Kung alam mo sa sarili mo na ginawa mo na lahat at wala paring nangyayare, baka panahon na para magkanya-kanya kayo ng landas. Minsan, ang nasirang relasyon ay parang nabasag na salamin. Mas mabuti pang itapon na, kesa masugat ka ng bubog sa pag-pilit na ayusin ito.
Tanungin mo ang sarili mo. Masasabi mo bang nagawa mo na lahat para maayos ang relasyon nyo? Kung ang sagot ay "Oo", at walang pagbabago, wag ka nang magpakabobo.
Naging palaisipan na sa pagkahaba-habang panahon sa modernong mundo kung alin nga ba ang nauna, Itlog o Manok? Mula America, Russia, Istanbul, hanggang Sweden at maging sa Makati, alam nang lahat ang palaisipan na yan. Nanggaling kase ang itlog sa manok, pero nanggaling din ang manok sa itlog. Ayon sa beteranong komidyante at writer na si "Brad Pit" nauna ang itlog dahil unang ginawa ng Diyos si Adan. May punto nga naman ang dahilan ni "Brad Pit" pero naisip namin na si Adan ay may manok din. Kaya bumabalik parin ang tanong kung alin ang nauna... itlog o manok?
Gusto din namin malaman kung ano ang mas napupusuan na sagot ng mga Pilipino, kaya makakatulong ang boto mo sa walang kwentang survey na 'to.
End of voting and survey results will be posted on August 7, 2010.
Capricorn: Magiging tomboy ang girlfriend mo. Ok lang dahil magiging bading ka naman.
Virgo: Palalayasin ka ng misis mo dahil pinagbibintangan ka nyang nambababae kahit hindi naman totoo. Titira ka sa girlfriend mo.
Scorpio: Uulanin ka ng swerte. Magdala ng payong.
Taurus: Makakakita ka ng robot na nakasakay sa dragon. Tigilan mo na yang pagsinghot ng rugby.
"Ang buhay ng tao ay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba, minsan iniihian." -MgaEpal.com
Jay: Tsong, ba't hanggang ngayon wala kang shota? Wala ka bang natitipuhan?
Paul: Meron. Kaso manhid ka.
Kaya ano pang inaantay mo? Magpakasosyal ka na!
Aakyat din kami ng bundok, kukuha din kami ng libreng tubig doon, at ibebenta din namin ito ng 60 pesos sa mga gustong maging sosyal. O kaya ibebenta namin ito ng 61 pesos para mas sosyal. At parang "Evian", mag-iisip din kami ng pangalan para dito, na kapag binaliktad mo ang pagbasa, makikita mong yun ang tawag sa mga bumibili nito. Tatawagin namin itong "Otu-otu" o kaya "Ogag", o kaya "Obob", pwede ding "Laysosap".
Kung may ginawa kang iba sa mga oras nung SONA, o nakalimutan mo na may SONA, o wala kang TV, eto, magtiyaga ka sa Youtube videos.
Binanggit ni Noynoy ang mga issue ng "anomaliya" sa ilang mga sangay ng pamahalaan at kung ng paraan ng pagpapatakbo nito. Ang resulta ngayon, ay nagreact ang mga taong involved sa mga nabanggit na issues at naging defensive. May mga nagdeny at may mga nagpasa ng responsibilidad sa mga pagkakamali na naungkat. Ang ibang government agency na binatikos ay nagturo ng ibang sangay ng pamahalaan para sisihin.
Sinasabi ng iba na hindi mabuti ang magiging epekto ng ganitong pagbabatikos dahil mag-aaway ang mga government agency. Sa tingin namin, mas mabuti pa ngang mag-away sila para sila mismo ang magbantayan sa pangungurakot. Mas madali mangurakot kung magkakakonchaba ang mga government agency, kaya kung sila ang magsisisihan, hindi sila MASYADONG magnanakaw dahil isusumbong sila nung ibang agency. Kuha mo? Imbis na taong bayan lang ang nagbabantay, mas magiging mapanuri ang mga government agency laban sa katiwalian ng ibang agency para hindi sila ang sisihin kapag may anomaliya. Tama na, dapat naintindihan mo na yon dahil masyado nang redundant.
Nasabi namin na success ang unang SONA ni Noynoy dahil...
- Hindi sya nasupalpal ng taong bayan.
- Karamihan ng may angal ay gumagawa ngayon ng hakbang para malinis ang sistema ng government agency na kanilang kinabibilangan.
- Napanatili o napalakas ang tiwala ng taong bayan kay Noynoy.
- Bagong gupit at maayos ang buhok ni Noynoy ngayon.
Maayos na pamilya
Kaibigan
Kalusugan
Pagmamahal
Pera
Ari-arian
Pahirap sa buhay:
Problema sa pamilya
Nasira na relasyon
Stress sa trabaho
Sakit
Pakikipagsiksikan sa LRT/MRT
Kakulangan sa pera
"Kung meron kang yaman, mayaman ka. Hangga't nahihirapan ka, mahirap ka."
