matrain maging police dog. Makakatulong din daw si Peach kung sakaling may mga rescue operations na may masikip na daan na hindi kakayaning pasukin ng usual na police dogs na mas malalaki.
Kahit maliit ang chihuahua police dog na si Peach makikita naman na disiplinado at matapang sya. CUTE pero ASTIG... parang Japanese porn.
picture hugot dito
Matagal na naming nagiging diskusyon yan. Sumusulpot sa usapan, kadalasan sa inuman. Napag-usapan namin minsan na kung may sapat na kayamanan ka, pwede mong pasikatin ang sarili mo, depende nga lang yan sa sariling diskarte. Kung sikat ka naman, pwede kang yumaman sa sariling diskarte, pero minsan, liligawan ka ng iba't-ibang brand, company, o manager, at sila ang didiskarte para sa ikayayaman mo.
Mga one week ago, iniwan namin ang inside discussion naming apat para sa mga basahero ng MgaEpal.com. Dito yan.
Vote Results
Ang titolong tanong ay "Fame or Fortune"? Pinaboto ang mga tao kung ano ang pipiliin nila kung isa lang ang pwedeng mapasakanila, Kayamanan kontra Kasikatan. Sa 1,458na bomoto, kitang 83% ang para sa kayamanan, at 17% lang ang sa kasikatan. Patunay na madami ang mahilig sa pera. Normal naman yan. Kahit mayaman mahilig sa pera. May ilang bomoto din naman sa kasikatan, mga gustong mapansin. Normal din yan. Kahit mga sikat, papansin yang mga yan. May napagkaisahan na din kaming boto, pero bago namin sabihin kung sa kayamanan o kasikatan kami, himayion muna natin ang dalawang yan.
Fame (Kasikatan)
Pag sikat ka, mas madaling manligaw at mas madaming nanliligaw. De kalibre pa ang tabas ng muka ng mga magkakagusto sayo. Mas malakas ang bilib mo sa sarili kahit walang dahilan. Masyado nga lang nakaka-conscious dahil feeling mo pinapanuod ka ng lahat. Mas huhusgahan ang mga ginagawa at sinasabi mo. Pag sikat ka, pwede kang makalibre sa mga kainan, hotel, at mga producto na gustong mag-endorse sayo. Yan 'e kung sikat ka sa magandang bagay. 'E kung sikat kang kriminal? Dumidipende sa kagandahan o kapangitan ng ikinasikat mo ang mga bagay na pwede mong makuha o magawa. Ang pinaka magandang ikasikat ay kung may nagawa kang mabuting pagbabago sa malaking paraan o kung naging inspirasyon ka ng iba.
Fortune (Kayamanan)
Pag mayaman ka, mas madali din manligaw, at mas madami din ang manliligaw. De kalibre din ang muka ng mga pwede mong madagit. Minsan nga lang, nagiging basehan ang pera mo para magustuhan ka ng iba. Ang mahirap sa pagiging mayaman, hindi mo malaman kung mabait lang ba ang ibang tao sayo dahil sa pera mo. Pero kung wala kang paki-alam sa ganon, masaya maging mayaman. Mapapasaya mo din ang mga taong mahal mo. Pwede mo sila dalhin sa iba't-ibang bansa, pakainin ng masarap. Ang pinaka-maganda sa pagiging mayaman? Kaya mong ipagamot ng maayos ang mga mahal mo at ang sarili mo pag may sakit na malala. At hindi tulad ng kasikatan, ang kayamanan, kahit sa maganda o panget na paraan mo nakuha, pareho parin ang mga pwede mong gawin.
Authors' Vote
Para samin, syempre masarap maging mayaman. Wala ka nang poproblemahin sa alak at mas madaling tumulong pag mayaman ka. Pwede mo pang pagsabayin yan, magpainom ka sa mahihirap. Mas madami kaming magagawang trip kung mas madami kaming pera. Kung kaya lang sanang bumili ng respeto ng pera, paniguradong sa kayamanan na ang boto namin, kaso hindi. Madami kaming kilala na saksakan ng yaman pero hindi nirerespeto. Hindi namin sinasabing mas nirerespeto ang mga sikat, dahil depende nga yan sa ikinasikat mo. Naisip din namin na totoong may hangganan ang pagpapaligaya ng pera. Limitado ang pwede mong gawin sa pera pag matanda ka na. At lalo namang limitado ang pwede mong gawin sa pera pag patay ka na. Sa kabilang banda, hangga't may nakakaalala sayo sa magandang paraan, imortal ka. Kung papipiliin kami ng isa lang, mas gugustuhin naming (specifically) maging sikat dahil nakaapekto kami sa ibang tao sa malaking paraan. Pagbabago na maiiwan at masasaksihan ng mga susunod na henerasyon. Ang matandaan kami matapos ang ilang libong kinabukasan. Yun ang habol naming kasikatan. Yun ang gusto naming gawin. At yun ang mangyayari.
