"Paskocial Network"

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


Sa lahat ng naniniwala sa kwentong pinaghugutan nito,
Merry Christmas.

tinimbre ni BAMBAM sa TipBox

Malapit na nga ang Pasko...

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


Pagtripan nyo nga 'tong mga 'to. 
Pumunta kayo sa labas ng bahay nila. Mangaroling kayo, pero nakatalikod sa kanila. 
Pag sinita kayo sabihin nyong sa katapat na bahay nila kayo nangangaroling.
Kantahin nyo yung Jingle Bells ng 40 times.

tinimbre ni v sa Tip Box

Ibang klase ang freshness...

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Mag-ingat dahil baka halikan ka nya.

pinakawalan ni jcbautista sa Tip Box

The Crocodile Whisper

By mgaepals on 08:02

comments (0)

Filed Under:


Patunay na hindi lahat ng buwaya automatic na banta sa buhay ng mga tao.
Tuluyan lang talag silang nagiging mapanganib pag nanalo sila sa eleksyon.

tinimbre ni a.c sa Tip Box

"Electrifying idea."

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Bago dumiskarte, siguraduhing may utak ka.

tinimbre ni Teenees sa Tip Box

"Text Back"

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


tinimbre ni Bebe N sa Tip Box

Sapilitang morphing time...

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


Lahat ng OFW sa Japan Power Rangers na.

tinakbo ni ErvinDy sa Tip Box

C.R. (Certified Retarded)

By mgaepals on 08:00

comments (0)

Filed Under:

Para pag may kasabay kang tatae, pwede kayong mag-holding hands.

tinapon ni HalayKid sa Tip Box

"Wall Post"

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Mukang kailangan nang mag-isip ng bagong gimik ng mga lalake. Unti-unti nang pinag-aaralan ng mga babae ang skills naten. Baka hindi na tayo manalo kahit kailan sa debate ng pagalingan ng gender. Pag kaya na din nilang umihi sa isang inodoro ng sabay-sabay, wala na tayong mapagmamakali. Ang dami pa namang bagay na kayang gawin ng babae na hindi kaya ng lalake. Bago sila makaisip ng paraan kung pano umihi sa isang inodoro ng sabay-sabay, dapat maunahan natin sila, kailangang matutunan nating manganak.

Kung gano ka-abnoy ang ibang imbento sa Japan, ganon naman ka-astig yung iba.

By mgaepals on 08:02

comments (0)

Filed Under:


Lahat ng nakakakita, nabibilib, naaliw, nawiwili, at natutuwa.
Ito ang fountain of youth.

tinimbre ni skarekrow sa Tip Box

"Kunyari ka pa, masyado kang pakipot. Alam ko namang hindi mo ako matitiis." - diarrhea

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


Vocal Strings

By mgaepals on 08:02

comments (0)

Filed Under:


Sige na wag ka nang mahiyang subukan kung kaya mo rin yan.
Lahat naman tayo may karapatang magmukang tanga paminsan-minsan.

kinalabit ni Linct182 sa Tip Box

MgaEpal.com Dictionary

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Umanghali: Mga oras na alanganing umaga, at alanganing tanghali. Mula 11:30 ng umaga hangang 12:00 ng tanghali.


Example:
Marlon: Nako sir, after one hour pa po bago namin pwedeng simulan asikasuhin yung SSS application nyo. Sabay-sabay po kasi ang lunch break naming lahat pag tanghali.

Mang Robert: Put*ng ina umanghali pa lang!

Ask The Authors: Quickfire Edition 3

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Tanong galiong kay AzTiE: Mas gumagwapo po ba, o pumapangit ang lalake pag meron siyang sideburns (patilya)?
MgaEpal.com: Usually hindi naman factor yan kung dadagdag ba sa kagwapuhan o pampapanget ng lalake. Mas nagmumuknag mature lang ang lalake pag may sideburns dahil bawal sa elementary ang mahabang patilya.  Kaya dipende sa taste ng babae yan kung trip nya ang mukang mature o hinde. Nagiging pangpapanget lang ang sideburns sa mga taong pa-cool na nagpapakalbo at tinitira ang patilya. Hindi yata nila alam na muka lang may bigote yung tenga nila.

Tanong galiong kay Nathaniel: Bakit po may sadness?
MgaEpal.com: Para may maramdaman yung mga lalakeng pinagtitripan dahil sa pag-gamit nila ng salitang "sadness". Sana wag mo nang gamitin yang pachicks na salitang yan.