Epal: Kaya pala hindi kita makita, nagtatago ka dito sa usok ng barbeque-han ha. Libre ka naman.
Mas Epal: Wala. Sakto lang 'to para saken.
Epal: Ilan ba binli mo?
Mas Epal: Anim.
Epal: Andamot mo naman! Anim sayo lang? Hindi mo man lang ako malibre ng isa?!
Mas Epal: Gutom ako 'e. Hindi pa kasi ako naghahapunan.
Epal: Malamang! 3 palang ng hapon e'!
Mas Epal: Sa susunod na kita libre...
Epal: Eto... pag umaalis tayo sagot ko pang-gas ng kotse, nililibre pa kita minsan ng miryenda tapos isang barbeque lang hindi mo ako mapagbigyan? Sige ganito nalang, pag nasagot mo ng tama etong mga tanong ko hindi nako papalibre.
Mas Epal: Anong klaseng tanong?
Epal: Basta madali lang. Walang kinalaman sa history, math, at science.
Mas Epal: Ok, game. Ilang tanong ba?
Epal: Teka, pero pag may maling sagot ka, sakin na yung isang barbeque mo. Apat na tanong lang.
Mas Epal: Basta pag mahirap yung tan0ng, hindi counted yun ha.
Epal: Oo, sige. Ok game na... Ano ang tawag sa karneng nakatuhog?
Mas Epal: Edi barbeque.
Epal: O' may isang tama ka na. Sabi sayo madali lang diba. Second question... Ano ang tawag sa kamoteng nakatuhog?
Mas Epal: Edi kamoteque.
Epal: Ah alam mo pala yung kamotecue ha. Ok, dalawang tanong nalang... Ano ang tawag sa saging na nakatuhog?
Mas Epal: Edi bananaque.
Epal: Sige, last question... Ano naman ang tawag sa kabayong nakatuhog?
Mas Epal: Edi... horseque?
Epal: Gago, merry-go-round. Sige uwi nako, Salamat dito sa barbecue ha. Next time ulit.
Mas Epal: Fuckcue...
Ang magmura sa P.I. (Philippine Islands) ay P.I. din (P*tang I*a)
Nakatungtong ka lang ng America, ini-expect mo nang sasambahin ka ng Pilipino? Bangag ka ba? Baka gusto mong makarate chop sa kili-kili.
Base sa video na 'to, mukang mas malakas ang droga sa America.
Babae: E' kung digicam ang gamit? Ano yun, para ma-save tayo? Tapos pwede pang i-delete!
Lalake: Pwede ba kita maging driver? Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko.
Babae: Ah driver pala ang nagpapatakbo ng buhay mo. E' gago ka pala e'.
Lalake: Pinaglihi ka ba sa keyboard? Kasi type kita.
Babae: Oo dun ako pinaglihi, dahil kumain ng keyboard ang nanay ko nung pinagbubuntis nya ako? Abnoy!
Lalake: Me lisensya ka ba? Coz you're driving me crazy eh.
Babae: Baket, kotse ka ba?
Lalake: I'm a bee. Can you be my honey?
Babae: Tarantado ka, gusto mo akong sipsipin at idura ulit para kainin ng mga alagad ng reyna nyo?! Bee mo muka mo!
Lalake: Bangin ka ba? Nahuhulog kasi ako sa'yo.
Babae: Hindi, tao ako. Pero may malapit na bangin dito dun ka mahulog.
Lalake: Pustiso ka ba? Kasi, can't smile without you.
Babae: Bungal!
Lalake: Hey, did you fart? Coz you blew me away!
Babae: Oo utot ko lang yun, kaya tantanan mo nako.
Lalake: Ako ay isang exam kaya sagutin mo na ako.
Babae: Sorry bobo ako, kaya kung exam ka, ibabagsak kita ulol.
Lalake: Mahilig ka ba sa asukal? Ang tamis kasi ng mga ngiti mo.
Babae: Baket, ikaw ba mahilig ka sa mais kaya corny yang mga linya mo?
Pero ang legal age para tumakbo bilang presidente ay 40? Wow batang-bata.
Sa November 13, si Antonio Margarito ang makakalaban ni Manny para sa pang-walong division tittle ni "Congressman Pacquiao" kung nagkataon. Second choice lang si Margarito para makalaban ni Pacquiao pero may malaking potensyal na maging exiting ang suntukan. Matagal-tagal na ding hindi nakakaharap si Manny ng palaban na boksingero. Ang huling dalawang kasuntukan ni "Congressman Kamao" laban kay Cotto at Clottey ay naging offense vs. defense kung saan mukang nagtraining lang si Cotto at Clottey sa pagsalag ng suntok. Kung magiging totoo si Antonio Margarito sa sariling boxing style nya, baka makakita tayo ng matinding basagan ng muka. Kilala si Margarito na offensive fighter, pero baka dahil mas malakas ang loob nya noon umatake nung bago sya mahulihan ng plaster sa gloves (Ang plaster ay nagsisilbing viagra para sa gloves. Nagpapatigas.)
