Con ng ULAN

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Con (Negative)

Madami ang nilalagnat dahil nauulanan.

Madami ang nagkaka-dengue dahil dumadami ang stagnant water
na punamumugaran ng lamok.

Traffic dahil nababawasan ang pwedeng daanan dulot ng baha

Nagkakaputik yung likod ng binti mo pag naglalakad kang nakatsinelas.

nahihirapan magmukang astig ang mga lalake dahil may dala payong.
(Badtrip pa kung mahilig ang mga tao sa bahay nyo sa floral.)

Walang magamit na planggana dahil pinangsasalo ng tubig na 
tumutulo galing sa butas ng bubong
 
 Walang magamit na timba dahil puno na ang planggana.

Walang magamit na kaldero dahil puno na ang planggana at timba.

Walang magamit na tabo dahil puno na ang planggana, timba, at kaldero.

Walang magamit na baso dahil puno na ang planggana, timba, kaldero, at tabo.

Wala magamit na kahit ano, dahil tinangay na ng baha.

0 comments for this post

Post a Comment