Normal namang reaksyon yan bilang fan.
At sobrang normal na reaksyon yan ng taong matagal nang nagtitiyaga kay Justin Bieber.
Post Scrptum:
Walang sinabe ang "Bumblebee" ni Shia LaBoeuf sa "Bumbleboobs" ni Selena Gomez.
Wala na, hindi na talaga lalaban si Mayweather kay Manny.
Ngayon pang alam na ni Mayweather na liter guys can pak a pansh.
tinimbre ni Bulate sa Tip Box
Nung nakaraan, hinirit ni Gloria Macapagal-Arroyo na dapat daw tinuloy ni Noynoy ang mga projects na ginawa nya nung sya pa ang presidente. Sabi naman ng MalacaƱang, hindi naman daw nila hininto lahat ng ginawa ni Gloria.
Mukang tinuloy naman talaga nila yung ginawa ni Gloria noon.
May mga nangungurakot parin 'e.
Kung matagal ka nang basahero dito, kilala mo na kung sino yan. Gusto sana naming ma-contact si "VJ Greg". Hindi namin alam kung tuwing summer lang sya lumalabas pero umaasa kami na kahit tag-ulan na mahanap namin ang taong 'to. Sasabihin na namin ang main purpose namin. Balak naming imbitahin si "VJ Greg" para sa isang project (Sa susunod nyo na malalaman kung ano) Sabihin na nating sobrang labo talaga ng ginawa nya sa VJ Hunt audition na yan, pero bilib kami sa lakas ng loob ni loko. Maliit na pabor lang ang request namin sa lahat.
Kung kakilala nyo yan, paki timbre sa Tip Box ang contact details nya. Pwede din ipadala sa
Paki paalam na din sa mga kakilala mo na hinahanap namin ang taong yan, baka sakali lang na may kakilala kang kakilala sya. Share mo lang 'to nakatulong ka na. Salamat.
Umpisahan na natin ang tunay na VJ hunting.

Nagduda ka pa ba kung sinong mananalo?
Sinong mag-aakalang talent pala ang sanib?
Congratulations Marcelito. A very well-deserved win.
Tama lang yan. Kung ikaw ba makakita ka ng taong may hawak na camera
tapos nakapwesto sa may pwet mo, hindi mo ba sisipain?
binagsak ni ruskarjid sa Tip Box
Kung mahina ang pick up mo, ang ibig sabihin nyan 'e magiging ligal na ang same sex marriage sa New York. Malaki at maliit na hakbang yan para sa gender equality. Malaking hakbang para sa gay community sa mga liberated na bansa, dahil isa ang New York sa nagiging "social trend" leaders sa buong mundo. Maliit na hakbang lang yan para sa gay comuntiy sa mga bansang moralista, pero basta hakbang paabante, maliit man o malaki, mas ok na yan kesa wala. Para sa mga bading at tomboy dito sa Pilipinas, ituloy nyo lang ang apila para sa pagkakaron ng same sex marriage, maging inspirasyon nyo ang nagawa ng mga taga New York. Para sa mga fans ni Justin Bieber, congratulations. Malaking panalo din para sa idol nyo ang nangyare sa New York.
pinaglaruang pictures hugot
Nahirapan kang malaman kung alin yung original, alin yung peke 'no?
assist ni deo sa Tip Box
Nung naka-love team nya si Bea...
Nung naka-love team nya si Angel...
Ngayong si Shaina na ang ka-love team nya sa totoong buhay,
mukang alam na natin kung anong susunod na shampoo ni John Lloyd...
Para sa mga banban, ang mga city na sakop ng Metro Manila ay Manila, Caloocan, Las Pinas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Pasay, Pasig, Paranaque, Quezon, San Juan, Taguig, Valenzuela, Pateros.
Kung ayaw mong maniwala [eto ka]
Wala pa namang bagyo, pero dahil sa lakas ng buhos ng ulan, naisip ng DepEd na wag nang papasukin ngayong araw ang mga estudyante sa Metro Manila, tandaan mo Metro Manila lang. Pero baket mga preschool hanggang high school lang ang walang pasok? May karapatan din namang manatiling tuyo ang mga nasa college 'a. Pag college ka ba naiilagan mo na yung ulan?
