MgaEpal.com "Aparisyon"

By mgaepals on 21:15

comments (0)

Filed Under:

 New and Improved,
Reinforced, Accelerated, Reconditioned, Bigger, Better, Faster, Stronger, 
In Renewed Fighting Form, Revitalized, Re-calibrated, More Nutritious and Delicious, 
Best For Babies Up To 100 Years, For Younger Looking Skin In Just Five Minutes,
The All Around Website, Ang Website Na Maswerte, 
Website Na Sing Tigas Ng Bakal, Sing Tibay Ng Bato, Sing Tatag ng Isang Blokeng Semento,
Ang Website na Dragon Kung Umusowk, Ang Website na Lamowk Siguradowng Teypowk 
The Mega Site, The Diamond Site, The Super Site, The Site For All Season,
Mas Malaki, Mas Matigas, at Mas Pangmatagalan... MgaEpal.com Rebooted

Recommendations: Best visual on full screen.Best audio without earphones/headphones. 
(Loud Audio, adjust to personal preferences)




Panibagong mitsa ang sinindihan.
Panibagong pagsabog ang aabangan.
Panibagong UMPISA PA LANG YAN.

SABAT: Ashley Rivera a.k.a. Petra Mahalimuyak

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

 

Matagal nang pending 'to.Tinopak ang Facebook share button noon kaya hindi namin malabas. Ngayong ok na, nagbabalik ang "SABAT" sa MgaEpal.com.

Sa panahon ngayon na uso ang depressed, blessing ang mga nagbibigay ng panandaliang aliw. Tulad namin, blessing kame. (Leche walang paki-alamanan ng trip, basta blessing kame.) At masaya kami tuwing nakakakita kami ng iba pang nagbibigay ng panandaliang aliw. Simple lang ang pinagmulan nito. Tinimbre sa amin ng isang "Jairone" noon sa Tip Box na meron daw chicks na pinagkakaguluhan sa YouTube. Pinagkakaguluhan daw dahil magulo din sya. Sinilip namin ang link. Pinanood ang video. Binasa ang mga comment. Nag-research. At umabot kami sa conclusion na kailangan pasabatin namin ang babeng yon. 


Hindi ka marunong mag-internet kung hindi ka pa nakapanood ng kahit na isang video nya. Nakilala ng lahat bilang Petra Mahalimuyak sa YouTube. At mas makikilala ng lahat si Ashley Rivera dito ngayon.

 In Ashley Rivera's Talent Arsenal:

Malabo pero malalim. Babaeng-babae pero palaban. Kwela pero madaming alam. Eto na. Si Petra Sagimuymoy Mahalimuyak (a.k.a) Tiffany Madison (a.k.a) "Backstreet Tomboy" (a.k.a.) Jora Echusera (a.k.a.) Ashley Rivera at ang kanyang mga... "SABAT".


"Kulturantado": Ano ang PINAKA DAHILAN kung baket mo naisip gumawa ng mga YouTube videos?

Ashley: Para magpatawa. :):) actually yung friends & family ko nagpumilit na i-post ko videos ko on YouTube. Kasi inuupload ko lang dati sa facebook. Mga kaibigan ko lang lagi nakaka-witness ng kalokohan ko. Naisip ko na i-share naman sa buong mundo at nang makita nila na nakakatawa din ang mga babae ;)

(Kung ikukumpara sa ibang lumalabas sa TV, mas nakakaaliw nga naman ang mga binalandra mo sa YouTube.
At nakakatawa naman talaga ang mga babae... lalo na pag seryoso kayo.)

"Manong Guard": Mukang lively, fun, spontaneous, random, smart at carefree ka. Pano nadevelop sayo ang ganyang personality?

Ashley: Well I had a good childhood so maybe that's one of the reasons why i am bubbly. And makapal na talaga mukha ko nung bata palang ako. Walang pake, walang hiya hiya. Basta masaya ako at hindi naman illegal ginagawa ko, go! Ewan ko ba bakit ako ganito. :) 

(Kaya sa mga batang matamlay dyan, subukan nyo ding magkaron ng good childhood. 
Yung mga matamlay na may edad na, kapalan nyo na lang muka nyo.)

"Bunso": Sinong babaeng celebrity ang sa tingin mo kaya mong talunin sa suntukan? Pwedeng Hollywood or Philippine based.

Ashley: Hmm. Siguro si Miley Cyrus. Naiinis ako sakanya kasi mayabang sya at ang landi pa. Ibuhos ko na lahat ng asar ko sakanya. Wag lang sya kumanta habang nag-susuntukan kami kasi cheating yun! :)

(Magandang choice. Kaso delikado dahil pag nagagalit si Miley Cyrus lumalakas yan, nagiging kulay green, at nagiging si Incredible Hannah Montana. Kung gusto mo pagtulungan natin. Hahawakan namin tapos sikmurahan mo sa mata.)