Tommy: Bale may free trial po kami dito sa gym. Tapos pwede kayo mag-member for only 2,000 pesos monthly.
Raymond: Ay nako, malaki na ang nagagastos ko sa mga gym, baka masayang na naman pero ko.
Tommy: Pag dito kayo nag-member sa gym namin sir, siguradong papayat kayo. Garantisado.
Raymond: Garantisado? Basta mag-mamber ako?
Tommy: Garantisado! Money back guaranteed.
Raymond: Sige, mag-memember ako. Eto ang 2,000.
Tommy: Sige sir. See you tomorrow!
Raymond: Ah hinde, sabi mo basta mag-member papayat na, hindi nako babalik. Pera pag hindi ako pumayat babawiin ko yang 2,000.... garantisado.
Hinawakan ko sya, pinakiramdaman ang tigas nya sa aking kamay. Gusto ko sana syang batehin, pero pinigil ko ang sarili ko at pinainit ko sya ng todo. Maya-maya pa, alam kong matigas na sya. Masyado akong nasabik kaya sinubo ko sya ng buong-buo! Ahhhh! Put*ng *nang hard-boiled egg yan ang init!
Capricorn: May makakasalubong kang kakilala mo na matagal mo nang hindi nakikita. Kaso dahil matagal na kayong hindi nagkikita, hindi mo sya makikilala, at hindi mo sya papansinin.
Leo: Maswerte ang araw na 'to para sayo, pwede kang manalo sa lotto.
Libra: Sayang, pwede ka sana manalo sa lotto, kaso hindi ka Leo.
Scorpio: May makakasalubong kang kakilala mo na matagal mo nang hindi nakikita. Hindi ka nya papansinin dahil Capricorn sya.
Ano ang tawag sa nangungurakot ng VAT?
Ano?
VATman!... Ano ang dapat gawin sa nangungurakot ng VAT?
Ano?
VATukan!... Ano ang dapat gawin sa mas malakas mangurakot ng VAT?
Ano?
Paluin ng VATuta!... Ano ang dapat gawin sa pinaka malakas mangurakot ng VAT?
Ano?
Hampasin ng baseball VAT!... Ano ang tawag sa taong nag-imbento ng VAT?
Ano?
Gago.
Misis 1: Welcome sa neighborhood!
Misis 2: Ay thank you. Ang ganda naman dito. Buti na lang nakita kong binebenta 'tong bahay dito.
Misis 1: Ay oo maganda dito, tahimik. Magugustuhan nyo dito ng husband mo.
Misis 2: Yung dalawang anak ko lang ang kasama kong titira dito. Wala na akong husband. Hiwalay na kami.
Misis 1: Ay sorry. If you don't mind makiki-usyoso ako. Baket kayo naghiwalay?
Misis 2: Sinigawan nya kasi ako at hindi ko nagustuhan ang sinabi nya.
Misis 1: Wow, good for you dear. Palaban ka pala. Ano bang sinigaw nya sayo.
Misis 2: Well sinigawan nya ako ng "Put*ng *na ka Mylene!".
Misis 1: Ay ang harsh, minura ka?! Buti hiniwalayan mo na!
Misis 2: Hindi ko naman sya hiniwalayan dahil minura nya ako...
Misis 1: So baket mo sya hiniwalayan?
Misis 2: Gago sya, hindi naman Mylene pangalan ko 'e.
Ano nga naman ang pwede mo pang mabigay na award sa taong sa sobrang daming accomplishments, humakot na ng award kung saan-saan. Kung ano-anong parangal na ang nakuha nya mula sa MalacaƱang mula pa nung Arroyo administration at sa dami ng patuloy na nagagawa nya sa labas ng mundo ng boxing patuloy din hahakot ng awards si Pacquiao. Kahit kami, wala na kaming maisip na award para sa kanya... meron pero sobrang simple. Dahil sobrang makatao at palakaibigan ni Manny Pacquiao, gusto naming ibigay sakanya ang "Philippine Best Friend Award". Mula ngayon. si Manny Pacquiao na ang pambansang best friend ng Pilipinas.
