Ano ang pinaka badtrip na pangbara sa joke? Ang hindi ka payagan makasakay sa eroplano.

By mgaepals on 08:02

Filed Under:

May kawawang OFW na hindi pinayagan makasampa sa flight nya sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa paghirit na "Wala naman pong bomba." habang dumadaan sa X-ray ang bag nya. 
Sa panahon ngayon naniniguro lang ang mga airlines at may protocol silang sinusunod. Bawal banggitin ang salitang "Bomba" o "Bomb" sa loob ng airport o eroplano. Badtrip lang dahil mahina ang effort na gawing "public knowledge" ang bagay na yan. Sa pagkakataon na 'to isang babaeng OFW at kanyang anak ang nabiktima ng kakulangan sa pagpapaalam ng information sa madla. Kung alam lang nung OFW na yon na ang simpleng pagbanggit ng salitang "Bomba" ay magiging perwisyo hindi naman nya gagawin yon. Parang nangyari kay Jay Manalo na nadelay din ang flight dahil sa joke nya na may bomba daw sya (Nagpalusot pa na bomba diyaryo o magazine ata daw ang sinabi nya.) Kung maayos na ini-inform ng mga airlines ang lahat na bawal sabihin ang salitang "Bomb" sa loob ng airport, pati si Gaylord Focker hindi naperwisyo.

0 comments for this post

Post a Comment