Sa mga elementary at high school students na nakakabasa nito, enjoy sa maagang umpisa ng weekend nyo. Sa mga preschoolers na nakakabasa nito... gago kayo, ang babata nyo pa, wag kayo magbasa dito. Alis dyan.
Tarantado ka kase. Spiderman ka, 'e hindi naman gumaganyan ang gagamba gago.
tinambling ni jonkibagsarsa sa Tip Box
Tanong galing kay Ronald:
Ahh hello po sirs, ano po masasabi nyo ngayon sa tension duon sa Spratly? Dapat ba nating ipaglaban ang ating water territories "peacefully", kahit alam nating na ang China ay gagamit ng "Force" para sa tinatawag nilang negotiating "Peacefully".. or lalabanan natin sila at gagamit din ng Force gamit ang World war II Destroyer Class Ship Rajah Humabon na sabi nga po ni Senate President Juan Ponce Enrile, "one Torpedo can sink our Destroyer.." .. ano po mga masasabi nyo dito sa panibagong issue sa Pinas?
MgaEpal.com authors:
Oo dapat nating ipaglaban ang water territories natin, peacefully man o hinde. Dyan mag-uumpisa yan 'e, ang pangbu-bully. Pag binitawan natin ang laban dyan, lalo tayong magmumukang "saling pusa ng mundo". Umapila na ang aapila pero alam nating lahat na hindi tayo siniseryoso ng ibang bansa. Ang daming gago satin 'e. Pero hindi yun yung point. Ang punto dito, may karapatan tayo, kaya tayo dapat pumalag. Basta wag lang tayong bibitaw sa agawan ng basta-basta dahil magmumuka tayong takot. Sabihin na nating totoong mahina ang sandatahan natin dahil kinulimbat ng kung sino-sino sa AFP ang budget, pero wag naman nating ipahalatang bulok ang depensa at opensa natin. Isipin mo, hindi lang naman China ang pumapapel sa Spratlys, nandyan ang Vietnam, Brunei, Taiwan, at Malaysia. Pag umurong tayo, hindi lang tayo magmumukang umurong sa China, magmumukang yumuko tayo sa lahat ng bansang yan.
Sa totoo lang, hindi importante ang opinion namin dito, o opinion ng kahit sino. Sa tingin namin hindi mapupunta sa atin ang Spratly Islands. Baket? Hindi dahil takot tayo lumaban. Hindi dahil aagawin sya ng sapilitan... Hindi mapupunta sa atin ang Spratly Islands dahil bibilihin ang rights para dito. May isang bansang mag-aalok na bilihin ang "share" ng ibang bansa sa Spratlys, at dito sa Pilipinas, dadating ang panahon na papayag ang gobyerno na ibenta ang "rights" natin. Kutob lang yan, pero hindi malayong mangyare. Malay mo.
Sa tingin namin, kung ang nag-aagawan sa Spratly Islands ay Philippines at China lang , mas madaling mareresolba ang issue. Pwedeng sa atin na lang yung Spratly Islands, tapos sabihin natin sa China na gumawa na lang sila ng fake na Spratly. Magaling naman silang gumawa ng peke 'e.

"Ang pag-iyak ay parang pag-tae. Masarap ilabas lalo na kung matagl mong pinigil. Maginhawa sa loob pagkatapos mong gawin. At gumagaan ang pakiramdam mo pag nailabas mo na lahat. Kaya sige, i-ire mo ang mga luha, at ilabas mo ang mga tae ng damdamin." -MgaEpal.com
Apir sa gumawa nitong kanta.
Tang na ka
Dapat nasa MYX Daily Top Ten 'to,
Tang na mo.
hinarana ni Ern sa Tip Box
Lahat ng text message, nagiging casual at gumagaan ang sitwasyon pag nilagyan mo ng "hahaha" at "smiley" sa dulo.