Tanong galiong kay sich: May lasa po ba ang tubig?
MgaEpal.com: Meron. Kapareho ng lasa ng ice cubes. 

Tanong galiong kay batang matanong: Ano pong magandang palusot kung bumagsak ako sa board exam namin bukas at sa makalawa? Talagang hindi ako nag-review at nag-enroll pa ako sa review center pero hindi ko naman pinasukan dahil boring at walang chicks. Salamat.
MgaEpal.com: Mukang malaking problema yan. Kailangang maging madiskarte ka sa palusot mo. Ganito na lang, sabihin mo sa magulang mo na sorry dahil hindi mo alam na tarantado ka pala.


Tanong galiong kay dp19: Baket hindi maintindihan yung sulat ng mga doktor? Tapos mga taga botika lang ang nakakaintindi.
MgaEpal.com: Pasmado ang kamay ng mga doktor dahil naghuhugas sila agad ng kamay kahit pagod, para siguradong malinis ang kamay nila bago nila asikasuhin ang susunod na pasyente. Kaya pag nagsusulat sila, medyo nanginginig sila. Kaya naman mga taga botika lang ang nakakaintindi sa sulat nila, dahil pasmado ang mata ng mga taga botika.

Eto yung tipong hindi kinakalaban sa poker...

By mgaepals on 08:00

comments (0)

Filed Under:


Magaling pala mag-magic si Bobby Lee.

tinimbre ni 
aiko joel viardo sa Tip Box

Wag magulo, mukang seryoso yung usapan...

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


nakwento ni  
mei-sama Valencia sa Tip Box

Nahimas... Nahimasan... Nahimasmasan.

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


Kaya para hindi mapagtripan, manigurado sa kalandian.

Nail treatment...

By mgaepals on 08:03

comments (0)

Filed Under:

Tang*na gano kabangis ba ang kuko ng mga taga China?

Water into wine...

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


Pag kasma mo Sya, lahat ng oras ay happy hour.

Blasphemy!

Argentina dancing queens, makes men "beat" their "tamborines".

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:






Dahil sa Argentina, censored ang censorship...

"Sabong"

By mgaepals on 08:00

comments (0)

Filed Under:


Shoot na shoot...

Magkano lang ba ang song hits?

By mgaepals on 08:02

comments (0)

Filed Under:


Ito ang tunay na little mermaid. Kalahating tao, kalahating isda.

kinanta ni boyaxe sa Tip Box

Ask The Authors: "talent"

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Tanong galing kay Deyb:
Bakit po ganon? Lagi na lang pong singers ang nananalo sa Pilipinas Got Talent (PGT)? kung mas magaling naman ang creativity kesa sa singing diba po? Dapat kung puro singers nalang ang mananalo, palitan na nila ang pangalan ng show ng Pilipinas Got Singing Talent, o kaya Pilipinas Got Vocal Cords?


MgaEpal.com:
Eto yan... Hindi lang sa Pilipinas Got Talent madalas manalo ang mga singers kung variety type ang talent contest. Baket? Dahil pagkatapos may manalo, hindi don magtatapos ng pagpasok ng pera sa mga producers. Sila na ang magma-manage sa career nung contest winner, kaya kung sino ang madaling pasikatin, at kung sino ang sa tingin nilang sosoportahan ng masa, yun ang ipapanalo nila. Hindi nga naman papatok sa masa kung painting ang talent nung tao. Mahirap nga namang pahabain ang career ng taong talent ang paglunok ng blade. At sino ba ang bibili ng album ng magician? Kaya kahit pa maging mas astig ang talent nila, hindi sila ipapanalo.



May kutob kaming pag madaming nakabasa nito at kumalat 'tong sagot na 'to, mapipilitang pumili ang mga producers ng champion na hindi singer, para lang hindi sila mahalata.

Watchlist Henyo

By mgaepals on 20:34

comments (0)

Filed Under:


"Fast forward hubad."

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


Japanese instant nudels

tinimbre ni toto sa Tip Box

From Monday to...

By mgaepals on 08:00

comments (0)

Filed Under:



binukas ni KimHyunAh sa Tip Box

"Beauty IN the Beast"

By mgaepals on 06:42

comments (0)

Filed Under:


Sa totoo lang, nakakagago 'tong show na 'to. Paliliguan ng insulto ng mga host yung mga babae. Tapos lalagyan nila ng design yung muka nung mga babae. 'E kung hindi naimbento ang make up, mukang mas panget pa yung mga host. Kaya bumababa ang self esteem ng mga babae minsan, dahil sa mga superficial shows na tulad nito. Mga show na ginagawang talent ang kagandahan ng itsura.