"Boss Chip": Anong comment sa Youtube videos or facebook pages mo ang pinaka natuwa ka, at ano ang pinaka nairita ka?

Ashley: Pinaka nakakatuwa= "You're such an inspiration. You're more than a pretty face. God bless you, Petra! We love you"

Pinaka nakakairita= "Put*ngina kang pokpok ka! Wala ka nang ginawa kundi katangahan! Get a life! YOUR stupid so stop copying Mikey Bustos!" 

*I honestly find this funny. amok to remember?! =) pwede ba bago manlait, paki alam muna ang difference ng "your" at "you're" Hahaha! I really have no time for ignorant people who constantly tries to bring me down. Di talaga umeeffect. I sincerely apologize. ;)

(Sino ba yang umaaway sayo? Sabay na natin kay Miley Cyrus yan.)
;)

"Kulturantado": Kung magkakaron ka ng magic, anong magical ability ang gusto mong magkaron? Magbigay ka ng tatlo.

Ashley: 1. Yung makakausap ko si God ng harap harapan ng hindi ko kailangan mamatay. Considered as magical ability ba yun? =)

2. Yung nakakatransform ako sa kahit ano/sino na gusto ko. Para malaman ko lang ano feeling ng maging ipis (oo, gusto ko ma-try maging ipis) o kaya Victoria's Secret Model. Naks.

3. Mag-fly. Para di na ko gagastos sa gas at sa sky diving. Haha!

( 1. Mabait ka siguro para gustuhing makausap si God ng harapan. 
Kame kasi alam naming maloko kame. Ayaw naming makarate chop ni God.
2. Gusto mong malaman ang feeling maging ipis? Maging kurakot na politician ka.
3. Gusto mo makalipad. Pag naging ipis ka, diba makakalipad ka na din?)

"Manong Guard": Kung magiging artista ka, anong type of acting mo gustong malinya? (Dramatic, action, comedy, sexy, etc.)

Ashley: All of the above! Basta ba kaya kong i-portray ng maayos ang character, why not? Masaya nga pag iba-iba. Hindi boring. Ang isa sa mga di ko kayang role eh ang maging math genius. Dahil wala talaga akong pag-asa sa math na yan. =) malamang hindi ko ma-mememorize ang mga linya ko... Or in that case, ang "solutions" ko. 

 (Yang math na yan, kahit kelan talaga sagabal sa mga pangarap.)

"Bunso": Nagkaron ka ng raket sa ABS-CBN noon pero nasa Las Vegas ka na ngayon. Baket ka nandyan? At kailan ka bibisita dito sa Pilipinas?

Ashley: Bakit ako nandito? Kasi wala ako jan. :):) Babalik ako this year! I'm not sure when exactly but I'll hopefully be there by Christmas! Got my fingers crossed!

(Maghihintay kami ng pasalubong. Oist seryoso 'to.
Kahit yung mga libreng toothpaste lang sa eroplano.)

"Boss Chip": Ano (o ano-anong mga bagay) ang makakapagpa-stay sayo sa Philippines for good?

Ashley: A big break. :D:D sana mabigyan ako ng show. Sana mapansin ng mga producers & directors na marunong ako umarte at hindi ako pa-cute. I've been to countless auditions & I did my best but i guess my best wasn't good enough.... :)) but seriously, sana matupad na talaga pangarap ko. I'm honestly not after the fame & money because for me it's a lot deeper than that. Acting is my passion. I can see myself do that for the rest of my life.

(Kalokohan pag walang T.V. station na magbigay sayo ng opportunity.
Na-i-imagine na namin ngayon. Sisikat ka. Magkakaron ka ng sarili mong variety show. Magiging kilala kang host.
Gagawan ka ni Lito Camo ng kantang paulit-ulit lang ang lyrics. At pagbabantaan ka ni Marian Rivera ng isang text lang nya papatayin ka ng mga fans nya, dahil lang pareho kayo ng apilido.)

"Kulturantado": You have a boyfriend now and the two of you seem very happy. Ano sa tingin mo ang pinaka essential sa masayang relationship?

Ashley: Trust. Kasi pag puro selos o duda, wala talaga kayong mapapala. What's the point of being in a relationship if you can't trust your partner? It's illogical. :| The good thing about us (Miguel & I) is that we really love & support each other. We actually have a long distance relationship. He's in cali & i'm here in vegas. It's hard sometimes but it's kinda nice to miss your loved one & not take their presence for granted. :):)

(Importante talaga ang TRUST. Sabi nga ni Ribin Padilla, bago umaksyon... proteksyon.
Protektado nga naman ang relationship pag may tiwala.)