Halimbawa:
Halimbawa:
- Sorry male-late ako, late kasi ako nagising hahaha :)
- Gusto kita pero as a friend lang hahaha :)
- Gago ka hahaha :)
- Tang*na mo hahaha :)
- Pagbigyan mo na ako kahit isang gabi lang. Gusto lang kitang matikman hahaha :)
- Ang panget ng mga anak mo hahaha :)
- Oo, nagsex kami ng boyfriend mo hahaha :)
- Hayop ka magsama kayo ng pokpok mong secretary! Papatayin ko kayo! hahaha :)
- Ninakaw mo ba yung wallet ko sa bag? hahaha :)
- Oo ninakaw ko yung wallet mo hahaha :)
- Sorry lasing kasi ako nun. Mahal naman kita kaso wala na akong magawa nung nakita kong nakahubad na sya hahaha :)
Ang daling mabilib netong mga 'to.
Dito sa Pilipinas ganyang edad nandudukot na ng wallet. Panis.
tinimbre ni feelingero sa Tip Box
Surprise!
ninja move ni Bulate sa Tip Box
Para sa mga Daddy's little girl...
Para sa mga Daddy's little boy...
Happy Father's Day.
Ang scenario: Nasa photo shoot si Gretchen Barretto. Nagkaron ng oras ang press para magtanong kay Gretchen tungkol sa kung ano-ano. Nabanggit ni Gretchen na balak nyang bumalik sa pag-aaral. Dun na nagsimula ang drama.
May isang taga press na nag-point out na yung anak daw ni Gretchen college na, at sya hanggang 3rd year high school lang ang tinapos. Ang naging reaction ni Gretchen? Eto...
"That's very intrusive. Why emphasize that? ... Kakulangan ko ba 'yon bilang tao? Humaharap naman ako ng maayos sa inyo so why grill me on that? I think we should stop this interview. Nakakapikon na!,"
Hindi ito kuha sa pinag-uusapang photo shoot.
May mga nagsasabing naging insensitive daw yung taga press na nagbanggit non. Nakaka-offend naman daw talaga yon. BAKET?!
Baket nakaka-offend yon? Pano naging sensitive matter ang level of education mo kung successful ka naman? Kung hirap ka sa buhay, at wala ka pang na-a-achieve, pwede siguro, pwedeng kang mainsulto kung ipamumuka sayo na hindi ka nagtapos ng high school. Pero kung Gretchen Barretto ka na. Kilala ka na ng madaming tao, at alam nila ang mga nagawa mo at naabot mo sa buhay, hindi ka dapat magalit kung maungkat na 3rd year high school lang ang tinapos mo. Dapat nga proud ka 'e. Pagkakataon nya na yon para maging inspirasyon sa mga hindi swinerteng makatapos ng pag-aaral, lalo na sa mga mababa ang level of education.
Dapat inangkin nya ang fact na yon at pinagmalaki na, oo 3rd year lang ang tinapos nya kaya naniniwala sya na kung gusto maging successful ng isang tao hindi dapat maging hadlang ang hindi pag-graduate kung may pagkukusang matuto sa sariling sikap. At kaya nya gustong ipagpatuloy ang pag-aaral nya dahil kahit may mga naituro na sya sa sarili nya, gusto pa nyang matuto ng ibang bagay. Pero hindi 'e. Nainis pa sya.
Isipin mo 'to; Baket maiinis ang isang tao sa bagay na pinangtukoy sa kanya?
Dahil panget o mababa ang tingin nya sa bagay na yon.
Dahil panget o mababa ang tingin nya sa bagay na yon.
Hindi namin sinasabing hindi kailangang mag-tapos ng pag-aaral. Alam naming sobrang importante ang edukasyon. Ang gusto lang naming ipunto dito, wag mong gawing batayan ng respeto sa iba, at RESPETO PARA SA SARILI MO ang taas o baba ng pinag-aralan. Gawin mong basehan ang mga nagawa, at mga ginagawa.