Pero may matututunan din naman ang mga tao sa video na yan. Matututunan natin na malakas makapeke ng kagandahan ng mga babae ang make up, contact lens, at bigote sa mata.

binagsak ni 
Kuneho Bites sa Tip Box

"Immoral support."

By mgaepals on 08:03

comments (0)

Filed Under:


Mothers knows best.

tinimbre ni Ya'rb sa Tip Box

"Apol"

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


"Think different."

tinimbre ni matong sa Tip Box

Para sa mga HARD workers.

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

"Bago umaksyon, magproteksyon."

tinimbre ni Christian T. sa Tip Box

Hindi porke kakaiba, art na.

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


Wag daw huhusgahan ang hindi lubusang naiintindihan.
Kaya wag nating husgahan itong kaabnoyan na 'to.

Sandalan

By mgaepals on 08:00

comments (0)

Filed Under:

Lahat tayo may instant sandalan sa buhay. Yung tipong tuwing may problema, nagiging takbuhan natin para maging kalmado tayo. Pwedeng nanay mo, tatay mo, kapatid, o kabarkada. Sandalan na kahit walang solusyon na mabibigay, nandyan lang para hindi ka tuluyang tumumba. Kahit anong klaseng hasel, nababawasan yung lungkot o pag-aalala natin pag nakasama, o kahit makausap lang yung tinuturing natin na sandalan. Pero hindi maiiwasan na minsan nawawala sila. napupunta sa malayong lugar, o nakakasamaan ng loob. Pag nangyare yan, sobrang bigat sa pakiramdam. Wala yung kinasanayan nating instant sandalan. Mas malungkot ang kalungkutan, at pakiramdam natin mas naliligaw tayo sa kalituhan. Kaya alagaan at bigyan natin sila ng halaga, para hindi sila mawala. O kung mawala man sila, sapat ang saya ng ala-ala nila para masandalan pa. Sinasandalan natin sila, maging sandalan din tayo para sa kanila.

Pacquiao vs Marquez... Controversy on 3.

By mgaepals on 09:19

comments (1)

Filed Under:

 image hugot dito

Sa lahat ng laban ni Manny Pacquiao, dito kami pinaka nahirapan maghimay. Kinailangan naming panoorin ng tatlong beses yung laban bago kami nagkaron ng medyo klaro na bagsak sa laban. Sa tingin namin, sa mga nanood ng live, kung hindi kakampi sa kahit sino sa dalawang fighter, mararamdaman ng nanood na panalo si Juan Manuel Marquez. Kahit kami, kay Marquez namin binigay yung panalo pagkatapos manood nung una, dahil mukang sya ang dominante sa laban. Mukang sya ang may control nung laban. Kadalasan tuwing may laban si Manny, pagkatapos na pagkatapos ng laban, nakakapaglabas agad kami ng reaksyon. Pero dahil sobrang dikit ng laban, inabangan namin ang replay para panooron ulit. Sa pangalawang beses naming manood, ang binantayan namin ay ang kilos ng dalawang fighters. Yung mga gestures nila bago mag-umpisa yung laban, yung kilos nila sa loob ng ring, at reactions nila pagkatapos ng laban. Walang gaanong kakaiba sa body language ni Pacquao at Marquez bago mag-umpisa yung laban. Sa mismong bakbakan, don namin napansin na parehong may pagbabago sa kanila. Nagmukang mahina ang mga suntok ni Manny. May kinalaman malamang yung desisyon nya na maging mas magaan pa kahit pasok na sya sa timbang na pinapayagan para sa laban nila. Ginawa daw ni Manny yon dahil gusto nyang maging mas mabilis pa. Mukang effective naman dahil komportable si Manny sa speed nya, kaso dahil gumaan ang bigat ng braso nya, kitang mas mahina ang power ng mga suntok nya. Malakas parin, pero kung ikukumpara sa mga dating laban nya, mas mahina talaga ang power. Habang si Marquez naman, sa hindi inaasahang pangyayare 'e nakapagdevelop ng mga suntok na may mas powerful na impact. Mukang maganda ang pagkukundisyon na nagawa ng kampo nya dahil hindi sya bumagal sa proseso ng pagpapabigat. Sa weigh in nila, tumimbang si Manny ng 143 pounds habang si Marquez naman sa 142 pounds, pero nung laban kitang mukang mas mabigat yung walking weight ni Marquez. Kahit natatamaan si Marquez ng mga suntok ni Manny, hindi sya masyadong nayayanig. Pero pag tinamaan naman ni Marquez si Pacquiao, umaalog sya kahit sa gloves nya lang tumatama. (walang score ang sapak sa gloves.) Nung natapos ang round 12 napansin din namin na mabilis tinaas ni Marquez yung mga kamay nya, habang si Manny ay umiling habang pabalik sa corner nya. Bagay na nakita ng mga tao bilang sign ng kasiguraduhan ni Marquez sa sarili at pagdududa sa side ni Manny. Pagkatapos manood ng pangalawang beses, kay Marquez parin namin binagay yung panalo.

