Hugot sa Philippine Star.
picture ng tiger hugot dito
picture ng tiger ni Chavit hugot dito
Susuportahan daw ng mga Catholic Bishops sa Pilipinas ang mga protesta laban kay Noynoy Aquino kapag tinuloy nya ang kampanya ng birth controls/contraception. Nagsabi kasi si Noynoy na magbibigay ng artificial birth control methods ang gobyerno bilang tulong sa mahihirap na mag-asawa. Sabi ng spokesman ng mga bishop na si Father Melvin Castro, madami din leaders (leader-leaderan) ng simbahan ang nagalit at may balak talagang magprotesta. Pero hindi daw sasama sa protesta ang mga bishops at moral (moralista) support lang daw ang ibibigay nila.
Authors' reaction:
Ganito na lang... Kapag yang mga bishop at "church leaders" na yan na ang nagpapakain sa mga anak ng mahihirap na mag-asawa, tsaka na sila umapila. Kapag yang mga bishop at "church leaders" na yan na ang nahihirapan maghanap ng pang-tawid gutom ng mga anak ng mahihirap, pwede nang makinig si Noynoy sa kanila. Mga "church leaders" ang mag-oorganize ng protesta, pero pag dating sa mismong protesta, puro mamamayan na nagpauto ang nahihirapan sa ilalim ng init ng araw, nagugutom, at napapagod. Pero may moral support naman daw na manggagaling sa mga bishops. Baket hindi na lang moral protesta ang gawin ng mga magpapauto? Tutal moral support lang naman ang makukuha nila, magprotesta na lang sila sa sarili nilang utak.
"May God deliver us from the stupid fun and the stupid ones. Please give us all we need for the higher seat and keep away all moralista bullshit. Amen" -MgaEpal.com
Karamighan ng kontra sa birth control ay matatanda na, at nakatulong sila sa pagpapabaya sa population explotion ng Pilipinas sa loob ng madaming dekada. Ngayon, ipaubaya nyo na sa amin ang mga susunod na dekada, hindi namin kailangan ang tulong ng mga moralistang takot sa pagbabago.
May bagong guidelines sa NBA (National Basketball Association) ngayon regarding player attitude. Pwede nang tawagan ng technical foul ang tuloy-tuloy na pag-apila sa tawag ng referee kahit hindi ka sumisigaw. Bawal din ang pagtaas o pagpapakita ng kamao habang nagagalit ang player kahit wala syang inaaway. Hindi na din pwede ang sarcastic o exaggerated na kilos pag ayaw mo ang tawag ng referee kahit impulsive lang, at para lang makapag-release ng frustration.
Kung ganyan ang basehan ng technical fouls pag-pasok ng 2010-2011 NBA season, inaasahan namin na pag-dating ng 4th quarter, 3 on 3 na lang ang laban at yung towel-boy na ang nagco-coach. Magiging sports drug na din ang Valium para sapilitang pakalmahin ang players. Lalagyan na din ng letter "W" sa umpisa ng NBA. At ang mga gustong makakita ng emotional game ng basketball ,ay kailangang mag-antay ng piyesta para makanuod sa liga ng mga bading.
Dear Lord, kung matuloy man ang laban ni Pacquiao at Mayweather, sana dito gawin sa Pilipinas, para makanuod kami ng live. Pinapangako namin na hindi namin babatuhin ng bakal na upuan si Mayweather, monoblock lang. Amen.
Yung ibang tao, nag-aartista muna bago nagiging politician. Pero kay Noynoy, mukang nauna ang pagiging politician.Baket ba sa headliners ng NEWS nilalabas ang mga balita tungkol sa kinakain, sinusuot, pati love life ni Noynoy? Hindi ba dapat sa Chika Minute at The Buzz yan? Hindi naman siguro kasalanan ni Noynoy kung may mga ganyang balita na hinahain sa atin. Aminin na natin, likas sa mga Pilipino ang makiusyoso sa buhay ng sikat.
Masarap matulog dahil malamig.
Nagkakaron ng pag-asa ang mga bata dahil inaabangan nila
ang announcement na walang pasok.
Nakakatipid sa pagkain dahil 10 times na mas sumasarap ang
murang lugaw pag umuulan.
Masarap "magtabi" sa kama dahil malamig.
May nakakasal na tikbalang pag nagkataong umaaraw din.