"Manong Guard": Kita sa mga videos mo na maganda, sexy, at may sense of humor ka. Anong characteristics o ugali mo ang hindi masyado alam ng karamihan?

Ashley: I'm also generous. Hindi ako rich kid but I like sharing my blessings. Pag meron naman ako maibibigay, magbibigay ako. It doesn't always have to be money. It can be like food, clothes or as simple as time. At minsan pag kasama ko barkada ko sinasabi ko "sagot ko na ang kwento!" all out ako dun! Ganon ako ka-generous. ;)

 (Generous pala ha. Aantayin namin yung mga toothpaste.)

"Bunso": Papayag ka bang mag-pose for FHM? Why, or why not?

Ashley: As long as I don't have to be naked then yeah. I'm comfortable w/ my body. So posing sexy wouldn't be a problem. I mean there's a fine line between being sexy & skanky. Ayoko naman ng bastusin. Hindi naman ata tama yun. :):)

 (Mga tao dyan sa FHM, by Christmas daw nandito yan. 
Madaming mag-aabang, diskartehan nyo na. Gawin nyong sexy na ninja 'to.)

"Boss Chip": For 1 million dollars, ano ang mas kaya mong kainin? Sopas na pinagbabaran ng ginamit na medyas ng marathon runner, o palabok na may inahit na buhok sa kilikili ng limang basketball player?

Ashley: Parang mas trip ko ata sinigang na may katas ng jabar/pawis ng kili kili ng limang karpintero. Sobrang asim nun! Tas lagyan narin natin ng buhok nila para may konting texture. Sympre gusto ko may konting twist sa pagkain ko. Hahahaha! Extra rice please!

(And for dessert: inipon na libag ng anim na macho dancer. Sprinkled with pinag-gupitan ng kuko sa paa
ng kambal na bouncer. Kadili ka. Apir.)

"Kulturantado": Kung papipiliin ka, ano ang mas gusto mong makuha, Fame or Fortune? And why?

Ashley: Fame. Kasi pag sikat ka, kilala ka na nga may pera ka pa. Depende nga lang yun kung marunong ka gumawa at maghawak ng pera. :):)

(At depende din siguro kung ano ang ikinasikat.)

"Manong Guard": Finish this sentence: Kung lahat ng tao sa mundo ay makakatulog for 2 hours, at ako lang ang gising sa loob ng 2 hours na yon...

Ashley: Wow. Anong klaseng tanong yan? Manong guard ha, nakaka-nosebleed ka. :) kung lahat ng tao sa mundo ay makakatulog for 2 hours, at ako lang ang gising sa loob ng 2 hours na yon... gigisingin ko lahat ng kaya kong gisingin para damayan ako at tulungan akong gisingin ang iba para wala nang matulog!

(Natutulog yung mga tao, guguluhin. Storbo ka rin 'e no?)

"Bunso": Ano ang pinaka nakakahiya/nakakatawang bagay ang nangyare sayo?

Ashley: Wala pa namang pinaka pero isa sa nakakahiya at nakakatawang nangyare eh nung nag-audition ako for PBB. Yung season nila Kim Chiu. Nasunog yung kalahati ng mukha ko sa kakahintay ko sa pila tas pagharap sa 'judges' mukha akong burned victim na tanga tanga sumagot. Kaya ayun, hindi ako nakuha. =)

(Sayang. Sana sa ibang PBB ka na lang sumali. Pinoy Burned Biktims)

"Boss Chip": Saan ka pinaka thankful kay God?

Ashley: Na binigyan nya ko ng pagkakataon na mabuhay sa mundong ito. (Yes, ang lalim) and w/ that being said, I see to it that I live my life to fullest & do everything for His glory. May purpose tayong lahat dito at ang alam kong purpose ko eh magpasaya ng tao. I mean well w/ all my videos & I hope some people would understand that & stop being so critical. You only get to live once, so make the most out of it & be happy. :)
  
(Very well said.) 



Get to know more about Ashley on the following links:
:)
;)

"It's not whether you win or lose, it's how you play the game."

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Minsan, akala mo lang panalo ka.

SAMPUtanginang TAON

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Sanay na kame sa mga kagaguhan na nangyayare sa Pilipinas. Espesyal na kagaguhan na lang ang nakakapanginig ng laman namen. At sa article na 'to --> CLICK (Paki-usap, basahin ang kwento sa link na yan.)  napagod kami sa pang-gigigil at naubusan ng hininga sa pagmumura. 