Eto panorin mo.
Para sa mga masyadong "edukado"...
Para sa mga masyadong "edukado"...
Parang ganito lang yan...
Huhusgahan mo ba ang kakayahan ng iskultor base sa kagamitan nya,
o base sa mga hinubog nya?
image hugot dito
Top 3 answers:
3) "To make to the people happy, and to make out world coolerful" -Bading number 1
2) "First love never die, because first love never sty is the first impression of every someone who which in everyone that you could never expect and beyond" -Bading number 2
1) "My parents make proud of me. Because I support them... wisely. I believe in the saying that one man... is love... for the rest... of the life." -Bading number 3
Ganito pala pag pinaglihi ang bading kay Jimmy Santos.
tinapon ni akosibebe sa Tip Box
Mas ok bang magbenta ka ng nakakagagong peke?
Avivas... "Imvassivol is nothing."
May scientific study na nagpapakita kung testosterone o estrogen ang mas dominante sayo nung fetus ka pa lang.
Pag mas mahaba daw ang palasingsingan mo (Yung daliri na walang kwenta kundi lagyan ng sing-sing) mas mataas daw ang testosterone mo nung fetus ka. Mas agresibo at mas aktibo ka.
Pag mas mahaba naman daw ang hintuturo mo (Yung daliri na madalas pangbukas ng soft drinks in can), mas angat ang level ng estrogen mo nung fetus ka. Mas sensitive at mas emotional ka.
Pero pag mas mahaba ang palasingsingan mo, hindi naman ibig sabihin na mas lalake ka (Mas madami ka lang pwedeng isuot na sing-sing) Pag mas mahaba naman ang hintuturo mo, hindi din ibig sabihin na mas may potensyal kang maging bading (Mas magaling ka lang sigurong mangulangot.)
Ang sinasabi sa digit ratio theory, yung mga may halos pantay na hintutulo at palasingsingan, yun daw ang pinaka pwedeng maging bakla. Siguro dahil masyadong pantay din ang level ng testosterone at estrogen nila nung fetus sila. Baka nalito yung biological structure nila. Baka nagkaron sila ng pangbabaeng utak sa panglalakeng katawan nila. Ewan natin. Hindi namin alam kung totoo ang theory na yan. Tingnan mo na lang ang mga daliri ng kakilala mong bading.

May sarili din kaming paraan para malaman kung bading ang isang lalake, sa pamamagitan lang ng mga daliri.
Kung ang tawag mo sa mga daliri mo ay "fingers", bading ka.
topic suggestion ni
epalerongshismoso sa Tip Box
Oist Ramon, palitan mo na yan.
Mukang luma at ang baho na nyang senpuki mo.
pinahanginan ni Violator sa Tip Box
Never gonna give, never gonna give...
binalita ni ender05 sa Tip Box
Nang-istorbo sa internet ang issue ng teen-ager na "animal abuser". Ang kontra bida of the day kahapon ay si Jerzo Senador. Madami ang naka-alam sa issue na yan, at madami din ang nakakita sa picture na 'to...
Nung una, pumapalag pa si Jerzon sa mga tumitira sa kanya. May mga tirada pa sya tulad ng
"hahaha,..winashing k p nga yan weh..."
At banat na...
"Hahaha, hnd ako makukulong noh..remember senador toh! aquh ng pa2pad ng Animal cruelty at kya kong bawiin yun!! ahahahaha."
Madami ang naawa sa tuta. Madami ang nagalit. Madami ang nagmura (kasama kami don.). At madami ang nagmura ulit (kasama parin kami.). Sa huli, dahil na din siguro sa takot at hiya, humingi din ng tawad si gago.
Nagpa-awa si Jerzon sa statement na...
"To All Animal Lover and to all over the world please read this:
“Gusto ko humingi ng tawad sa nagawa kong kasalanan sa aking alagang aso.. Sana mapatawad nyo ako at pinapangako ko na hindi na mauulit…"
Madami ang natuwa. Feeling ng lahat, ang laking panalo ng nangyare.