Sa dami ng issue na nakakapit sa jueteng legalization, masyadong nagmumukang komplikado ang sitwasyon. May mga kontra at may mga sang ayon. Kung tutuusin mas may utak ang mga payag i-legalize ang jueteng.
Sinasabi ng iba na wag nang gawing ligal ang jueteng dahil dadami ang sugarol. Baka imbis na ipangbili ng pagkain, ipang-jueteng lang daw ito. Edi pabayaan nyo silang magdesisyon. Parang lotto lang naman yan, may mananalo, may matatalo, nasa tao na yun kung gusto nyang kumain, o gusto nyang isugal ang pera sa ahhh sugal.
Bobo talaga ang mga kontra sa jueteng legalization. Baket, ayaw ba nilang magkaron ng trabaho ang ibang tao? Alam mo ba na sobrang daming trabaho ang magiging available kung nagkataon? Kahit hindi nakapag-aral ay pwedeng mabigyan ng trabaho as "kolektor". Malamang naisip na din nila na milyon kung hindi bilyon ang tax na pwedeng makuha sa jueteng. Isipin mo na lang kung magkano ang napupunta sa bulsa ng ibang politiko at pulis bilang "lagay" galing sa mga 'jueteng lords". Pag ginawang ligal yan, hindi na kailangan maglagay sa mga politiko, diba? Ah teka... baka kaya ayaw nilang gawing ligal.
image hugot dito
1:17AM (Mahigit apat na oras nang lights out sa lahat ng selda)...
Sa waste area ng bilibid...
Delfin: Gaston, Sigurado ka bang ok 'tong plano mo?
Gaston: Syempre, ako pa.
Brando: Oo nga mukang ok naman, kaso ang baho dito.
Gaston: Malamang! Puro basura dito 'e.
Delfin: Pero sobrang baho 'e. Ang hirap pang huminga dito sa loob ng mga sako. Teka, pano natin malalaman pag may parating na mga jail guards?
Gaston: Binutasan ko ng maliit 'tong sako ko. Pag may tao sa hallway, makikita ko muna yung shadow bago sila pumasok dito sa waste area.
Delfin: Talaga bang madaling-araw nagtatapon ng basura yung mga jail guards?
Gaston: Oo.
Brando: Sigurado ka bang hindi nila tayo mahuhuling nakatago sa mga sako?
Gaston: Hindi yan. Wag lang kayong masyadong malikot. Teka... Tonyo? Tonyo!
Brando: Baka hinimatay na si Tonyo sa loob ng sako!
Delfin: Pabayaan nyo na yan, baka patay na.
Tonyo: Gago! Ayaw ko lang magsalita, baka pasukan ng germs yung bibig ko.
Delfin: Hahaha Kapal ng muka neto, pa-germs-germs ka pa, sosyal mo 'a.
Tonyo: Tagal naman ng mga jail guards! naiihi nako!
Brando: Edi umihi ka na jan. Ok nga yun mas mabaho, mas kapanipaniwalang basura ka hahaha!
Delfin: Hindi na kailangan, kahit makita pa ng mga jail guard si Tonyo, papasa paring basura yan.
Tonyo: Ulul!
Gaston: May tao sa hallway! Shhhh!
Jail Guard 1: Ang baho talaga dito sa waste area! Bwiset!
Jail Guard 2: Parang hindi ka na nasanay. Buti nga yung mga preso na ang nagsasako ng mga basura. Ilalabas na lang natin.
Jail Guard 1: Baket mukang mas madaming sako ngayon???
Jail Guard 2: Baka may mga bisita si warden kanina. Mahilig magpadeliver ng pagkain yun lalo na pag bigatin ang mga bisita.
Jail Guard 1: Badtrip naman! Tara simulan na natin nang makaligo na pagkatapos.
"Hachoo!"
Jail Guard 1: Ikaw ba yun?
Jail Guard 2: Hindi. Kala ko ikaw 'e.
Jail Guard 1: Baka may ibang tao dito. Check mo nga yung mga sako.
Jail Guard 2: Ayoko nga! Sobrang baho na nga kahit nakasara, pabubuksan mo pa sakin??? Kung gusto mo ikaw na lang.
Jail Guard 1: Putik hindi na! Sipain mo na lang isa-isa. Para sigurado lang.
Sinipa isa-isa ang mga sako sa waste area...