Sa una at pangalawang beses ng panonood ng laban, ang binantayan at pinagbasihan namin ng winner ay kung ano ang normally binabantayan at pinagbabasihan din ng average na manonood. Sa pangatlong beses namin manood ng laban (replay) sinubukan naman naming mag-score. Dikit lahat ng round kaya sa 10-point scoring system mukang 9 at 10 lang talaga ang karapatdapat na ibigay sa bawat fighter. Hindi kami professional analyst at itong mga score na 'to ay base lang sa kung sino ang lamang sa mga suntok na nag-connect.

round 1: 10 to 9 Marquez
round 2: 10 to 9 Marquez
round 3: 9 to 10 Pacquiao
round 4: 9 to 10 Pacquiao
round 5: 10 to 9 Marquez
round 6: 9 to 10 Pacquiao
round 7: 10 to 9 Marquez
round 8: 10 to 9 Marquez
round 9: 9 to 10 Pacquiao
round 10: 10 to 9 Marquez
round 11: 9 to 10 Pacquiao
round 12: 9 to 10 Pacquiao

Sa scoring namin, lumabas na tig anim na round ang nakuha ni Pacquiao at Marquez. tig 114 ang score na binigay namin sa kanila. Yan din ang score na binigay ng isa sa mga judges.

Sa pinakitang punch stats ni Freddie Roach sa twitter nya, lumabas na konti lang din ang nilamang ni Manny sa punches connected.


Pagkatapos namin manood ng pangatlong beses, doon namin naintindihan kung baket si Manny ang nanalo. Sa ginawa naming scoring at base sa punch stats mas magiging katanggap tanggap kung ginawang draw yung laban. Pero sa tingin namin, hindi lang yang mga yan ang naging basehan ng desisyon. Si Manny Pacquiao ang nakatungtong ngayon sa pinaka tuktok ng boxing world. Sa halos lahat ng fights na sobrang dikit ang score, pabor sa super star, o sa sitwasyon na 'to, pabor sa super star at reigning champion ang magiging desisyon ng judges. Kung bumaliktad ang sitwasyon, at halimbawang si Manny ang challenger, sa ganong kadikit na laban malamang talo si Manny. Sa tingin namin, para manalo si Marquez sa ginawang laban, dapat sya ang naging aggressor. Kaso hinde. Sa lahat ng round, kitang si Manny ang sumusugod, habnag puro atras si Marquez. Isa yon sa mga naging panabla ni Manny. Ang isa pang lamang ni Manny ay ang inaabangang laban nila ni Floyd Mayweather Jr. Inaasahan na papalo ng 200 million dollars ang hahatakin ng laban na yon kung nagkataon. Kung natalo si Manny, magkakaron ng lamat ang anticipation para don. Pwedeng nakaapekto rin yon sa outcome ng laban ni Pacquiao at Marquez.

Hindi kasing convincing ang panalo ni Pacquiao ngayon kumpara sa mga nakaraang panalo nya. Madami parin ang magdududa at may dahilan naman talagang pagdudahan ang panalo ni Manny kung performance lang ang pagbabasihan. Pero nagkataong hindi ganon kasimple ang boxing. Pati kami, may duda rin sa pagkakapanalo ni Pacquiao. Kahit mismong si Manny, sa loob-loob nyan, malamang may pagdududa parin. Pero bilang fighter, kailangan nyang isipin na sa kanya ang panalo. Malaking boost sa mga boksingero ang tiwala sa sarili. Kung matutuloy ang laban nila ni Mayweather, hindi pwedeng may doubt sa sariling kakayahan si Pacquiao. Pero bago nya harapin si Mayweather, mukang may plano pa ang Team Pacquiao na pagbigyan ulit si Marquez ng isa pang bout. Sinabi ni Bob Arum na gusto nyang maglaban ulit si Manny At Marquez. Sinabi ni Roach na kahit nauumay na sya, kailangan mangyari ang pang-apat na paghaharap. At wala namang kaso kay Manny na makalaban ulit ni Marquez. Sa pinakita ni Marquez, at sa paraan ng pagkakapanalo ni Manny, sobrang deserving si Marquez na mapagbigyan ulit. At kailangan din ni Manny ng pagkakataon na mapatunayan sa lahat na sya talaga ang better fighter, sa pamamagitan ng convincing at dominating na panalo. Kailangang magkaron ng Pacquiao Marquez 4