Pero kung sisipatin ng maigi, hindi ganon kagago ang ginawa ni Jerzon. Gago parin, pero hindi sobra. Ang bagay na nagpakup*l talaga sa kanya, ay proud pa sya at pumalag pa sya nung may mga nagagalit na. Pero sabi nga namin, hindi ganon kagago ang ginawa nya. Baket? Dahil kung titingnan yung picture ng naka-sipit na tuta, makikita mo na ang area na may sipit ay yung area na NATURAL KINAKAGAT NG NANAY NA ASO pag binubuhat nya ang mga tuta nya. Oo, parang pusa, dyan din kinakagat ng nanay na aso ang mga tuta nya para buhatin. Magaan ang tuta. Sa aso, hindi advisable yan.
Nakaka-init parin ng ulo ang ginawa ni Jerzon dahil pag kinakagat ng nanay na aso ang tuta nya para buhatin, may purpose sya: Para ilipat ng pwesto ang tuta nya. Pero sa ginawa ni Jerzon, wala, gusto lang nyang magpasikat sa facebook. Pa-cool lang si gago. Gusto nyang magpasikat, tang*na yan sige sikat ka na.
Dahil sa paghingi ng tawad ni Jerzon, may mga gumaan na ang loob. May mga humirit pa ng laspag na banat na "Kung ang Diyos nga nagpapatawad..." Powerful ang Diyos, at malakas na force ang kailangan para magpatawad. Pasensyahan tayo, hindi kami Diyos, at personaly (kami lang) mapapatawad lang namin si Jerzon pag hindi na sya nagli-lipstick.
Sa totoo lang, may mga animal abuser na hindi nila alam na hayop din sila mang-abuso ng aso. Halimbawa, yung mga binibihisan ng damit ang mga aso nila. Masaya sila. Masya ba yung aso? Kung sila naman ang bihisan para magmuka silang aso, ok lang sa kanila?
Yung mga "dog carriers" na nakabitin lang naman yung aso, muka bang kumportable yan? Kung ayaw mong hawakan ang aso mo, iwanan mo sa bahay gago.
At para sa "training" ng mga aso, baket may mga gumagamit pa ng Shock Collar? Makatao ba koryentehin sa leeg ang aso mo? Ni hindi yan makahayop tanga.
Eto ang mga sample ng "kiliti" ng shock collar.
Malalaking bulas na yang mga yan, ganyan pa makapag-react. Isipin mo kung sa aso mo kinabit yan.
Hindi namin sinasbing hindi mali ang ginawa ni Jerzon. Ang punto dito, gago sya, pero madami pa ang nagiging gago sa alaga nila sa ipokritong paraan. Ganyan naman 'e. Pag masa ang gumawa, "animal abuse", pero pag sosyal ka, "grooming" at "training". Hayop 'no?
Habang-buhay na syang magbabanlaw dyan. Dyan na sya kakain. Dyan na sya matutulog.
Dyan na sya mag-aaral. Dyan na din sya titira. Dyan na sya bubuhay ng pamilya. Dyan na sya tatanda. At mamamatay sya ng may shampoo sa buhok.
Dahil kailangan ng support ng chest muscles???
Tarantado ka, may patakip-takip ka pa ng dibdib.
tinimbre ni JerMoo sa Tip Box
Awww... how touching.
Awww... how touching.
Awww... how touching.
Uy! Touching!
Yan ang complete package ng talent.
Maganda ang boses.
Mukang mabait.
Hindi nagpatalo sa kahirapan.
Kamuka pa ni Bobby Lee.
Astig.
Salamat kay Mangangalakal.
Tinimbre sa Tip Box
'Ah sige Guns and Roses pala ha?
'O eto ka...
Guns and Roses and Sunflowers and Daisies and Gumamela and Carnations
and Orchids and Kalachuchi and Tulips and...
tinanim ni KĆNIG sa Tip Box
Tanong sa Tip Box: Napanood nyo ba yun coverage ng NBA finals sa ABS-CBN? Eto matagal ko nang napapansin, pag kino-cover nila NBA, nagtatagalog sila, kapag PBA naman, todo sila kung maka-english, kaya pangit na manood ng PBA, wala na yung mga katagang "Patay ang butiki!" "Natutulog sa pansitan." atbp.