Kutob namin na ang susunod na laban ni Pacquiao ay magiging timbangan ni Mayweather sa pagdidisisyon kung papalagan nya ba ang hamon para labanan si Manny. Hamon na hindi na lang nanggagaling sa kampo ni Pacquiao. Hamon na hindi na lang nanggagaling sa mga Pilipino. Kundi hamon na sinisigaw na ng buong mundo. Pero sa November 13, 2010, balik Meksikano muna tayo.
Kapag ESPN na ang tumawag sayo ng duwag, wala ka nang palag, dahil alam nila LAHAT.
ESPN: "Extrasensory Perception Network"
Patawarin natin si Snoop Dogg dahil hindi nya mapigilan na kumampi kay Mayweather dahil si Snoop ay "Dogg" (Aso) at si Mayweather ay "Bitch" (Babaeng aso)... at hindi sya ESPN.
Gumamit ng baso pag nagsisipilyo para hindi tuloy-tuloy ang tubig sa gripo.
Mag wax nalang ng kotse para hindi mapadalas ang carwash.
Tumayo sa planggana kapag naliligo para maipon ang pinagliguan at gamiting pangbuhos sa inodoro.
Ipangdilig ang tubig na pinaghugasan ng bigas.
Prituhin nalang ang bigas.
Soft drinks ang ipangligo.
Wag muna magrally ang mga aktibista para hindi muna magbomba ng tubig ang mga pulis.
Papakin nalang ang kape.
Ilipat ang mga nimbus clouds sa ibabaw ng Angat dam para dun maipon ang tubig ulan.
Sa araw-araw na naki-friendster, naki-facebook, naki-email, o naki-textmate ka, malabong hindi ka pa nakatanggap ng chain letter. Ito yung mga messages na may kasamang, compelling na kwento, o sulat na naguutos sayo na gumawa ng kung anu-anong bagay (mag-orasyon, banggitin ang isang salita ng paulit-ulit, o magdasal) para swertehin ka DAW. Kadalasan, sa dulo ng mga messages na 'to, uutusan ka na i-send ang message na yun sa ibang tao. Madami ang nauuto sa kagaguhan ng chain letters dahil madami ang may gustong swertehin, at kadalasan ang mga chain letters ay may banta sa dulo na kapag hindi mo daw ito i-send sa ibang tao, mamalasin ka.
Kami sa MgaEpal.com ay hindi naniniwala sa kabobohang chain letters, pero kung trip mong magpauto sa isang basura sa inbox mo, ikaw ang bahala, kanya-kanyang trip yan. Madali din naman kaming maapektohan ng mga banta na hango sa superstitions o kahit nga walang basehan, kaya sa umpisa pa lang, kapag may kutob kaming chain letter ang isang message, naging ugali na naming wag tapusin ang pagbabasa sa sulat. Pero sabi nga namin, kanya-kanyang trip yan, kaya pagtitripan na din namin ang mga naniniwala sa chain letters...
I-send mo itong message na 'to sa isang uto-uto na kakilala mo at kumain ka ng 7 na fishball, tapos humiling ka ng kahit ano. Matutupad ang wish mo. Kapag hindi mo ito ginawa, magkakaron ka ng sumpa at ikaw ay magiging emo.
Magrepresent ng mgs tricycle drivers at security guards? Muka bang may tiyagang magmaneho ng tricycle yang bochog na yan? At muka bang naiintindihan nyang "action star" na yan kung pano maging sikyo na walong oras nagbabantay, nagbubukas ng pinto, nagche-check ng bag, at nangungulit kung may I.D. ka ba? Ang tricycle driver, dadalhin ka sa pupuntahan mo, at hindi sya ang magliligaw sayo. At ang security guard, kakapkapan ka, pero itong humpty dumpty na 'to, mukang sya pa ang dapat kapkapan. Kung ano man ang agenda ni Mikey sa pag-eksena nya sa posisyon na yan, at kung may kagaguhan man na maganap, ang Commission On Election ang dapat sisihin.
Hindi lang namin napansin na oras na pala para mag-gaguhan.
For a softer touch they told me to use some lotion
When I'm alone and I can't get some action
A handful of lotion will accompany an erection
For my dilemma I always use a tissue
Cleaning and wiping off all the slimy goo
Ladies in thongs, or just their birthday suits again
Now all I need is some lotion, some tissue, and my FHM
May mga tao na umuunlad ang kabuhayan sa pamamagitan ng pag-gamit ng kanilang kaalaman na hango sa mga libro. Nandjan ang mga "professionals" (Doktor, lawyer, nurses, teachers, etc.) na malaki ang nagiging impact ng kanilang natutunan sa libro sa kanilang napiling karera. Kadalasang book smarts ang mga taong 'to mula nung estudyante pa lang sila hanggang sa kasalukuyan. Pero may mga tao din na hindi gaano kahusay academically o hindi masyado umasa sa mga libro pero napaangat ang estado ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pag-gamit sa mga bagay na iprinisinta sakanya ng pagkakataon. Ang mga taong ito ay madiskarte at magaling mag-manipulate ng sitwasyon para sa kanilang pag-unlad.