Ang badtrip sa nangyare, magiging kontrobersyal na mantsa yan sa historic na boxing legacy ni Manny Pacquiao. Pero aminin na natin ang totoo, kahit medyo malamya ang naramdaman natin sa controversial na panalo ni Pacquiao, mas ok parin yan kesa sa mararamdaman natin kung nagkataong na-declare si Juan Manuel Marquez na new WBO welterweight champion of the world.

"Incredible Indian Hulk."

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


Ang incredible dyan, bigla syang nagkaron ng mga bote.

Indian movie ba talaga yan? Ba't hindi sila kumakanta?

binasag ni ako sa Tip Box

"Backpacking"

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


tinimbre ni JerMooEllaine sa Tip Box

"Meme Busters"

By mgaepals on 08:00

comments (0)

Filed Under:

Totoo bang pasimpleng dinugas ni Marquez si Pacquiao?

Kumakalat ang images na 'to ngayon, na nagpapakitang inaapakan DAW ni Juan Manuel Marquez si Manny Pacquiao. Kasama sa pagkakalat ng mga shots na yan ang bintang na tactic yan ni Marquez para hindi makakilos masyado si Pacquiao. Kung panonoorin nyo ulit ang laban, makikita nyo na madalas ding naapakan ni Manny si Marquez. Hindi sinasadya ng dalawang boxers na magkaapakan ng paa. Kaliwete si Pacquiao habang sa kanan naman sanay si Marquez. Normal na magkaapakan ng paa ang mga boxers na may opposite fighting stance. Mukang ginawa lang 'tong image compilation na 'to ng taong gusto bigyan ng excuse kung baket nahirapan si Manny kay Marquez. 

Meme... BUSTED.

tinimbre ni HalayKid sa Tip Box

Pre fright Inter-VIEW.

By mgaepals on 10:00

comments (0)

Filed Under:


Masisisi mo ba yung isang reporter dyan kung mapasulyap sya 
sa dibdib ni Jessa Hinton nang paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit?
(Jessa Hinton is a 2011 Playboy playmate.)

Kaya pala nag-shades si Chavit.

binagsak ni kurenai sa Tip Box

Not-so-great wall of China

By mgaepals on 08:03

comments (0)

Filed Under:


Hindi pala lahat ng bawal masarap.

binalandra ni drek sa Tip Box

Gago ka ba?

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Ugali mo bang may pagsasabihan ka ng sikreto sa isa sa mga kakilala mo? Tapos sasabihin mo sa kanya na wag nyang ipagkalat kahit kanino? Pero gagawin mo naman yon sa lahat ng kakilala mo? Kung gawain mo yan...

...Aba gago ka nga.

Sagot na Tanong

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Nelson: Brad, matanong lang kita. Baket sa dami ng nagkakagusto sayo, si Hannah pa ang niligawan mo? Taga Bulacan pa yon, diba? Hinahatid mo sya araw-araw pauwi sa kanila. Isang oras papunta, isang oras pabalik. Baket hindi na lang si Pam ang niligawan mo? Pinaka malapit sa inyo ang bahay non diba?

Randy: Matanong din kita brad. Halimbawa uhaw ka. Tapos may umiihi sa tabi mo. Pinaka malapit sayo yon diba? Iinumin mo ba yung ihi nya?

"Ikaw!"

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


Hindi lang namin alam kung ano ang mas nakakatakot,
kung nung sinisigawan nya yung mga tao o nung kumakanta na sya.

He is the power.

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:




By the power of GAYskull...

Ask The Authors: "keyboard"

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Tanong galing kay UV:
Bakit po ba ang mga taong nag-tatype (sa keyboard) magaan sa mga characters pero pagdating sa SPACEBAR at ENTER galit na galit, yung tipong pinaririnig talaga nila.

I'm a big fan of MgaEpal.com, I could not end my day without reading your page. Natutuwa po ako kung pano ninyo nakikita ang mga bagay-bagay na hindi kayang mapansin ng iba (dahil siguro ninja kayo). Sana po magtagal pa kayo. Maraming salamat po.