MgaEpal.com Authors: Naisip din namin yan noon. Medyo nakaka-irita nga ang irony na yan. Pero kung titingnan natin sa "business side" ng mga networks, dinidiskartehan lang nila ang viewership.
May english coverage na pwedeng mapanood yung mga naka-upgrade ng cable nila sa BTV at NBA channel.. Kung english din ang gagawing NBA Finals coverage ng ABS-CBN, hindi sila nagbibigay ng alternative option non. Isa pa, sa ABS-CBN nakatutok yung mga hindi upgraded ang cable o walang cable. Masa yon, at syempre pag masa, tagalog.
Sa PBA naman ngayon, yung mga producto, services, at establishments na lumalabas sa commercials nila, halos puro para sa middle class hanggang sa sosyal. Automatic na sa masa na manood ng PBA, kaya ang gustong hatakin ng PBA, yung mga medyo nasa upper class naman, para madagdagan ang viewership. Pero agree kami na nakaka-miss marinig yung mga hirit na "Patay ang butiki!" at "Natulog sa pansitan.". Kaya gusto sana naming i-suggest sa PBA ngayon na kung pwede, 'e gamitin parin nila yang mga hirit na yan... kahit in english.

"The lizard is dead!"
Meron na namang babae na sumisikat dahil kamuka nya si Justin Bieber.
Hindi lang yon. Kumakanta din sya.
Full Version of the song:
Hindi yan ang unang beses na may babaeng napag-usapan at sumikat dahil lang kamuka nya si Justin Bieber. Nagkaron na noon ng balita na may babaeng SOBRANG KAMUKA ni Bieber. Chikas pa.
Sa mga lalakeng unang beses pa lang nakita ang picture na yan, wag kayong mag-alala kung hindi nyo ma-explain ang nararamdaman nyo ngayon. Hindi naman talaga normal magandahan ka sa babae habang nangdidiri ka. Parang nung nanood ka lang nyan ng "2 girls one cup".
Warning: Isang beses lang panoorin kung ayaw mong magkaron ng diabetes.
sinuka ni shredderx2 sa Tip Box
Buti na lang may pader.
Badtrip naman kasi kung rumaragasang truck ang gumising sayo.
tinakbo ni ruskarjid sa Tip Box.
Jessica: Mare order ka pa ng drinks.
Shirley: Mare tama na, lasing ka na.
Jessica: Mars kung ayaw mo, ako na lang ang iinom. Mukang ikaw ang lasing na 'e.
Shirley: Mare hindi ako lasing, ikaw ang lasing. Tingnan mo nga yang mata mo, pulang-pula na.
Jessica: Gaga, ganyan talaga kulay ng mata ko.
Shirley: Mars matagal na tayong magkakilala. Alam kong hindi pula ang natural na kulay ng mata mo. Lasing ka na.
Jessica: Mars ikaw ang lasing. Dati pa pula ang mata ko. Kahit tingnan mo pa sa mga picture ko.
Shirley: Pahiram nga ng cellphone mo. Patingin ng mga pictures mo dyan.
Jessica: Sige... (Nilabas ang compact mirror galing sa bag.) 'O etong picture ko na 'to pula yung mata ko dito 'o.
Shirley: Patingin nga...
Jessica: 'O ayan. (Sabay abot ng compact mirror)
Shirley: Hahaha! Ano ka ba mare, lasing ka na talaga.
Jessica: Baket?
Shirley: Picture ko 'to 'e.

Alam ng karamihan ang pinagmulan ng expression na "susmaryosep!" Pero para sa mga kawawang hindi alam at hindi man lang nagtaka kung saan hugot yan, galing yan sa Hesus, Maria, at Joseph o collectively known as the "The Holy Family".