Para mas maging malinaw ang paghimay natin sa book smarts at street smarts gumamit tayo ng isang halimbawa...
Si President Noynoy Aquino ay book smart dahil pinag-aralan nya ang batas na aprubado at naisulat sa constitution. Sa tulong ng kanyang mga advisers, naipiprisinta sakanya ang mga bagay na kailangan nyang basahin at intindihin para maging karapat-dapat sya sa sini-sweldo nyang 95,000 pesos a month. Si Gloria Macapagal Arroyo naman ay street smart, dahil kahit 57,750 pesos lang ang sweldo nya nuon bilang presidente, kumamig naman sya ng milyon-milyon na "incentives" gamit ang "diskarte".
"Kulturantado", "Bunso", at "Boss Chip" pagkagaling sa bahay ni "Bunso" dumerestso sa SM Centerpoint. CR daw muna...
Pagpasok ng CR nagkanya-kanyang direksyon ang punta. Si "Bunso", umihi sa urinal. Si "Boss Chip", naghugas ng kamay sa lababo. Si "Kulturantado" umihi sa loob ng cubicle. Dahil si "Boss Chip" lang ang hindi busy sa pag-ihi, sya lang ang nakakita sa paglapit ng isang janitor sa isa pang janitor na nagbabanlaw ng mop.
Biglang nagsalita ang janitor na lumapit, at dahil tahimik sa loob ng CR, kahit umiihi pa ang dalawa, maririnig din ni "Bunso", at "Kulturantado" ang sasabihin nung janitor... magjo-joke pala si loko.
Janitor 1: May dalawang magkaibigan, tapos tinanong nung isa yung isa... "Brad, bading ka ba?"
Karugtong ng joke ni Janitor 1: Sumagot yung isa... "Sa tagal nating magkaibigan, pinaghihinalaan mo pako?". Tapos sabi nung isa, "E' may mga nagsasabi kasing bading ka daw."
One, little two, little three macarena
Four, little five, little six macarena
Seven, little eight, little nine macarena
Teeeen ma-carena!
"Mas maganda tingnan ang pagtubo ng halaman na tinali at sapilitang hinubog ang mga tangkay, pero mas nagbubunga ang halaman na lumago ng malaya." -MgaEpal.com
Hayup naman, kung kailan tag-ulan ngayon pa kakapusin at nawawalan ng tubig hanggang anim na oras araw-araw. Ayaw naming mang-akusa pero paki check nga kung anong mga area ang madalas mawalan ng tubig at kung sinong politiko ang madaming water refilling stations sa mga area na yan. Kapag walang tubig, madami ang hndi nakakaligo, pwes magkalabasan na tayo ng baho.
Kung ang magulang ng asawa mo ay mother-in-law at father-in-law mo, at brother-in-law o sister-in-law mo ang kapatid ng asawa mo, at kapatid nila ang asawa mo, edi ibig sabihin siblings-in-law kayo ng asawa mo. Kung naghoneymoon kayo ng asawa mo at siblings-in-law kayo, edi incest-in-law ang ginawa nyo.
Dear Kuya Chico,
Itago mo nalang ako sa pangalang Nestor. Sa murang edad ko ngayon na 18 years old, masasabi kong mas malawak pa ang aking karanasan sa buhay kumpara sa mga 19 years old. Noong 4 years old ako ay nagtrabaho na ako bilang magbobote para masuportahan ang pagpasok ko sa daycare center, at hanggang ngayon na nasa kolehiyo na ako, sariling kayod parin ako para sa tuition fee ko. Madami na akong napasukang trabaho. Nandyan na ang pagiging karpintero, masahista, kargador, event organizer, at mascot. Pero masasabi kong ang trabaho ko ngayon ang pinaka nagustuhan ko. Isa ako ngayong manghuhula sa Quiapo. Sa umaga ay pumapasok ako sa school at sa gabi naman ay dumideretso na ako sa Quiapo. Masaya ako sa trabaho ko ngayon dahil wala akong boss, hawak ko ang oras ko, at pag ayaw kong pumasok, pwede. Isang cold summer night, tahimik akong nanghuhula sa pwesto ko sa Quiapo nang biglang...