Matagal na yang issue na yan. Nagmula sa napaka makataong Gloria Makupalgal-Arroyo at inabutan na ng PNoy administration. Sobrang tagal ng sampung taon na pagkakakulong... lalo na kung inusente ka. Alamin, ipaalam, at maki-alam. May mga umalam na. May mga nagpapaalam na. Tangina Noynoy MAKI-ALAM KA NAMAN. Sa mga nakakabasa nito, paki tweet, paki share, paki putok sa muka ng mga nakatunganga sa Malacanang. Wala kaming paki-alam kung itong pabasa na 'to o yung article ang ikalat nyo, basta ikalat nyo lang. Ipasa sa mga celebrity na may itlog para i-tweet yan. Pagkakataon yan para magkaron ng makabuluhang silbi ang pagiging sikat.

"woody" ni Buzz

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Tamang-tama para sa mga mahilig mag-B.J. (buko juice)

Ninja Theater

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Patunay na makikita mo sa tao ang reflection ng magulang nya.

Ask The Authors

By mgaepals on 09:14

comments (0)

Filed Under:

Tanong galing kay Agent Epal:

May tanong ako, tuwing mag papareport yung teacher namin at ako ang napiling mag report, kinakabahan agad ako at natatakot dahil baka mapahiya at mapagtawanan sa klase. Nakakatakot kasi mag salita sa harap at nakatingin lahat sayo. Lalo na pag nakalimutan mo ang sasabihin mo, pwede kang magmukang tanga.

Katulad bukas mag rereport ulit ako at handang handang handang handa ako ang hindi ko nalang naihahanda ay un nang kaduwagan kong magsalita sa harap tapos tutuksuhin kapa ng mga kaklase mo pag nag online sa facebook may mga status sila na puro tukso nakaka walangana mag report pag ganon.

Sana matulungan nyoko.

MgaEpal.com: Una sa lahat. gusto muna naming i-point out na sinimulan mo ang message mo sa "May tanong ako." pero wala ka namang tinanong. Ok lang yan. Yang problema mo, mukang simple yan para sa madaming tao. Lalo na kung hindi ka na studyante. Pero alam namin na para sa iba, sobrang stress yan. Nagkataon lang siguro na may mga taong mas mahiyain sa pagsasalita sa harap ng madaming tao. Anxiety yan, at dalawa ang pinaka nagiging dahilan kung baket hindi mapakale ang mga studyanteng na-assign mag report. Kinakabahan dahil hindi ready o walang irereport, o nakakaranas ng excitement dahil sobrang handa at takot magkamali. Sa sitwasyon mo, maganda dahil ready ka, tabasin na lang natin ang kaba mo.

Wag na natin pahabain 'to. Rektahin na natin kung anong pwede mong gawin.
  • Wag kang masyadong seryoso. Mas nagiging target kasi ng mga malakas magtrip ang mga seryoso magreport. 
  • Ngumiti ka, hanapan mo ng humor (banat o hirit) ang report mo. Pag may nangbara sayo tumawa ka lang. Ang sikreto para hindi ikaw ang pinagtatawanan, makitawa ka. Para hindi magmukang "They are laughing at you." It would be "You're laughing WITH them."
  • Kumuha ka ng suporta sa mga kaibigan mo. Kung pwede, paupuin mo sila sa bandang harap para ramdam mo ang "kakampi". Mas ok pa nga kung sila ang maunang magtrip sayo. Icebreaker na yon sa buong klase.
  • Isali mo sa discussion ang buong klase. Sabihin mo agad na kung may tanong sila, taas lang sila ng kamay. Para mukang ikaw ang may control sa sitwasyon, saling pusa lang sila. Sa ganon, hawak mo sa itlog lahat.
  • Expect the worse, and hope for the best. Isipin mo na lang na magkakamali ka para hindi ka kabahan bigla pag nagkamali ka nga. Pag walang mali sa report mo, bonus na lang yon.
  • Sa takot mo naman na may manukso sayo sa facebook. Sakyan mo lang. I-like mo pa yung panukso. Magcomment ka. Asarin mo din ang sarili mo. Wag mong bigyan ng satisfaction ang nanukso na maramdaman nyang naasar ka nya.
Kung mga professional reporters nga na-a-out of balance minsan, hindi ganon ka-big deal magkamali ang mga studyante sa reporting sa classroom. Classic example si Mr. Michael Fajatin na kung tutuusin naging astig pa dahil sa [blooper na 'to.] Kaya wag mong masyadong isipin yan. Reporting lang yan. Gabuhok na parte ng buong buhay mo.

Sana makatulong sayo 'to. Sana makatulong pa sa ibang tulad mo. Good luck sayo kid.