MgaEpal.com Authors:
Sinasagot namin itong tanong mo habang inoobserbahan kung pano mag-type ang isa sa amin. Sa ngayon, hindi pa namin alam ang sagot kaya itutuloy lang namin ang pagta-type nito. Tatlong beses pa lang namin pinindot yung "enter" kaya hintayin mo lang. Kailangan naming pahabain 'tong tina-type namin para mas maobserbahan ang natural way of typing. Sandali na lang malapit na, nagkakaron na kami ng idea. Ops! Ok meron na.

Sa pagtatype ng nakasulat sa taas, napansin namin na hindi naman talaga mas madiin ang pindot sa mga enter at spacebar. Nagmumuka lang mas gigil ang pagpindot dahil sa tunog. Kung susubukan mong biglang pindutin yung mga characters, tapos pindutin mo din yung spacebar na may kaparehong lakas ng impact sa pagpindot mo sa characters, mapapansin mo na mas maingay talaga yung spacebar. Mas mahaba kasi sya, kaya malaki ang lose edges nito. Ganon din sa comparison ng characters at enter key. Basta pag mas mahaba ang key, mas malakas ang tunog na napo-produce. Para lalo kang malinawan, subukan mo namang pumindot ng kahit anong character key, tapos pindutini mo ng may kaparehong lakas yung F1, mapapansin mo naman na mas mahina ang tunong ng pindot mo sa F1.

Maraming salamat sa tanong mo. Mukang maraming fi-finger sa keyboard nila pagkatapos basahin 'to.

Manny Pacquiao warming up for Juan Manuel Márquez part III

By mgaepals on 19:36

comments (0)

Filed Under:

    The doubters and the sceptics had better take cover because Manny Pacquiao will have more than Juan Manuel Márquez in his sights when he steps into the ring at Las Vegas on Saturday night for the final fight in one of boxing's most heralded trilogies. Three years after earning the most controversial victory of his gilded career Pacquiao, now 32, is aiming to bury once and for all the notion that he has been the beneficiary of larceny in his two previous meetings with the rugged Mexican. Many observers believe that Márquez won both fights. The ringside judges, in their infinite wisdom, thought otherwise, ruling the first fight, in 2004, a draw.
    Manny Pacquiao and Juan Manuel Marquez
    Manny Pacquiao, left, and Mexico's Juan Manuel Márquez at the MGM Grand in Las Vegas on Wednesday. Photograph: Richard Brian/Reuters
    The pair met again four years later and despite Márquez again being on top for much of the fight, a split-decision fell to the eight-division Filipino world champion.
    Bedlam ensued, followed by a million saloon-bar arguments and then the inevitable march to a third and final instalment. Pacquiao is predicting a victory and is hoping for a decisive one. "What I need to do with my performance on Saturday is prove that I won the fight, so that there can be no argument this time," he said. The only sure way to avoid any debate would be to stop the contest before the regulation 12 rounds but for all the Filipino's brilliance, that is easier said than done. Márquez, as he proved in getting up from four knockdowns in their two previous meetings, is durable as well as rugged. He will also step into the ring carrying a strong sense of injustice. "I know I'm going to have to win the fight in a very convincing manner and hope that the judges score what they are seeing. They were not very impartial the last time," the 38-year-old said. 
    The Mexican is stepping up to the welterweight division (144lbs) for this fight and is noticeably bigger and more muscular than he has been before — a transformation he attributes to his new strength-and-conditioning trainer, Angel Hernández. Yet if the boxer is happy with Hernández, the coach's presence in the camp has seen accusations fly. Three years ago he was the key witness in the US government's case against the former track coach Trevor Graham, testifying in court that he had supplied the former Olympic sprint and long jump champion Marion Jones and the men's former 100m world-record holder Tim Montgomery with a wide range of performing-enhancing drugs. Victor Conte, the former owner of the infamous Balco drug laboratory which supplied steroids to dozens of US athletes, has been among those critical of Hernández's involvement in Márquez's preparation. "The Feds rolled him over on everybody involved in the case, including several world champions and Olympic medallists. Bottom line. 
    We both know people from the dark side of the sport, and I'm certainly suspicious of current activities," Conte recently said to Ring Magazine. Hernández has responded with the threat of legal action, while Márquez has insisted he is happy to be drug tested, as long his opponent is similarly checked. But Pacquiao has remained above the fray, preferring to discuss the fight in strictly boxing terms. "It has been a long time since our last fight and seven years since our first fight. I think over the years I have become a much better boxer. My style and my technique have improved, I am more experienced and I have developed my right hand," he said. "When we fought before I had never really studied how to fight counterpunchers like Márquez. Now I am ready to fight a counterpuncher."