Nagbigay pa ng message para kay Manny...
Astig na nadadagdagan ang international celebrities na nagpapahayag ng paghanga kay Manny Pacquiao. Nakakatuwa ding malaman na kahit mga international-sikat 'e narerecognize at nagagalit sa kaduwagan ni Floyd Mayweather Jr.
Nagalit si Miriam Defensor-Santiago nung may nagring na cellphone sa Senate hall nung nakaraan. Hindi alam kung kaninong bastos ang cellphone na nagring pero pinagsabihan ni Miriam ang lahat. Sabi ni Miriam...
"Sheer courtesy dictates that when you are in a hall and important and respected people are speaking, you should not interrupt their line of thought,"
"What the heck is so important (with your phone)? Is it going to change the configuration of the physical, astrophysical universe,"
"This is the last warning, I will cite you for contempt.. and I'll send you to jail today kapag ginawa mo pa yan"
"You're always criticizing your public officials but you yourselves don't know how to behave so that your public officials will respond accordingly."
Konting utak lang naman ang kailangan para maisip na patayin mo muna ang telepono mo o i-silent pag in session ang Senate hall. Parang mga bobo sa sinehan lang yan na walang pakialam sa ibang nanunuod. Pambabastos sa ibang nanunuod, at pambabastos sa pinapanuod. Parang sinehan din kasi ang Senate hall, lalo na pag si Miriam Defensor-Santiago ang nagsasalita. Maaksyon , madrama, may suspense, at comedy.
Hindi daw sya tiwala sa kakayanan ni Manny na maging peace negotiator at mas kaya daw nyang magtiwala na kayang maging bodyguard ni Pacquiao.
"I can trust him to gain a good reputation for the country in the field of boxing (but) I cannot entrust the interest of the country to him. Maybe I can entrust myself to him as a bodyguard," -Enrile
May punto naman si Enrile dahil SA NGAYON, totoong kulang ang kaalaman ni Manny Pacquiao sa issues ng Armed Forces of the Philippines at ng mga nakakasagupa nila. Pero walang inatrasan si Pacquiao na challenge at willing matuto ang taong yan. Sa pagdating ng panahon, baka... baka mas maging equipped si Manny maging peace negotiator.
Sa kabilang banda, paulit-ulit namang napatunayan na tuwing may laban si Manny Pacquiao, sobrang bumababa ang crime rate sa Pilipinas. Kung tutuusin, malaking bagay na ang nagawa at patuloy na nagagawa ni Pacquiao kung pambansang kapayapaan ang pag-uusapan.
Epal: 'O kamusta, may nag-iinuman ba sa may kanto nyo?. Pag naghahanap ng pulutan yung mga kakilala mo sabihin mo dito na saken bumili ha.
Mas Epal: Naglagay ka pala ng pwesto dito sa labas ng bahay nyo. Ok na sideline yan 'a.
Epal: Oo, para pag walang pasok may income parin.
Mas Epal: Sige ako ang magiging publicist mo. Ipagkakalat ko na nagbebeta ka dito.
Epal: Ayos... 'O ano bibili ka ba?
Mas Epal: Oo, tamang-tama naghahanap ako ng mamemeryenda 'e. Ano ba yang mga yan?
Epal: Balot, penoy, tapos may chicharon din.
Mas Epal: Sige-sige, magkano balot?
Epal: Kinse.
Mas Epal: Fifteen pesos??? Yung penoy na lang, magkano?
Epal: Dose lang yan.
Mas Epal: Mahal naman! Yang chicharon mas mura yan diba? Chicharong hangin lang yan 'e.
Epal: Oo mas mura yan.
Mas Epal: Magkano?
Epal: Sampu.
Mas Epal: Sampung piso???
Epal: Sige, eight pesos na lang para sayo.
Mas Epal: Mahal parin!
Epal: Binigyan na nga kita ng tawad. Wala nang tubo yun gago!
Mas Epal: 'E wala, kulang pera ko 'e.
Epal: Magkano ba pera mo?
Mas Epal: 1.25, ano bang pwede mong ibigay saken para sa 1 peso and 25 cents?
Epal: Ahh, karate chop sa muka.... Kahit libre pa kung gusto mo.
Mula sa dating "WOW Philippines" na slogan ng Depatment of Tourism, ngayon "Pilipinas Kay Ganda" na ang pasisikatin na linya ng DOT.
Seryoso?!!! Department of LOCAL Tourism ba yan? O tatargetin lang natin ang mga Pilipinong nasa ibang bansa para bumisita dito? Hindi ba tinamad lang ang nag-isip ng slogan na yan?
