Homework

By mgaepals on 09:04

Filed Under:

Dianne: Pa, nasan si Mama?

Papa: Wala pa mama mo 'e. Overtime daw sa office anak.

Dianne: E' anong oras pa makakarating yun! mapupuyat na naman ako...

Papa: Baket?

Dianne: May homework kasi ako sa science, kailangan ko ng tulong ni mama.

Papa: Ay sus, edi ako na tutulong sayo. Sige kunin mo yung homework mo.

Dianne: Wag na papa. Last time na tinulungan mo ako zero yung grade ko 'e.

Papa: 'E math yun. Mahina talaga ako sa math. Sige na kunin mo na yung homework mo.

Dianne: Ok.

Papa: Sige game...

Dianne: Question number one... Baket dinidilaan ng mga pusa ang sarili nila?

Papa: Ahh... Gusto kasi nila ang lasa ng siopao.

Dianne: Baket gusto ng mga paniki sa dilim?

Papa: Hmm... Panget kasi sila.

Dianne: Baket mahaba ang leeg ng giraffe?

Papa: Ahh... Hindi kasi aabot sa ulo nila pag maiksi.

Dianne: Baket mataba ang mga baboy?

Papa: Ahh... Dahil kailangan ang taba nila para may malagay sa dulo ng barbecue.

Dianne: Papa...

Papa: Baket anak?

Dianne: Antayin ko na lang si mama.

Papa: Mabuti pa nga.

0 comments for this post

Post a Comment