May tumambling papunta sa pwesto ko. Nagpakilala sya bilang si Waldo. Isang matabang lalake na mukang kontra bida pero adorable. Hinihingian nya ako ng tong. Kung ayaw ko daw mawalan ng pwesto sa Quiapo, kailangan ko daw magbigay ng 12 pesos sa bawat customer na magpapahula sa akin. Kwinenta ko ang lahat. Normal na 5 hanggang 7 na customer ang nagpapahula sa akin araw-araw, at sa 12 pesos kada customer, 60 pesos hanggang lagpas 60 pesos ang ibibigay kong tong araw-araw. Halos 21,900 pesos yun sa loob ng isang taon! Dagdag pangkain ko na yun. Pangbili ko na ng bagong uniform yun. At maraming iced green tea latte na din yun. Kaya tumanggi ako kay Waldo. Tumawad ako na baka pwedeng 11 pesos nalang ang ibigay ko per customer na magpapahula. Pero naging mahigpit si Waldo at sinabi nyang hanggang 11.50 pesos lang daw ang tawad. Dahil hindi kami magkasundo ni Waldo, kinapitan nya ang kwelyo ng sando ko at pinitik nya ako sa balikat. Sa susunod daw na magmatigas ako, hindi lang daw yun ang aabutin ko. Nanginginig ako sa takot na tumakbo at iniwan ko na ang cutomer ko nun kahit hindi ko pa sya tapos hulaan. Apat na araw na ang nakalipas mula nung huling punta ko sa Quiapo, at iniisip ko kung papayag nalang ba ako sa hinihinging 11.50 pesos na tong dahil maskit pumitik si Waldo. Hindi ko naman alam kung kanino ako pwedeng humingi ng tulong. Gusto ko sanang magsumbong kay Ben Tulfo kaso hindi ko alam ang number nya. Kung pwede Kuya Chico ay ikaw nalang ang maghanap ng number nya sa google dahil hindi ko talaga makita. Kahit email address lang ni Tufo ok na. Sana ay mapadala mo ang contact number ni Ben Tulfo sa akin bago umalis yung customer na iniwan ko sa Quiapo para matapos ko na ang panghuhula sakanya at makuha ko ang bayad nya.
Lubos na gumagalang,
Nestor
Title: "Hula"
riiiiiing... riiiiiiiing... riiiiiiiiing
Emma: Hello...
Miguel: Hello, pwede makausap si Emma?
Emma: Miguel?
Miguel: O' Emma, ikaw na pala yan. Sunduin na kita ha, gusto ko kasing i-celebrate na sinagot mo na ako kahapon. Sa wakas girlfriend na kita. Daanan kita jan mga 8pm.
Emma: Miguel, ano kasi... ahh...
Miguel: O' baket?
Emma: Hindi, next time ko nalang sabihin, baka may kasama ka jan, mas gusto ko pag...
Miguel: Wala. Wala akong kasama ngayon. Lumabas sila ermat at erpat, nag-grocery. Sabihin mo na kung anong sasabihin mo.
Emma: Diba nung tinanong mo ako kung sinasagot na kita, sabi ko "oo". Eh kasi pinapalitan ko na ang sagot ko. Sorry pero hindi pala.
Miguel: Ha?! Grabe ka naman Emma... tsk... kung anong saya ko kanina, sobrang nadurog naman ang puso ko ngayon.
Emma: Umiiyak ka ba?
Miguel: Sino bang hindi mapapa-iyak sa ginawa mo....
"pooot"
Emma: Utot yun ah... umutot ka?
Miguel: Ha? Hindi ako yon.
Emma: 'E sabi mo wala kang kasama jan, sino yun?
Miguel: Binasted moko, nagpalit ka ng sagot mo. Pwes magpapalit din ako ng sagot ko, may kasama ako dito, basta hindi ako yung umutot. Sige na babay! I hate you!
Naubos na nga ang oras sa timer ng promoter ni Manny Pacquiao na si Bob Arum para sagutin ni Floyd Mayweather ang hamon na ituloy ang pinaka-aabangan at pinaka mayaman na laban sa history ng boxing. Pagkatapos pumayag ni Manny sa bullshit na request ni Mayweather para sa Olympic style blood testing, ayaw parin labanan ni Floyd si Manny?
Dear Floyd Mayweather Jr.,
Fuck you.
Sincerely yours,
MgaEpal.com
Charmaine: Hoy Greg! Parang ngayon ka lang nakakita ng naka-miniskirt ah! Kung makatitig ka saken parang hnuhubaran mo nako sa utak mo!
Greg: Edi gumanti ka, hubaran mo din ako sa utak mo.
Charmaine: Hindi na! Kadiri ka! So tama ako, hinuhubaran mo nga ako sa utak mo kanina pa, manyak!
Greg: Hoy babae, mabilis ako mag-isip! Sa utak ko, binibihisan na kita ulit ngayon. Kaya wag kang maingay dahil hindi ako makapag- concentrate! Gusto mo bang maiwan kang nakahubad ka sa utak ko? Ano???
Kung maganda /gwapo ka:
"Ok lang yun, madami pang iba yan. Makakakita ka pa."
Pero pag panget ka:
"Pabayaan mo na yun, everything happens for a reason."
Pancho: Mas magaling kaming mga lalake dahil kaya naming tiisin ang sakit ng tuli.
Mila: Mas magaling kaming mga babae dahil kaya namin tiisin ang sakit ng panganganak.
Pancho: Mas magaling kaming mga lalake dahil mas madami ang lumaban sa amin para sa kalayaan.
Mila: Mas magaling kaming mga babae dahil Inang Bayan ang pinaglaban at babae ang isang "Ina".