Forbidden Landian

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Nung una, hindi kami naniwala na sa Pilipinas nangyare yan, pero nung nakita naming may nabanggang kariton... "Tang'na sa Pilipinas nga 'to". Madaming negative na comments para sa mga Pilipino ang nakuka ng video na yan. Nairita kami nung umpisa. Hindi namin alam kung baket sobrang kontra ng mga tao sa mga Pilipino nung napanood nila yan. Hindi namin napanood yung episode na yan dahil walang naging responsable sa amin na mag-alarm kung kelan ipapalabas yan nung una naming nakita ang teaser/trailer na yan. Kaya naintriga kame kung baket ganon na lang ang reaksyon ng mga taga ibang bansa.

Nag-ikot kami sa internet at ito ang nahanap naming kwento tungkol sa "Locked Up Abroad: Forbidden Love":

'E gago naman pala talaga 'tong dalawang 'to 'e. May asawa si babae, tapos nanlandi pa sa Facebook? Tang'na baka sa Friendster nga lang 'e. Nagpabuntis pa. May mali talaga sa ginawa nila. 

Pero hindi buong Pilipinas at hindi lahat ng Pilipino ang may kagagawan nyan. Kung meron mang bagay sa video na yan, na masasabi naming "only in the Philippines" yun ay yung may nababanggang kariton tuwing may naghahabulan na kotche. Kaya mainit parin ang dugo namin sa mga siraulong mga ignoranteng taga ibang bansa na kumuk*pal sa Pilipinas dahil lang sa video na yan. Pwede namang mangyare yan sa ibang bansa. Hindi naman exclusive ang pagiging haliparot sa mga Pilipino lang. Pero wala tayong magagawa, mas madaming tao sa ibang bansa... kaya mas madami ding bobo.

tinimbre ni KenskY sa Tip Box

Wonder Boy Conest

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Question and Answer portion.

Contestant number 1

Host: Anong gusto mong maging pag laki mo?

Wonder Boy #1: Maging basketball player po.

Host: Sino bang idol mo?

Wonder Boy #1: Si Kobe po.

Contestant number 2

Host: Anong gusto mong maging pag laki mo?

Wonder Boy #2: Maging boksingero.

Host: Sino bang idol mo?

Wonder Boy #2: Si Manny po.

Contestant number 3

Host: Anong gusto mong maging pag laki mo?

Wonder Boy #3: Maging babae.

Host: We'll be right back after some words from our sponsors!

Sino kayang idol ni Wonder Boy #3?

Sabi ng Malacanang, ipagdasal daw natin ang kalusugan ni Gloria.

By mgaepals on 09:58

comments (0)

Filed Under:

Edi ipagdasal...


Dear Lord, sana pagalingin nyo si Gloria sa mga sakit-sakitan nya. Wag nyo po sanang pabayaang lumala ang peke nyang karamdaman. Sana Lord, bumalik ang sigla ng dati naming presidenta, para masimulan na nyang harapin ang mga kaso na naghihintay sa kanya. Lord, wag nyo po sanang gawing permanente ang stay ni Gloria sa hospital dahil mas komportable sa orpital kesa sa kulungan. Amen.

May mga nagsasabe na kung totoo man daw ang mga sakit ni Gloria, karma daw yan. At kaya daw pati ang asawa nya madaming karamdaman, dahil sangkot daw yon sa mga kalokohan ni Gloria.


Pero hindi kami naniniwala na karma ang nangyayare sa kanila. Kung karma yan, baket si Mikey Arroyo walang sakit?  Kung titingnan yung katawan mukang malusog naman sya.


Pero kung titingnan yung muka... ahh...


Get well soon Mikey.

mga may sakit hugot 

Partida walang hawak sa handle bar, walang tingin, walang helmet, at walang utak.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Astig sana 'to kung hindi sa public road ginawa dahil hindi lang buhay nya ang sinugal nya.

Pero astig parin. Kaya good luck sa rider na yan. 
Sana mapunta ka sa langit as soon as possible tang'na mo.

tinimbre ni wilabaliw sa Tip Box

Babala.

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Dahil delikado maging ligtas?

Panalo na, natalo pa.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Masyado kang pasiklab ha. Yan sige kiss mo yung sahig.

hinandusay ni JerMoo sa Tip Box

Dahil sobrang mahal na ng gas...

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Eto na ang pinaka sosyal na pedicab.

 pinadyak ni 
iskatsteyp sa Tip Box

Baliw Broadsheet Broadcast

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Matino yan nung nag-umpisang magbasa.
Nasiraan ng ulo dahil sa laman ng balita.

binagsak ni SpiderMonkey sa Tip Box

Katawan lang pala ni Minnie ang habol ni Mickey.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


 Hey Mickey you're so fine, you're so fine you blow.