Pacquiao Vs. Marquez Fight Part 3

By mgaepals on 18:53

comments (0)

Filed Under:

Watch Manny "Pacman" Pacquiao Vs. Juan Manuel Marquez Fight Part 3 Live Stream!!!



















Pacquiao Vs. Marquez Live Stream!

Inter-ACTIVE

By mgaepals on 08:03

comments (0)

Filed Under:

Tang*na buti na lang hindi sya nanuod ng porn.

tinimbre ni Jimmy Castro sa Tip Box

"Ipokito ka kung galit ka sa mga taong mas mababa ang tingin sa mga Pilipinong baluktot mag-english. Pero ikaw mismo, mas mababa ang tingin mo sa mga Pilipinong baluktot mag-tagalog." -MgaEpal.com

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


"Should she stay, or should she go?"

By mgaepals on 11:01

comments (0)

Filed Under:

 image hugot dito

Masyadong nang nabababad sa balita ang issue tungkol sa pagbabawal ni Justice Secretary Leila de Lima na makaalis ng Pilipinas si Gloria Macapagal-Arroyo, para magpagamot sa ibang bansa. Ano pa bang dapat usisain dyan? Sobrang obvious na tama lang yung ginawa ni Leila de Lima. Ang sabi ng spokesperson ni Gloria na si Elena Bautista-Horn, nasa imagination lang daw ni de Lima ang posibilidad na tumakas si Gloria. Hindi kaya sya ang nag-i-imagine? Nag-i-imagine na mapagkakatiwalaan si Gloria.

Elena Bautista-Horn
image hugot dito

Umaapila ang team Arroyo dahil pinagkakait daw sa kanila ang right to travel. 'E ano ngayon? Baket, nung taong bayan ba ang umaapila sa mga pinag-gagagawa nila nung presidente si Gloria, nakinig ba sila? At baket nga ba umaasa 'tong mga 'to na magtitiwala ang mga tao sa sinasabi nilang hindi sila tatakas? Ilang beses na bang sumabit ang pangalan nila sa kung ano-anong kalokohan? Saan huhugot ng tiwala ang mga tao para sa kanila? Parang syota lang yan na ilang beses mo nang nahuling humahaliparot, tang*na magtitiwala ka pa ba? Kung gusto nila ganito na lang; Sige payagan sila makaalis ng Bansa, pero pag tuluyan silang tumakas, yung mga abogado, spokesperson, at lahat ng umaapila para sa kanila ng ikukulong.

Isa daw sa kaduda-duda sa planong pag-alis ng mag-asawang Arroyo ay ang dami ng bansang balak nilang puntahan. Kung magpapagamot ka lang, ba't mo nga naman kailangan magpalipat-lipat sa higit kumulang lima o anim na bansa? Pwede naman daw pumili ng doctor si Gloria at papuntahin na lang yon dito sa Pilipinas. Ang nakakaloko lang, nag-offer si Noynoy na gobyerno ang gumastos para sa pagpapagamot ni Gloria. Excuse lang mister president, pero kagaguhan yan. Galing sa buwis yan 'e. Pera namin yan. Kung gusto mo pera mo ang gamitin mo. Pwede ding pera ni Kris. Pero wag ka naman masyadong mawili sa pag-gastos sa pera ng bayan. Kung kukuha ka ng pangpagamot sa mga Arroyo galing sa binayad naming tax, kinurakot mo na rin kami. Tang*na kung kayang lumipat-lipat ng bansa nila Gloria, malamang kaya nilang gastusan ang sariling pagpapagamot (Kung totoo ngang may sakit.) Baket, tingin nyo ba walang pera ang mga Arroyo? Wag na tayong magtanga-tangahan, alam nating umaapaw ang bulsa nyang mga yan.

Naglabas ang team Arroyo ng mga pictures na nakasuot ng brace o spine support si Gloria. Patunay daw na may sakit talaga ito.

image hugot dito

Kahit pa video ang ilabas nila, hindi talaga maiwasan na magduda ang mga tao. Kahit sino naman pwedeng magsuot nyan 'e. Pag nagsuot ka ba nyan, may sakit ka na rin sa spine/buto? Halimbawa gumamit ka ng saklay, pilay ka na ba? Kung sisimentohin ang braso mo, ibig sabihin ba bali na yon? Lahat ba ng may armband basketball player na? At ang classic na pag may DSLR ka, photographer ka na ba? Kuha nyo naman yung point. Kaya nagdududa ang karamihan kahit may mga pictures si Gloria na may brace ay dahil hindi yan sapat na basehan.