Pancho: Mas magaling kaming mga lalake dahil natitiis namin ang mga kaartehan ng mga babae!
Mila: Mas magaling kaming mga babae dahil natitiis namin ang mga kababuyan ninyong mga lalake!
Pancho: Mas magaling kaming mga lalake dahil kaya naming umihi sa isang inodoro sabay-sabay!
Mila: Mas magaling kaming mga babae dahil hindi kami umiihi sa isang inodoro sabay-sabay dahil kadiri yon!
Pancho: Mas magaling kaming mga lalake dahil 2 heads are better than one.
Mila: Letche wala namang kwenta yung isang head nyo!
Pancho: Aba may kwenta yun dahil dun lumalabas ang ihi, at ang panget naman kung walang ulo yun!
Mila: Gago yung totoong head ng mga lalake ang sinasabi kong walang kwenta dahil wala naman lamang utak!
Pancho: Hoooy, may utak kami, hindi lang namin ginagamit!!!
Kung dinala ka ng tadhana para mapanuod itong video na 'to, hindi ka mahal ni Lord.
Mga Pilipino nga naman, makarinig lang ng nag-i-english tingin nila matalino na yung taong yon. Magpapakahirap mag-english, kahit hindi sanay para lang magmukang matalino din. Baket, sa tingin mo ba matalino LAHAT ng Americano? Ulul!
Hindi naman masama mag-english, wag mo lang tingalain ang utak ng nag-i-english, dahil ang karunungan ay pwedeng iprisinta ng iba't-ibang lingguahe at ang kamangmangan na idilohiya ay maaari ding sabihin in english.
Isang araw, habang nanunuod ng TV ang isang ermitanyo, aksidenteng nailipat nya sa Disney Channel. Kasalukuyang "Hannah Montana" ang palabas. Napikon ang elmitanyo dahil hindi nya maintindihan kung baket hindi alam ng mga kaklase nung bida na iisang tao lang si Miley Stewart at Hannah Montana na parehong ginagampanan ni Miley Cyrus gayong ang pinagkaiba lang ng itsura nila ay buhok. Dahil sa galit ng ermitanyo, sinumpa nya si Miley Cyrus, na pagdating ng takdang panahon, sya ay magiging isang... "Britney Spears". The End.
Hindi naman star, hindi naman fish.
Baket naging "Butterfly"?
Hindi naman butter, hindi naman fly.
Baket naging "Eggplant"?
Hindi naman egg, hindi naman plant.
Baket naging "Toothpaste"?
Hindi naman tooth, hindi naman paste.
Baket naging "Seahorse"?
Hindi naman Vice, hindi naman Ganda.
Epal: Huy!
Mas Epal: Nakakagulat ka naman!
Epal: 'E ang labo ng itsura mo, concentrate na concentrate ka jan sa ginagawa mo.
Mas Epal: May hinahanap lang ako. Booyset na chocolate 'to tatlong balot na nabubuksan ko wala parin.
Epal: Ano bang hinahanap mo?
Mas Epal: Magtitimpla kase ako ng juice, e' wala na palang asukal. Hinahanap ko yung libreng asukal, nakalagay sa balot "Sugar free" daw wala naman!
Epal: Ah gago ka.
Mas Epal: Ano? Baket?
Epal: Hindi wala, sige hanap ka lang jan.
Napansin mo ba na kadalasan, ang middle child (gitna sa magkakapatid) ay ang nagiging sakit sa ulo ng mga magulang? Hindi naman lagi, pero kadalasan. Sa apat na authors ng MgaEpal.com, tatlo ang middle child. Si "Boss Chip", "Kulturantado", at "Manong Guard" ay nagkataong pare-parehong gitna sa tatlong magkakapatid at nagpapatunay sa theory ng "Middle child syndrome".
Ang middle child syndrome ay nangyayari sa mga middle child syempre (Pangalawa sa tatlo. Pangatlo sa lima. Pang-apat sa pito... kuha mo na?) Nagkakaron ng konting "identity crisis" ang mga middle child dahil sinasabihan sila na maging mabuting "follower" at gayahin ang mga mabuting bagay na ginagawa ng ate o kuya nya, pero sinasabihan din sya na maging mabuting "leader" at maging mabuting example sa nakababatang kapatid. Kapag nag-aaway naman, sasabihan sila na "Wag kang lalaban sa ate/kuya mo, mas matanda sya sayo." pero sasabihan din ng "Wag mong papatulan ang kapatid mo, mas bata sya sayo kaya intindihin mo.) Dahil dito, mas nagiging mapusok at nagkakaron ng "Bahala na mentality" ang mga middle child sa kagustuhan na gumawa ng sariling identity. Pero kahit na madalas maging sakit ng ulo / "black sheep" ang mga middle child, may positibong epekto din ito sa kanilang character building.