Sinong superhero ang mas malaki kay Captain America?

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:




Reboot (Captain Planet)


Uuuuy nagre-reminisce yung mga batang 90's.

"The Curious Case of Captain America"

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Lumaki ang katawan, tumigas ang muscles, humaba ang height.
Ganyan talaga pag tinurukan ang buong katawan mo ng viagra.


"Facebookless"

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Nabalita nung nakaraan ang issue ng pag-apila ng mga estudyante at sa Ateneo De Davao nung na-ban ang Facebook sa loob ng university. May more than 1,300 pesos pa naman daw silang binabayaran every sem na information technology fee. Ang paliwanag ng heads ng Ateneo De Davao, bumibigat daw kasi ang bandwidth nila. May mga libro daw sila online at downloadable, at pag madami daw gumagamit ng Facebook, imposible daw ma-download ang mga libro.

Sa tingin namin karapatan ng mga estudyante maging facebookero at facebookera kung freetime naman nila sa school. At isa pa, 1,300 pesos ang binabayad ng bawat studyante. Sa 100 na studyante lang may 130,000 na kayo. Sobra-sobra yan para magpataas ng bandwidth. 'E hindi lang naman 100 ang studyante dyan.

At isa pa, mukang hindi lang naman Facebook ang nagpapabigat ng bandwidth nyo...


Tang*na natawa kame dito.

Gusto naming batiin ang mga basahero sa Ateneo De Davao 
bago pa i-ban ang MgaEpal.com dyan.

Salamat kay mister_use 
sa pag timbre sa Tip Box

Nagkalaglagan sa Pinoy Henyo

By mgaepals on 18:05

comments (0)

Filed Under:

Bagay?


Oo...


Ginagamit ng tao?


Oo!

Sinusuot sa bibig?

Oo! Oo!


Mahuhulog ba?


Oo!


Pustiso???


Oo!!!


Apir sa contestant na yan. Kwela ka.

nilaglag ni KONIG sa Tip Box

Ask The Authors

By mgaepals on 15:54

comments (0)

Filed Under:

Tanong galing kay ninjabaleleng:
"Bakit kapag nangungulangot, tinitingnan muna ang kulangot bago ipunas?"

MgaEpal.com: That's a very good question, and it requires a two-part answer. Ang una ay para makita mo kung saang banda ng daliri mo kumapit ang kulangot, para alam mo kung pano mo ipupunas. Kung nasa may gawing kaliwa, pakanan ang pahid. Kung nasa bandang kanan, pakaliwa ang stroke. Pag nasa gitna ng daliri, freestyle yan, kahit pano mo ipahid hanggang matanggal. Ang pangalawang dahilan ay para malaman nung tao kung tuyo o mamasa-masa ang kulangot na nadukot nya. Pag tuyo kase, hindi mo kailangan ng papahiran, pwede na yang bilugin at pitikin palayo.

Alam nyo ba na ang scientific name ng kulangot ay Natuyosis Na Siponsus. Kilala ang mga kulangot bilang mahiyain, ngunit may mga pagkakataon na lumalambitin sila sa may butas ng ilong para magpahangin. Ang pinaka malaking kulangot ay makikita sa ilong ni King Kong, at tinatawag itong Kingkonglangot.

Share mo kay Kuya Kim, baka may gusto syang idagdag.

"Evocalization"

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Yan ang reverse evolution song.

Mula pagiging homosapien, 
naging homo erectus, 
umabot sa pagiging primate, 
at tinapos ang kanta bilang pterodactyl.

(Sa mga hindi nakaintindi, kaibiganin ang google.)

tinono ni CHRISTIAN sa Tip Box

What the truck???

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Ayaw mo sa video na 'to? Truck you.

tinimbre ni anosom sa Tip BBox

Aba 'e sino nga naman ang hindi mapapasipsip dito?

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Susu Bar ice drop.
 

Susu Bar
"Mas masarap pag dalawa."

pinalamig ni mister_use sa Tip Box

Ask the authors.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Tanong galing kay Maricar:

Hi authors. First of all I would like to say na sobrang aliw ng site ninyo. I always read and I can say that you have the most unique way of interpreting things. Funny pero readers also learn. Napansin ko na wala kayo mashado tiwala sa politicians, and my question is...

Pano ba malalaman kung nagsisinungaling ang isang politician?


MgaEpal.com: Pag nagsasalita sya.