Pagdating sa sako ni Brando...
"pugshk!"
Brando: Meoooooooow!
Jail Guard 2: Pare may pusa sa sako!
Jail Guard 1: Pabayaan mo na yan. Pag pinakawalan mo yan mahirap iligaw yan.
Pagdating sa sako ni Delfin...
"kabug!"
Delfin: Awooo! Aww-aww-awoooo!!!
Jail Guard 2: Pare may aso sa sako!
Jail Guard 1: Ikaw bahala kung pakakawalan mo yan. Baka kagatin ka, sinipa mo 'e. Hindi ko nga alam kung aso yan, tunog lobo 'e. Kung ako sayo ipauubaya ko na sa mga basurero yan.
Jail Guard 2: Nakaka-awa pero... oo nga.
Pagdating sa sako ni Gaston...
"pugshk!"
Gaston: Sqeeeeeeeek!
Jail Guard 2: Tang*na may daga sa sako!
Jail Guard 1: Kadiri! wag mong buksan, baka makatakas, dadami pa yan!
Pagdating sa sako ni Tonyo...
"kabug!"
Jail Guard 2: May gumagalaw sa loob!
Jail Guard 1: Anong tunog?
Jail Guard 2: Wala. Gumagalaw lang.
Jail Guard 1: Sipain mo nga ulit.
"pugshk!"
Jail Guard 1: Wala paring tunog. Tang*na ano yan???
Jail Guard 2: Sipain pa natin baka hindi tinatamaan.
"pugshk!" "pugshk!" "kabug!" "pugshk!" "kabug!"
Tonyo: Aray ano ba?!!!!! Walang tunog ang giraffe!
Pero merong "Edit" para mapaganda ang kinabukasan,
Meron ding "Like" para sa kuntentong kaligayahan.
At syempre, "Share" para sa iniibig at mga kaibigan.
-MgaEpal.com
Ilang dekada na pinag-aagawan yan.
Para matapos ang lahat, daanin na lang sa contest.
Pagalingan magtagalog.
Mas matino pa magpatakbo ang student government.
Mas walang nangungurakot sa student government.
Kahit officers lang sa classroom mas magaling pa sa inyo
Kahit yung cleaners for the day lang, mas nakakatulong pa.
At mas magulo pa ang MalacaƱang sa mga "noisy", "standing", at "not in proper seat".
Hindi namin alam kung pano na-train ng mga aso yung mga tao, pero astig.
- Maganda ang "interaction" ni Charice sa ibang characters. Hindi sya nagmukang aloof o out of place.
- Binihisan sya para magmukang mas bata. Maliit si Charice kaya hindi lang sya nagmukang high school, nagmuka syang elementary.
- Hindi masyadong maganda ang porma nya sa Glee. Pwedeng sinadya, tapos magkakaron sya ng "She's All That" moment.
- Sunshine Corazon ang pangalan ni Charice sa Glee. Baka tribute kay Corazon "Tita Cory" Aguino yan, pero... Sunshine Corazon? Sunshine Corazon talaga? Wala na bang mas stereotype na pangalang Pilipina jan? Sunshine Corazon??? Sinong banban ang naka-isip nyan?
- Astig yung performance nya nung "audition" scene.
- Pwede syang mapagkamalan na may dugong African-American dahil sa ganda ng boses at kilos nya pag kumakanta.
- May mga Pilipino na ngayon lang nakanuod ng Glee para lang suportahan si Charice at nainis sa character nung "Rachel" dahil "inapi" si Charice.
- Kailangang ikalat ang positive feedback tungkol kay Charice sa internet para maging regular sya sa show habangbuhay.
- Mas dadami ang Pilipinong manunuod ng Glee. Suportahan nyo si Charice, pero kayo na lang. Seryosong natutuwa kami para kay Charice at gusto namin syang suportahan, kaso ayaw talaga namin manuod ng Glee dahil hindi namin mapigilang sumabay sa mga kantang ayaw namin sabayan.