Kadalasan mas magaling umunawa ang mga middle child dahil natututo silang makisama sa mas matanda at mas bata sakanila. Mas natututo ng ibang bagay ang mga middle child dahil nga mas madami silang sinusubukang magawa. Mas understanding ang mga middle child dahil alam nya kung pano maging "follower" at "leader". At higit sa lahat, kadalasan, sobrang talino at madiskarte ng mga middle child dahil middle child si "Boss Chip", "Kulturantado", at "Manong Guard" (Si "Bunso" umaapila. Middle child nalang din daw sya.)
Ironic Trivia: Ang author ng MgaEpal.com na nakilala nyo bilang si "Bunso" ay panganay sa kanilang pamilya.
Wag naman ganyan brad, nagdidilim ang paningin ng taong bayan sayo.
Nagdidilim. Sobrang dilim. Ang dilim dilim.
Aalm mo ba na kaiht ibaihn ang aoys ng letetrs ng ibang sailta, kaya pairn ito maindintihan ng uatk naitn. Ayon sa rseearch sa Cmabrigde Uinervtisy kaya pairn baisahn ng mata naitn ang ibang sailta kaiht mgaulo ang aoys ng letetrs btasa nasa tmanag puewtso ang una at hluing letetrs daihl pag may bibanasa ang uatk niatn hidni ito nabgaabsa ng paisa-iasng letetr. Ang bibanasa ng uatk ay ang boung sailta.
I-print ng wallet size ang image na nakalink sa baba. Dalhin lagi ang picture ng image na pinalaminate, at sa susunod natatakam kang kumain kahit hindi ka naman gutom, ilabas mo ang picture na pinalaminate at titigan ng 5 seconds.
Warning: Masyadong effective magpawala ng gana kumain. Wag mo nang i-click.
Kung malakas ang loob mo at balak mong i-click, kumain ka na muna.
IMAGE NA PANG-DIET
(Seryoso, kumain ka na muna.)
Sige magmalinis ka, kunyari hindi mo naintindihan.
Ang isang professional, praktisado pati palusot.
Tatak...tatok...tatak MgaEpal.com
"Para!........... Mama para, sa tabi lang.......... Boss sa tabi lang!.......... Para! Sa tabi lang! ............. Hoy! Bingi ka ba?!"
"Hinde! Ikaw, bulag ka ba? Hindi mo ba nababasa?!"
"E tarantado ka pala 'e! Pagti-tripan mo pako?! Baka gusto mong masaktan!"
""Akala mo natatakot ako sayo?!"
"Bumaba ka tara suntukan na lang?!! Itigil mo 'tong jeep!"
"Sige, pero... sigaw ka muna ng darna..."
"Kung pareho naman kayong marunong magtagalog ng kausap mo, baket kailangan nyo pang mag-english? Lalakasan nyo pa ang boses nyo para marinig ng iba, ano yan pasiklab? Pakiramdam nyo sikat na kayo pag nag-i-english kayo? Dapat ba magpa-autograph na ang mga nakakarinig ng pag-uusap nyo? Pangpacool ba yan? So cool na kayo nyan? Wow cooool." -MgaEpal.com
Para sa patas na karapatan lang, hindi ba panahon na para magkaroon ng sariling CR ang mga bading? Kawawa naman yung mga bakla na naiilang tuwing papasok sila sa public toilet. Kami dito sa MgaEpal.com ay kilala sa paminsan-minsan na hirit at punchline sa kabadingan, pero sa maniwala kayo o hindi, sinusuportahan namin ang pagkapantay-pantay na karapatan ng lahat. Hindi kami babanat ng ANTI-gay posts dito dahil hindi kami tulad ng mga extremist na moralista at ayaw naming maging ignorante. Kahit hiritan namin ang mga bagay na kabadingan, hangga't maaari sinusubukan naming maging pangkatuwaan at based on observation ang banat, na kahit ang mga bading na magbabasa ay hindi pepersonalin ang hirit. Naisip namin na dapat nga talaga magkaron ng sariling CR ang mga bakla dahil alam naman natin ang stereotypical na tingin at reaksyon ng mga lalake pag may bading sa CR, at mapapansin mo minsan na naiilang din ang mga bakla.
"Comfort room" ang tawag, hindi ba dapat comfortable lahat?
"Unang-una, gusto ko pong pasalamatan ang Diyos, dahil kung wala sya, hindi ito mangyayare."
"I would like to thank God for this win!"
"Bago ang lahat, gusto ko po muna magpasalamat kay Lord."
"1st of all, thank you God for blessing me with the win."
Kung magpapasalamat ka kay Lord sa panalong kaduda-duda, linawin mo lang.
"Lord, thanks for making me a recording artist in a recording company that gives out awards to their own talents. Salamat Lord sa mga walang kwentang awards na ganito."
"I would like to thank, 1st of all, God. Salamat sa Diyos dahil mas madami kaming kakilalang mayaman na bumili ng ticket para manalo ako dito sa "beauty contest" na ito."
8:37 PM... Sa kubeta...
Gaston: Ano ready na kayo?
Brando: Oo, wala nang atrasan 'to...
Delfin: I was born ready.