Mouse-kulado.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

  

Hey! Hey! Hey, hey, hey!
Macho, macho mouse
I've got to be, a macho mouse
Macho, macho mouse
I've got to be a macho!

kinitkit ni mone22 sa Tip Box

Exclamation Song

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

step 1: Pumunta sa Yahoo.com
step 2: Antayin matapos magload yung page.
step 3: I-click ang exclamation point sa logo ng Yahoo.


step 4: Maaliw.
step 5: Ipagkalat sa mga kakilala mo para bida ka.


ninja move ni 
wagmonangitanong sa Tip Box

Paalam.

By mgaepals on 17:59

comments (0)

Filed Under:

Fast Forward (YouTube classics)

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Kaya wag mag-asawa ng babaeng pinaglihi sa kanyon.

pinutok ni Bulate sa Tip Box

Reboot (Harry Potter)

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Harry Pothead and Haggard

"The search for Professor Dumb-Old-Dork" 

sinakay ni pot123 sa Tip Box

Utol ng presidente, nairita sa anak ng vice president.

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

image hugot dito 

Sa isang article ng Philippine Star , natanong daw kay Junjun Binay (Anak ni Vice President Jejomar) kung totoo bang nagde-date sila ni Kris Aquino. Ang sagot ni Junjun...

“Yes, we are good friends. We saw the Justin Bieber concert together, and by gosh, when you’re with Kris, everybody wants to have a picture with her,”

Nag-react si Kris sa statement na yan sa twitter...

"In the 14 months since my separation, I haven't dated anybody. I thought Jun & I were friends but after what I read I've come to the conclusion a gentleman doesn't really say stuff like that especially when it can be read as 'patama' to his friend,"  -Kris

Kung ano man ang issue nila, wala kaming paki-alam. Ang nakakuha ng atensyon namin dito ay ang pagiging sensitive ni Kris sa "patama". Isa sa nakakatuwang ugali ni Kris Aquino ay ang pagsasalita bago mag-isip. Natuto na sya, pero minsan, sumusumpong parin ang pagiging taklesa nya. Ok lang, isa yun sa mga nagustuhan ng mga tao sa kanya dahil nagmumuka syang honest. Pero dahilan din yan kung baket wala syang karapatan umapila sa mga "patama". Malakas din sya magpahapyaw 'e. Pag si Kris ang nagpahaging hindi ka medyo tatamaan. Bubulagta ka dahil sa muka mo sasambulat ang "patama" nya. Pag sya ang nagpatama ok lang? Pag sya ang pinatamaan, mali? Ang galing 'a.

Hindi lang dun nag-react si Kris. Tinanong din kasi si Junjun kung may balak ba syang magpakasal ulit? Ito ang sagot nya...

“Why do people marry? Because of lack of knowledge...Why do people separate? Because of lack of experience...Why do people remarry? Because of loss of memory.”

Sinagot din ni Kris yan sa twitter...

“There's a quote attributed to him about marriage, separation & remarrying. I know he tried to be witty, but it offended me.” -Kris

“Thanks to all. May I just explain? I got so sensitive about 'getting married because of a lack of knowledge, separation is a lack of experience, remarrying is loss of memory'- the truth is james & I have learned so much & we won't forget the painful lessons we've learned.” -Kris

May karapatan nga naman syang ma-offend at mag-react dahil pag ikaw si Kris Aquino lahat ng bagay sa mundo ay umiikot sayo. Hindi pwedeng magsalita ang isang tao kung hindi tungkol sayo. (Para sa mga bobo: sarcasm yan.) Baket inisip ni Kris na patama sa kanya ang statement ni Junjun Binay tungkol sa kasal? Pwede namang sinabi ni Junjun yon para sa sarili nya? Dahil sinabi din ni Junjun Binay na wala pa syang balak magpakasal ulit pagkataos lumipas ng dati nyang asawa. Ang mali lang ni Junjun dito, hindi sya nag-elaborate ng sagot nya. At kung para kay Kris nga ang sinabi nya, si Junjun ang may mali.

Hindi natin alam kung ano talaga ang gustong ipunto ni Junjun Binay sa statement nya tugkol sa kasal. Siguro yun lang talaga ang opinyon nya. At lahat nga ay may karapatan magbigay ng opinyon... kahit mali.

Baket hindi tama ang sinabi ni Junjun?

Junjun: Why do people marry? Because of lack of knowledge...

MgaEpal.com: Mali. Dahil people marry to devote 2 separate lives to be lived as 1. Kahit puno ka ng knowledge tungkol sa kahit ano, hindi yan magiging dahilan ng pagpapakasal mo.

Junjun: Why do people separate? Because of lack of experience...

MgaEpal.com: Mali. Why do people separate? Because of wrong and unfortunate experiences .

Junjun: Why do people remarry? Because of loss of memory.

MgaEpal.com: Mali. Why do people remarry? To build new memories.