Oo, totoong maganda ang Philippines, at importante na gamitin ang sariling wika, pero kung foreigners ang target para dumayo dito, english parin ang dapat gamitin dahil most used language sa mundo yon. Hindi na kame mag-e-elaborate kung gano kami na-disappoint sa diskarte ng DOT na yan.
Kung kami, suggestion lang... Cool destinations... Hot Spots... Warm Smiles... "Feel The Philippines"
Itago mo na lang ako sa pangalang Christopher. Pero pwede mo din akong itago sa pangalang Christoph, for short. Kung gusto mo, kahit itago mo ako sa pangalang Chris, ok lang. May kakaibang sakit ako. Masayahin akong tao pag Mondays, Wednesdays, and Fridays, pero sa ibang araw sobrang depressed ko. Wala namang dahilan para ikalungkot ko, basta sobrang lungkot ko lang tuwing Tuesday, Thursday, Saturday, at Sunday. Sinubukan kong uminom ng sleeping pills tuwing malungkot na araw ko para itulog ko na lang ang depression, kaso ang lungkot naman ng mga panaginip ko. Mas maraming araw na malungkot ako kaya natutunan ko nang mag-adjust sa mga sitwasyon na ganon. Bumabawi na lang ako tuwing mga araw ng kasiyahan ko. Natutunan ko ding wag manuod ng comedy sa sine tuwing mga araw ng kalungkutan ko dahil sayang ang bayad. Dahil mas wala akong gana gumawa ng mga bagay-bagay pag malungkot ako, nililista ko na lang ang mga kailangan kong gawin, at ginagawa ko na lang sila pag masaya ako. Tulad ngayon, kaya ako nakasulat sayo dahil masaya ako. Habang tumatagal, natututunan kong tanggapin ang malabong kalagayan ko. Pero sobrang naapektohan ako nung simulan kong ligawan si Patrice.
Si Patrice ay kapitbahay namin. Nakay Patrice na lahat ng hinahanap ko sa isang babae. Maganda sya, mabait, masipag, hindi tulo laway pag natutulog, matalino, understanding, at higit sa lahat, masayahin. Natuwa ako nung pumayag syang magpaligaw. At nung sinagot niya ako, ang saya ko siguro dapat nun, kaso Sunday yun. Sinabi ko agad kay Patrice ang kalagayan ko at naunawaan naman nya. Ang problema ko ngayon kuya Chico, mas gusto ni Patrice pag malungkot ako. Tuwing masaya ako, naiirita sya sa akin. Pag malungkot naman ako mas malambing sya at mas natutuwa. May pagka-sadista ata yung babaeng yon. Hindi tuloy kami magkasabay na masaya. Natatakot ako na baka maging dahilan yon ng paghihiwalay namin. Sinubukan ko na ngang magpanggap na malungkot ako palagi, at nagpractice akong sumimangot. Nanuod ako ng Going Bulilit dahil magandang pangpractice ng kalungkutan ang mga jokes nila. Naging ok naman ang plano ko dahil tuwing nagpapanggap lang akong malungkot, in reality, pareho kaming masaya ni Patrice. Sa ngayon tinutuloy ko lang ang pagpapanggap at pinipigil ko kapag natatawa ako, para kahit Mondays, Wednesdays, and Fridays lang, masaya kami pareho. Pero gusto ko paring malaman Kuya Chico, may gamot ba sa ganitong sakit? Kung wala, anong gagawin ko sa sitwasyon namin ni Patrice? Sana ay mabigyan mo ako ng sagot agad, dahil nagyayaya si Patrice manuod ng Justin Bieber concert sa DVD, at hindi ko alam kung kakayanin kong pigilin tumawa.
Lubos na gumagalang,
Christopher, o kaya Christoph for short, pero pwedeng Chris lang
Kailangan i-acknowledge din natin ang ginawa ni Antonio Margarito sa laban. Hindi sya naging tuod, mas naging matapang sya kay Cotto dahil nakipagsabayan sya kay Manny. Walang duda naman na mas naging matapang sya kay Clottey. Sabihin na nating nagkalamat ang pangalan ni Margarito dahil sa "plaster issue" nya nung nakaraan, pero para sa mga boxing fans, tapos na yon. Para sa mga Pilipino, mas madali pa sa atin na kalimutan ang issue na yan dahil si Margarito ang tinalo ni Manny para sa (malamang hindi na magagawa ulit) historic, epic, at astig na pang-walong division title nya.