- At dahil magiging sobrang hit na din sa "masa" ang Glee, gagayahin na ito ng local networks. Gagawan na naman ng tagalog version yan. Tatawagin nila itong "Kantateros"
Napatunayan na, na mas nakakapag-perform ng maganda ang isang tao sa trabaho nya kapag masaya sya. Ang pagsabak ni Manny sa iba't-ibang bagay ay nakakatulong bilang outlet nya ng creativity at extra energy. Ang rason din ay para lumipas ang boredom. Si Manny Pacquiao ay parang bata na may ADHD. Kapag masyado syang nagtagal sa pag-gawa ng isang bagay nabo-bored sya, at nawawala ang interes nya. Dahil madaming pinagkaka-abalahan si Manny, napapanatiling 100% ang concentration nya pag-dating sa laban. Napapanatili ang excitement sa kanya para sa mga susunod na challenges. At napapanatili ang passion nya sa boxing.
Balik training sa basketball? Nakita ko sa Youtube nagbabasketball yun e.
Hinde..
Balik training sa pag-kanta? May concert ba sya ulit?
Hinde...
Ah balik training sa billiards! Magaling din magbilyar yun e.
Hinde...
Balik training sa public service? Congressman e.
Hinde...
Ah baka balik training sa paghohost.
Hinde...
Balik training sa pag-aartista! May Wapacman 2 ba?
Hinde...
'E balik training saan???
Sa boxing.
Boksingero si Pacquiao?
Top 10 "Astig na Bading" award (To be awarded every 10 years)
Parangal sa mga bading na bumibiro at bumibira.
(Movers and shakers ng kabadingan sa Pilipinas.)
May higit sa dalawang dekada nang subok ang staying power bilang de kalibreng fashion designer. Kung baga sa gangster, O.G. na 'to.
X-factor: Ang sino mang bading na mabanggit sa kanta ng Eraserheads ay karapat-dapat sa Top 10 Astig na Bading. Inno Sotto number 10 sa Astig na Bading.
#9 Fanny Serrano: Umapaw ang kayamanan sa ubod ng daming parlor branches. Compelling at mahusay na aktor/aktres. Nagsisilbing inspirasyon at idol ng mga parlorista.
#8 Danton Remoto: Pasimuno ng "Ang Ladlad" political party. Napagbigyang tumakbo at pinataob ang COMELEC pagkatapos silang ideny ng dalawang beses para makatakbo sa national elections.
Nakasulat ng ng 8 na libro.
#7 Alan K.: Naging successful na KTV master at tumutulong sa ibang komidyante para makapagsimula at umunlad. Yumaman sa tagumpay ng mga KTV nya pero nananatiling walang ere sa ulo.
#6 Vice Ganda: Umabot ng lampas isang milyon ang fans sa Facebook. Sa dami ng komidyante at bading sa showbiz, napili para maging bida sa remake ng "Petrang Kabayo". Vice Ganda, (pwedeng maging President Ganda) sagad sa number 6.
#5 Rustom Padilla (BB Gandang Hari): Nasaksihan ng buong Pilipinas ang pag-amin nyang bading sya. Dahil pinili nyang kay Keanna Reeves umamin kahit kontrobersyal si Keanna, napakita ni "BB" na hindi sya nanghuhusga base sa sabi-sabi ng iba.
#4 Jobert Sucaldito: Ang bading na pinaka mukang siga. Nagpataob sa mala-buhay pusa na si Willie Revillame sa channel 2.
#2 John Lapus: Bading na palaban pero marunong rumespeto. Mula hosting hanggang sa pagiging komidyante, professional. Tipo ng bading na nakakatakot makasuntukan.
Kilala bilang si "Sweet", pera mas bagay na tawaging "Chilimansi" dahil may asim magtanong, at may anghang sumagot.
Si Cleary yung babae... muka syang clear.
Si Harding yung lalake... mukang syang hard.
Alam naming madami din sainyo ang na-harding kay Cleary.
English Version na hugot sa Youtube comment ni ManilaNCR
(Pak, pak, pak, pak)
This is the beat in unison,
this is the beat, make no mistakes.
Getting faster, getting faster.
Now don't you miss, now don't you miss.
Got it now?, Got it now the Ah!
Getting confused, getting confused!
Getting dizzy, getting dizzy!
This is mine, this is mine, this is mine, this is mine!
Pacute lang ang lalakeng magpapasayaw ng kamay nya.
Hindi ka naman magmu-mukang astig para sa mga babae.
Hindi na kailangan ng mga babae ng kung ano-anong steps.
Dalawang steps lang ng kamay nyo, makakapagpaligaya na.
