Hirap Matanggap.

By mgaepals on 09:00

Filed Under:

Isang araw, pumasok sa isang bar si Berting...

Berting: Waiter, bigyan moko ng dalawang case ng beer!

Waiter: Eto ho sir. Table para sa ilang tao po ba?

Berting: Ako lang! Beer all you can na 'to!

Waiter: Mukang problemado kayo sir 'a.

Berting: Nalaman ko kahapon na bading ang kapatid ko! Tapos ngayon, boyfriend na nya yung kumpare ko! Bading din pala si pareng Inggo! Magpapakalunod ako sa beer!

Waiter: Mawalang galang lang ho sir. Hindi naman sa nakiki-alam ako, pero sana tanggapin nyo na lang na bading yung kapatid nyo. Hindi naman ho kasalanan maging bakla diba? At sana maging maligaya na lang kayo para sa kanya at sa kumpare nyo.

Berting: Alam mo, kaya ko namang tanggapin na bading yung utol ko. Kaso mahirap maging maligaya para sa kanila nung kumpare ko. Beer lang nang beer!

Waiter: Baket naman ho sir?

Berting: Matagal ko nang crush si pareng Inggo 'e! It's unfair!...  Cute ka. May girlfriend ka na ba?

Waiter: Ah ehh oho, may girlfriend po ako.

Berting: Put*ng ina beer pa!

0 comments for this post

Post a Comment