Bago natin tapusin 'to, hindi pwedeng hindi mabanggit ang magandang trabaho na ginawa ng team Pacquiao, lalo na syempre ni Freddie Roach.
Napaghandaan talaga nila ang laban na 'to. Magaling ang diskarte, sakto para sa fighting style ni Margarito. Ang galing nyo team Pacquiao, mag-group hug kayo.
Ulit, salamat sa binigay ni Pacquiao na sobrang lupit na pangyabang ng mga Pilipino SA BUONG MUNDO.
picture hugot dito , dito
Isang araw, may matandang multi-milyonaryo na nabobored. Nag-isip sya kung ano ang pwede nyang gawin. Sa dami ng pera nya, halos lahat nagawa na nya. Lahat din ng pwedeng paglibangan, nagawa na nya. Habang nanunuod sya ng Animal Planet, nagkataon na tungkol sa mga pating ang pinapalabas sa TV. Nakaisip ngayon ng trip ang matandang multi-milyonaryo at tinawag ang alalay nya.
Matandang multi-milyonaryo: Berting! Barting!!!
Berting: Baket po sir?
Matandang multi-milyonaryo: Linisin mo yung swimming pool. Tapos humanap ka kung saan pwede makabili ng pating.
Berting: Pating sir? As in shark?
Matandang multi-milyonaryo: Oo. At maghanap ka ng limang tao na malakas ang loob. Yung matapang talaga ha. Bukas ng umaga gusto ko nasa swimming pool na ang mga pating, mga tatlong pating. Dapat nandito na din yung limang tao na pinapahanap ko sayo. Tandaan mo, gusto ko yung matatapang na tao.
Berting: Good morning sir. Ready na yung inutos nyo. Sila ho yung limang tao na pinahanap nyo sakin.
Matandang multi-milyonaryo: Good morning Berting. San mo ba nakuha 'tong mga 'to?
Berting: Eto hong isa, lion tamer 'to. Eto naman, sa bomb squad nagtatrabaho. MMA fighter ho itong isa. Tapos ito naman matador 'to. Itong isang 'to kilalang siga sa buong Batangas.
Matandang multi-milyonaryo: Muka nga silang patatapang. Sige simulan na natin 'to. Punta tayo sa may swimming pool area.
Matandang multi-milyonaryo: Nakikita nyong may tatlong pating sa pool. Kung sino man ang maglakas loob na languyin ang buong haba ng pool at makaabot sa kabilang dulo. Bibigyan ko ng reward. Isang milyong piso! Sige simulan nyo na.
Yung procrastination, eto yung pagpapaliban sa pag-gawa ng mga bagay-bagay. Kung madalas kang nagdedesisyon na "sa susunod" mo na lang gagawin ang mga gawain kahit hindi ka naman busy procrastinator ka. Kung susumahin, masama ang kaugalian na ganyan, dahil nagdedevelop sayo ang pagkawala ng sense of personal productivity.
Totoo na kung gagawin mo agad ang mga bagay-bagay, magkakaron ka ng opportunity na gumawa ng ibang bagay. Pero may mga bagay na mas mabuting i-procrastinate.
Mahirap maging creative kung wala ka sa mood. Ang pagsusulat ng tula, pagcompose ng kanta, pagpe-painting, mga bagay yan na pag pinilit mong gawin kahit wala kang gana, panget ang kinalalabasan. Sa mga ganyang bagay, hindi parin nagiging positive ang procrastination, pero may karapatan kang ipagpaliban ang pag-gawa ng mga yan kung gusto mong maganda ang produkto. Kailangan lang magkaron ka ng gana para dumaloy ang artistic juices mo, kaya swerte ka kung alam mo ang mga kailangan mong gawin bilang artist para malagay ang sarili mo sa creative mood. Kaya kung artist ka at wala kang gana makipagsex, wag kang mambubuntis kung ayaw mong maka-create ng panget na anak.
Bukas na ang oportunidad ni Manny Pacquiao na makuha ang pang-walong devision title nya. Forecast namin na sa pang-anim (6th) na round, babaksak si Margarito.
Sinabi ni Freddie Roach na pasusukuin nila si Antonio Margarito. Gagamitan daw nila ng bilis ang 5'11 na Meksikano.
Naging matunog ang pangalan ni Margarito noon nung nahuli syang may plaster sa hand wraps nya. Sabi ni Margarito, hindi daw nya alam na may ganon sa wraps nya. Nung tinanong ang trainer nya, nagkamali lang daw ng hand wraps dahil yung nagamit nila ay yung ginamit ng isa pa nyang fighter sa sparing.