Step1: Up Step2: Down (Repeat, repeat, repeat, repeat...)
MgaEpal.com version:
(Plok, plok, plok, plok)
Sige lang miss ikaw mag-"beat".
Tanggal sing-sing, sakit sabit
Pabilis nang pabilis
Sige pa miss, sige pa miss
Ayan na! Ayan na! Ahhh
Nalilito, nalilito
Nahihilo-nahihilo
Kuko mo! Kuko mo! Kuko mo! Kuko mooo...
Round 2: Tie, dahil hindi kame naniniwalang may chicks 'tong dalawang 'to.
Round 3: Tie, dahil parehong maganda ang mga ilong nila... parang popcorn.
Robin issues statement on wedding with Mariel
Tapos kinontra ang mga facts ng interview na 'to:
(Obserbahan mo ang muka ni Mariel)
Kaya pala kumportable pumasok ng politiko ang mga artista,
dahil sa showbiz pa lang, sanay na sila magtago ng katotohanan.
Susubukan lang daw muna, tapos oobserbahan ang performance ng mga bata. Tama naman ang hakbang na ginawa ng DepEd. Pabayaan nating mag-enjoy ang mga bata. Apir kay Education Secretary Bro. Armin Luistro. Sana ikaw ang Education Secretary nung elementary kami.
Ok lang yung kanta.
Nothing special.
Kung kame ang tatanungin, ito ang Manny Pacquiao official song:
May mga salitang dapat baguhin dahil sa sexist basis nito. Pinanganak kase ang mga salitang ito nung luma pa ang mundo at hindi pa tanggap ang pagkapantay-pantay ng mga babae at lalake. Tulad nalang ng mga salitang...
History - Hinugot sa salitang His at Story
Madaming babae na ang malki ang contribution sa kasaysayan ng mundo. Panahon na para tawagin ang mga kwento nila bilang Herstory
Mrs. - Hinugot sa Mr. na dinagdagan ng "s" para magpakita ng pagmamay-ari.
Hindi na kino-consider na pagmamay-ari ni mister si misis. May pagkakataon pa nga na si mister ang mukang pagmamay-ari ni misis. Dapat ang abbreviation ng mga ginang ay Mss.
Manyak - Hinugot sa salitang Man at Yuck
May mga babae din naman na yuck. Kaya may karapatan silang matawag na Womanyak.
"Kung sino man ang MATIGAS sa inyo, harapin nyo ako! Ikaw, MATIGAS ka ba ha?! Ilabas nyo ang MATIGAS!!!" -Bading
Wala kaming pakialam.
Excuse lang yan para makapaglagay kami ng masasarap na picture nila.
Bahala na kayong magbasa ng away [DITO]
Ano ang tawag sa malaking batuta?
Ano?!
Ba-aso.
Gago ka, aminin mo mejo nakakatawa yan.
Kailangan magkaron ng Dello-Target VS Zaito-J.Skeelz
Epal: Palit naman tayo. Kanina pa ako dito sa sports section.
Mas Epal: Baket ba ang hilig mong makihati sa dyaryo?
Epal: Araw-araw ka naman bumibili, edi makikibasa na lang ako. Pahiram naman nyang world news.
Mas Epal: 'O eto, akin na yang sports section. Kapal talaga ng muka neto...
Epal: Hindi pala natuloy nung isang gagong simbahan sa America na magsunog ng mga Qur'an 'no?
Mas Epal: Oo, buti na lang madami parin yung umapila para sa freedom of religion.
Epal: Napakawalan na pala yung journalist na biktima ng napping sa Afghanistan...
Mas Epal: Biktima ng napping?
Epal: Oo. Sa Afghanistan.
Mas Epal: Napping??? Natulog?
Epal: Bobo! Napping... yung kinuha yung tao ng pwersahan.
Mas Epal: Ahhh tanga, kidnapping!
Epal: Ikaw ang tanga! Hindi naman bata yung journalist gago!
Mas Epal: So pag hindi bata, napping lang? Napping pala ha, pahiram nga nung mga dyaryo...
Epal: Hindi na...
Mas Epal: Pahiram lang nung mga dyaryo!
Epal: Ayoko! Ganyan itsura mo pag mananakit ka na!