Madalas maririnig mo yang "susmaryosep" sa mga may edad na. Lalo na pag nagulat o na-shock sila. Yan ang version nila ng "OMG!"
Kung shortcut ng Hesus, Maria, at Joseph ang susmaryosep, pwede din bang gamitin ang expression na "Holy family!"? as an expression?
Alam mo ba na ang pangalan ng Vice President natin ngayon ay hugot din sa holy family. Sige isipin mo... Jejomar Binay. Je = Jesus, Jo = Joseph, at Mar = Mary (Naks may pangbida ka na naman sa mga kaklase mo.)
So kung susmaryosep = holy family
at Jejomar = holy family din,
pwede din bang substitute sa susmaryosep ang Jejomar?

1) "Holy family kang bata ka, akala ko kung ano nang nangyare sayo. San ka ba nagpupupunta?"
2) "Holy family! Nagulat naman ako sayo. Ano bang ginagawa mo dyan sa taas ng puno?!"
Alam mo ba na ang pangalan ng Vice President natin ngayon ay hugot din sa holy family. Sige isipin mo... Jejomar Binay. Je = Jesus, Jo = Joseph, at Mar = Mary (Naks may pangbida ka na naman sa mga kaklase mo.)
So kung susmaryosep = holy family
at Jejomar = holy family din,
pwede din bang substitute sa susmaryosep ang Jejomar?
"Jejomar kang bata ka! Baket nakahubad ka na naman?!"
boyscout hugot dito
Last month, pinasa ni Cyiell sa Tip Box ang balita na may mag-asawa sa Jerusalem na pinangalanan ang anak nila ng "Like". Nakuha daw nung mag-asawa ang inspirasyon para sa pangalan ng anak nila sa Facebook.
Hindi namin pinansin ang balita na yan non dahil kung tutuusin madami namang taong mas malabo pa ang pangalan. Tulad ng "Goldenpalacedotcom Silverman", na binayaran nung casino ang mga magulang para binyagan nila ng ganyang pangalan ang anak nila. Meron ding pinangalanan ng "Metalica", dahil idol ng tatay nung bata yung bandang... well hulaan mo kung anong band sige. Syempre nandyan si "Joker Arroyo". Hindi namin alam kung baket yan ang pangalan nya, dahil sa totoo lang hindi sya nakakatawa... pwera na lang kung titingnan mo sya. May mag-asawa din na pinangalan ang anak nila ng "Brfxxccxxmnpcccclllmmnprxvclmnckssqlbb11116". Ginawa yan ng mga magulang ng bata dahil gusto nila iprotesta ang batas sa Sweden na nagsasabing bawal mo bigyan ng kalokohang pangalan ang anak mo. At nandyan din ang pangalang "Froilan". Wala, nalalabuan lang talaga kami sa pangalang Froilan.
Pero kung ibabase mo sa Facebook ang magiging pangalan ng anak mo, pumili ka na ng iba kesa sa "Like". Baket hindi na lang "Share". Maaliwalas at mukang mapagbigay.
O kaya "Friend". Para warm and friendly.
At dahil Facebook ang inspirasyon, baket hindi na lang "Wall". Matibay, matatag at masasandalan.
Hmmm... kung sa Pilipinas wag na lang siguro "Poke". Alam naman natin kung pano bibigkasin yan ng iba.

"Hi I'm Share, would you like some pie?"
O kaya "Friend". Para warm and friendly.
"Hello. My name is Friend. How do you do?"
At dahil Facebook ang inspirasyon, baket hindi na lang "Wall". Matibay, matatag at masasandalan.
"Hey there, I'm Wall. If there's anything you need, just let me know."
Pwede ding "Poke". Simple at cute.
"Hi I'm Poke. Please come in."
Hmmm... kung sa Pilipinas wag na lang siguro "Poke". Alam naman natin kung pano bibigkasin yan ng iba.
"Hi I'm Poke, Please come in."
Wala hindi talaga pwede sa Pilipinas.
Subscribe to:
Posts (Atom)