Tonyo: Alam nyo, boy scout ako nung bata ako, kaya lagi akong handa. Naaalala ko nga noon nagcamping kami tapos...
Delfin: Oo na, putik magkukwento pa, sige na ikaw na ang pinaka ready na tao sa mundo!
Tonyo: Sungit naman nito.
Gaston: Tama na yan, malapit na mag 9:00PM. Alam nyo na ang gagawin ha. Pag dating nung jail guard susunggaban natin. Brando, hawakan mo agad yung dalawang kamay para hindi makabunot ng baril. Delfin, Takpan mo yung bibig para hindi sya makasigaw. Ako, paamuyin ko ng pampatulog para makuha natin ng tahimik yung susi ng rehas sa harap. Hangga't maaari, wag nyong sasaktan yung jail guard.
Tonyo: Teka. Pano ako? anong gagawin ko?
Gaston: Wala. Baka pumalpak na naman 'to dahil sayo. Tumabi ka lang jan at manahimik.
Brando: Malapit na mag 9:00PM magche-check na ng C.R. yung jail guard. Sige na, tago na tayo.
9:30PM...
Gaston: Baka tinamad magcheck ng kubeta ngayon.
Tonyo: Baka nagcheck na, hindi lang natin napansin.
Brando: Gago ka ba? Apat tayo dito, panong walang makakapansin. Syempre pagpumasok yun... leche ayoko mag-explain sayo.
Tonyo: Baka lang naman...
Gaston: Antay pa tayo, baka na-late lang.
Brando: Sakit na ng binti ko dito, kanina pa tayo nakatago, namimitig na yung paa ko.
Delfin: Mabuti pa ganito, gumawa tayo ng setup para mapapunta yung jail guard dito sa CR.
Brando: Pano?
Gaston: Alam ko na. Si Tonyo wala namang gagawin diba? Tonyo, punta ka sa harap, kausapin mo yung jail guard. Mag-imbento ka ng kwento para mapapunta sya dito sa kubeta.
Tonyo: Anong sasabihin ko???
Brando: Ikaw na bahala. Basta yung siguradong pupunta sya dito.
Tonyo: Alam ko na... sige, sige, ako bahala. Punta na ako dun.
Delfin: Oo nga! Kanina pa tayo dito, inaantok na nga ako.
Brando: Teka! Shhhh! May dumadating. Tago!
Tonyo: Ako 'to ako 'to... si Tonyo 'to, wag nyo ako sunggaban...
Delfin: O' ano na?! Asan yung jail guard???
Tonyo: Ayaw pumunta 'e...
Gaston: Diba sabi namin magimbento ka ng kwento na siguradong mapapapunta sya dito!
Tonyo: Yun nga e'! Sinabi ko na nga yung akala kong hindi nya matatanggihan na puntahan! Pero wala, hindi umubra! Hindi siguro nanunuod ng TV yung gagong yun!
Brando: Anong kinalaman ng TV???
Tonyo: Sabi ko may autograph signing dito sa CR ng mag-love team. E' kinanginang yan hindi nya kilala yung Kimerald! Tapos sinabi ko na ibang love team pala yung nandito sa CR, si Bea at John Lloyd, ayaw parin maniwala!
Delfin: Tarantado ka talaga!!! Sira ulo ka, talagang hindi maniniwala yun!
Tonyo: Ahhh Oo nga 'no! Sorry! Ang tanga-tanga ko!... Shaina at John Lloyd na nga pala ngayon.
Gaston: Booyset! Retarded ka gago!
The laser na mata of a Warrior.
The kumikislap na background of a Bulldog.
The umiilaw na sungay of a Tamaraw.
The nagpagpag ng alikabok na pakpak of an Eagle.
The kumikinang na maskara of a Maroon.
The contact lens of a Tiger.
The kidlat effect of a Falcon.
The umaapoy na pana of an Archer.
UAAP season 73
Simula na ng paingayan ng cheering squad.
Sabi ng ilang mga researchers, ang health benefits ng pag-inom ng beer ay katulad din ng health benefits ng pag-inom ng wine. Lumalabas daw sa mga pag-aaral na ang mga babaeng umiinom ng isang bote ng beer at mga lalakeng umiinom ng hanggang dalawang bote ng beer araw-araw ay napapababa ang posibilidad na ma-stroke.
Kung hanggang dalawang bote lang naman daw ang iinumin araw-araw, ang posibilidad na ma-stroke ay bumababa ng hanggang 20% at 30% hanggang 40% na nagiging mas mababa ang posibilidad ng coronary heart disease kumpara sa taong hindi umiinom ng beer.
Sagot namin kayo sa misis nyo hanggang sa pangalawang bote. Sa pangatlo, pang-apat, panglima, pang-anim at sa maga susunod pang bote, kanya-kanyang palusot na kayo jan.
Nung nakaraan sinabi namin sainyo na ginawan ng bagong costume si Wonder Woman (Basahin Dito)
Nag-iwan kami ng isang survey, at eto ang result.