Gusto namin maniwala na totoo ang sinasabi ni Margarito at ng trainer nya. Sana totoong hindi sinasadya ang mga nangyare para pwede namin sila tawaging TANGA. Pero dahil matagal na sila pareho sa trabaho nila, walang duda samin na mandurugas ang dalawang gagong yan.
Nakaraan na yon. Ngayon, sabi ni Roach, babantayan daw nya lahat ng gagawin ng kampo ni Margarito sa gabi ng laban nila ni Manny.
Sa sinabi ni Freddie Roach na pasusukuin nila si Margarito, mukang malabo mangyari yon. Dahil sa pride na lang na ayaw makilala ni Margarito bilang palasuko na fighter. Tinigil ang laban nila ni Mosley noon, ngayon, kahit umabot sa point na gayahin nya ang style ni Clottey (Magtago sa likod ng braso nya) basta hindi lang sya sumuko, baka gawin nya yan. Pero kilala si Margarito na sumasabay sa sapakan, at kung tutuusin, hindi talaga alam ng mga tao ang totoong talent ng taong 'to dahil baka unang laban nya ito na nagtraining sya para sa suntukan na wala syang plaster. May kakilala nga kami na humirit na sa pagkakataon na 'to sa muka na nya maglalagay ng plaster si Margarito para paghandaan ang paulan ng suntok ni Pacman.
Sa mga nagtataka nga pala kung baket namin nasabi na 6th round tutumba si Margarito, wala lang, hula lang.
pinaglaruan na picture hugot dito
Tangangtado: Tawag sa taong gumawa ng isang bagay para magpatawa sana o magpasikat, kaso dahil tatanga-tanga sya at hindi nag-isip, aksidenteng nasaktan nya ang sarili nya o may nasaktan na ibang tao.
Hugot sa salitang "Tanga" at "Tarantado"
- Una, kumain ng mga pagkain na mayaman sa Omega 3 fatty acids.
- Pangalawa...
Misis: Sino yung kausap mo kanina habang nakapila ka don?
Mister: Ah yon, wala ex-girlfriend ko yun. Selos ka na? hahaha
Misis: Ex mo yon? Ang penget. Ba't ka pumatol sa ganon?
Mister: Mabait sya 'e.
Misis: Swerte mo pala saken.
Mister: Oo naman. Mas mabait ka kase.
Misis: At maganda ako.
Mister: Mabait ka talaga.
Misis: At maganda, diba?
Mister: Sobrang bait mo.
Misis: At maganda!
Mister: Kain ka na, lumalamig yung spaghetti.
Para siguradong hindi ka siksikin sa jeep o sa bus...
Naging dahilan para magcelebrate ang mga tao sa Barcelona nung nangyari yan, pero kinuha din nga daan-daang bading ang pagkakataon ng pagbisita ni Pope Benedict XVI para iprotesta ang "anti-gay marriage" sa Catholic church. Bilang protesta sa mapayapang paraan, nag-kiss na lang sila.
Kung matinik ang observation skills mo, mapapansin mong easy-easy lang ang mga bagong pabasa ng MgaEpal.com nitong panimula sa buwan ng November. Ito ay dahil may mga bago kaming dinidiskartehang pabasa, labels, at segment para sa susunod na buwan. Kung baga sa runner, jogging muna 'to. Pulido parin naman ang mga ibabagsak namin dito ngayong buwan, kaya abangan mo ang mga pabasa na mukang pinainom ng isang drum ng kape sa susunod.
Sasabihin namin ang diskarteng ninja na anti-gulat. Abangan.
Dapat lang mabigyan si Dolphy ng ganitong klaseng parangal. Kilala ng karamihan na haring komidyante si Dolphy, pero pwera pa sa pagpapatawa sa masa, may mga natutulungan ding mga bata yan sa pagkakaron ng “Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation” na nagbibigay ng scholarship sa mga karapatdapat na anak ng mga OFW.
Kung kami ang magbibigay ng parangal kay Dolphy, ito ay sa pagiging matinik sa chicks, pagiging magaling na actor sa comedy pero higit pa sa drama (Swerte ang mga taong nakapanuod ng mga dramatic roles/scenes ni Dolphy) at dapat naman talaga parangalan ang taong nagpauso ng "komedyante move" na pagrorolyo ng diyaryo para ipanghampas.
picture hugot dito