Big Bang

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Nagkataon lang na may kanya-kanyang tawag ang mga tao dyan.
Sa Chinese "hand grenade".
Sa English "fire extinguisher".
Sa technical term "active fire protection device".
Sa tagalog "par ekskwimbisher".

binato ni wrongcnd sa Tip Box

Mainit-init pa.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


Iba talaga mga trip ng sosyal...

pinakuluuan ni sandio sa Tip Box

Ka-love team ni Marcelito.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Yan ang tunay na song bird.
Magaling sa mga song, at may bird.

kinanta ni littlemissnerdo sa Tip Box

Gangsters

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Madaming kinatatakutan na gang.

Nandyan ang Triad...



Meron ding Motorcycle Gangs...



May mga Urban Gangsters...



Nandyan din ang Mobsters...


 At ang mga Yakuza...



Madami pang ibang kinatatakutang gangs, may maliit at malaki.
  Pero ang pinaka kinatatakutan na gang ngayon ay makikita sa Italy.

Kung sa sindakan lang, walang tatalo sa gang ng "High-heeleros"

Tang*na ikaw ba pag nakasalubong mo 'tong mga 'to
sa madilim na eskinita, hindi ka ba tatakbo?

video  pinangtakot ni
kha_khayRN sa Tip Box
images hugot dito, dito, dito, dito, dito

Mega Moves

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Mega Hairwhip



Mega Headbang





SUBJECT: Parusa

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Parusa daw yan sa studyante. Sinampal o hinampas daw nung studyante yung teacher sa muka kaya pinarusahan. Na-verbally abused daw yung studyante kaya nya sinampal o hinampas sa muka yung teacher. At yan daw ang napagkasunduan nung studyante at nung teacher para hindi magsampa ng kaso yung teacher. Puro "daw", dahil hindi sa mismong teacher o studyante nanggaling ang statements. Kung gaanong iba-iba ang kwento tungkol sa video na 'to, ganun din ang pagkaka-iba-iba ng reaksyon ng mga tao. May mga nagsabing tama lang yan. May mga gusto ding hamunin ng suntukan yung teacher.

Kung mas hihimayin yan, kahit pa puro "daw" ang kwento, kulang. Ano DAW ba ang dahilan kung baket na-verbally abuse ng teacher yung studyante? Ano-ano DAW ba ang sinabi nung teacher kung baket sya sinampal o hinampas? Ang pinaka impostanteng "daw"... Ano DAW ba talaga ang pinag-ugatan nyan?

Kung sobrang disrespectful ang ginawa nung studyante dapat lang sya ma-verbally abuse. Pero kung nag-over react lang yung teacher at hindi naman grabe ang ginawa nung studyante pero pinahiya nya ng todo, tama lang na masampal sya. Pero dapat sinumbong na lang nung studyante dahil mas mahirap kung sya ang ireklamo ng physical injury. Ipagpalagay na natin na may ginawa nga talagang mali yung studyante, dapat pareho ng timbang ang parusa sa kasalanan. Kung maliit na bagay lang, pagsabihan. Pag umulit, ipatawag ang magulang. Kung malaking kagaguhan naman ang nagawa, lalo na kung personal na kagaguhan laban sa teacher, tumbasan ng personal na parusa. Sa tingin namin, hindi mali parusahan ang mga studyante dahil naniniwala kami sa "Reward And Punishment System" Pag may nagawang maganda, bigyan ng pabuya. Pag may nagawang mali, parusahan, dahil yan ang huhubog sa karakter nila para ganahan maging productive, at matakot mangupal.

Tandaan mo, ang hindi pag-puri o pagbibigay ng pabuya sa  batang may nagawang maganda ay kapabayaan, pero ang hindi pagpaparusa o pagturo ng leksyon sa batang nagkamali ay mas malaking kapabayaan. Siguraduhin lang na sakto ang pabuya, at patas ang hatol.

Instant parusa.

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Tang*na ang haharot nyo ha...

Exkobetion Game

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Madami ang na-excite sa pagbisita ngayon ni Kobe Bryant dito sa Pilipinas. Pero ang pinaka kinilig ay ang mga naglaro sa exhibition game sa gitna ng UAAP all-stars at Smart Gilas dahil nakipaglaro si Kobe.

Para sa buong kwento, basahin [dito]


Natuwa ang mga Lasalista.

Natuwa ang mga Atenista.

Natuwa ang mga, ahh... Far Easternista?

 Natuwa si Kobe.

Natuwa ang announcer.

Hindi natuwa ang referee.

Natuwa ang mga kakampi.

Natuwa pati kalaban.

images hugot dito

"The Brown Mamba"

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


Kobe Bayan

pinakawalan ni Ern sa Tip Box