Sina-suggest nung dating presidenteng babae na si Gloria Macapagal-Arroyo, na hatiin ang (ARMM) Autonomous Region in Muslim Mindanao. Kasama nya sa idea na yan ang anak nyang si Camarines Sur Representative Diosdado Arroyo. Gusto mahati ang ARMM sa dalawa at magkaron ng ARSM (Autonomous Region in Southwestern Mindanao) at ARCM (Autonomous Region in Central Mindanao) Yang mga yan ay under House Bill 173 at ang sabi nila, ang desisyon daw ay pagbobotohan ng mga probinsya, lalawigan, at baranggay.
Kung nagkataon, ang mga lugar na mapupunta ARSM ay:
Sulu, Basilan, Tawi tawi, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay and the cities of Isabela, Pagadian, Dipolog, Dapitan and Zamboanga.
At ang mapupunta sa ARCM ay:
Maguindanao, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Sultan Kudarat, North Cotabato, South Cotabato, Sarangani and cities of Cotabato, Marawi, Iligan, Kidapawan, General Santos, Koronadal, and Tacurong.
MgaEpal.com...
Baket ba pinagbibigyan pa yang mga yan? Si Gloria ay representative ng Pampanga, yung anak nya, representative ng Camarines Sur. Parehong wala sa ARMM yang mga lugar na yan, so baket nakikialam si Arroyo sa Mindanao NGAYON? Wala naman sigurong kinalaman na naging malapit ang mga Ampatuan kay Gloria noon. Kung ano man ang idea sa suggestion ng magnanay na yan, mas mabuti pang hindi pansinin. At isa pa, botohan daw ang pagbabasihan ng desisyon kung nagkataon. Hindi namin alam kung baket, pero ang pangit lang talaga ng idea na BOTOHAN kapag may kinalaman si Arroyo.
intense na muka ni Gloria hugot dito
Lady Gaga, may totoong muka.
Rebelasyon ng pinaka bagong love team.
Sa bewang ka talaga humawak? Sweet naman.
Kanye West, nagperform naman ng MAS PANGET na kanta ng pag-recognize nya sa mga kahambugan na nagawa nya.
(Pasensya na. Wala pang malinaw na video nyang mga pangat na performance sa Youtube.)
After 16 years, nakuha na ulit ng team U.S.A. ang 1st place sa 2010 FIBA World Championship laban sa host team na Turkey. Nung umpisa ng laro, mukang may palag ang Turkey dahil sa momentum built na sinimulan ni Hedo Turkoglu, kaso mula 2nd quarter hanggang 4th, naging dominant ang USA dahil sa magandang dipensa nila. Tulad ng mga nakaraang laro nila, ang nagdala sa kanila ng championship ay teamwork... TEAMWORK NI KEVIN DURANT.
champion picture hugot dito
Yan ang sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa isang interview. Reaksyon nya yan pagkatapos sabihin ni Pres Noynoy na nagpadala ng "insulting letter" ang isang Hong Kong Government Official.
Utang na loob Sen. Defensor-Santiago, wag nyong idamay sa panlalait na nakukuha ng gobryerno ngayon ang LAHAT NG PILIPINO. Kayo ang nagdedesisyon. Pag maganda ang kinalabasan, kayo lang ang pogi, pero pag palpak, lahat tayo panget? Nung presidente si "Erap" at nauso ang Erap Jokes, may nagsabi ba ng "An insult to the Philippine president was an insult to Filipinos."? Nung naging presidente si Gloria Macapagal Arroyo, naligo ng insulto yan. Actually nagswimming sa insulto si Gloria. Mga pangiinsulto galing sa taong bayan, sa ibang senator, at media people. Nung iniinsulto si Gloria, wala namang nagsabi ng "An insult to the Philippine president was an insult to Filipinos." kaya wag kang pauso ngayon Miriam. Kung mga insulto lang din naman ang i-she-share nyo, putek ipagdapot nyo na. Inyong-inyo na yan.
Interesting.
Magkakaron na naman ng show si Willie.
Magkakaron na ulit ng silbi ang MTRCB.
Sabi nga ni Noli de Castro...
Bakit pa mangungupahan pa kung kaya pa magkabahay pa.
Dumadating ang mga panahon na hindi mo alam kung anong dapat gawin. Talagang meron lang mga sitwasyon na hindi kakayaning sarilihin. Sa mga panahong ganito, hindi ka maubusan ng tatakbuhan para sa makabuluhang payo.