Halos sampung taon nilang pina-ikot sa palad nila ang Pilipinas noon. Ang kapal ng muka nilang magpa-awa at humiram ng tiwala ngayon. Sa totoo lang, kahit dun sa brace na suot ni Gloria medyo duda kami. Hindi ba tripod lang yan at takip ng inodoro?

Pangbasag

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

"Nung pinanganak ka ba sigurado ba yung doktor na nilabas din ng nanay mo yung utak mo?"

"Kailangan namin ng pictures ng hayop para sa school project. Anong facebook account mo?"

"Hi miss, para kang durian. Muka kang masarap, kaso ang baho mo."

"Kung kakausapin moko, kumuha ka muna ng translator. Hindi ko kasi maintindihan yung katangahan mo."

"Wag na tayong mag-away. Pwede naman nating mapasaya ang isa't-isa. Sasaya ka tuwing dadating ako. Sasaya ako tuwing aalis ka na."

"Pwede bang tumalikod ka muna, nalilito kasi ako kung ano ang una kong iinsultuhin sa muka mo"

Completely incomplete uniform.

By mgaepals on 08:00

comments (0)

Filed Under:


Sa mga studyante, para siguradong walang nakatagong kodigo.
Yung teacher, wala trip lang nya.

pinakawalan ni mepthugz sa Tip Box

"Ang pikon ay laging talo."

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Kung totoo ang kasabihan na yan, tang*na matagal nang talo lahat ng Pilipino. Dahil ang lakas mang-asar ng gobyerno.

Ninja Babies

By mgaepals on 08:00

comments (0)

Filed Under:


Ang infant aquatic survival training ay ginagawa ng mga magulang na gustong bigyan ng fighting chance ang mga baby nila na 6 months to 12 months old, sa aksidenteng pagkalunod. Ginagawa yan ng may tamang procedure at may supervision ng experts. Wag na wag gagawin sa mga baby nyo dahil hindi basta-basta yan, ay may sunod-sunod na steps na dapat sundin. Lalong wag gawin sa baby nyo ang infant aquatic survival training kung ikaw mismo hindi marunong lumangoy.

"Walang Personalan..."

By mgaepals on 07:17

comments (0)

Filed Under:

In every decision that each of us do, we all have to make certain sacrifices. Kaya kung may mga topic o issue na hindi namin pinuputok sa MgaEpal.com, ibig sabihin tinimbang namin ang possible positive and negative effect nito. Kung mukang pangmulat mata o enjoy lang, ilalabas namin. Pero kung mukang personal ang pundasyon, hindi namin susupotahan yan. Yung kumakalat na Aquino-Cojuangco video, madami nang nagtimbre sa amin non. Sa totoo lang sobrang tagal na naming nakita yon noon pa. Maganda yung video. Pay punto at may basehan. Pero ano ang PURPOSE nung video? Kung yung naglabas nung video na yon, naglabas din ng video tungkol sa mga kalokohan ni Arroyo nung presidente sya, o kaya kung nilabas yung video na yon bago pa maging presidente si Noynoy, hindi kami magdududa. Kaso hindi 'e. May katotohanan ang IBA sa mga sinasabi sa video, pero dahil hindi namin makita ang consistency ng political stand nila, hindi kami convinced na kapakanan ng mga Pilipino ang concern nung naglabas ng video. Malakas ang kutob naming personal ang atake nung video. At kung isa o dalawang political clan lang ang babanatan mo, magmumuka ka lang ding talangkang politiko na humihila sa iba para sa sariling pag-usbong. Hindi kami pro Aquino-Cojuanco. Pero hindi kami magpapadala sa isang video na nilabas ng mga taong ngayon lang umiepal. Bago kayo mag-aklas, itanong nyo muna sa sarili nyo... Bakit dilaw lang ang binabanatan nila kahit may dumi rin ang ibang kulay sa politika? Nasan sila nung si Gloria ang dapat ibulgar?

Ano sa tingin mo? Blow blow ba?

By mgaepals on 08:02

comments (0)

Filed Under:


Ang rinig kasi ni Bobby Paquiao "No hitting below the bell." 
'E nasa baba pa nga naman ng ring yung bell.

binagsak ni Dee Arr sa Tip Box

Ginago si gago...

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


New paint job: 15,000 pesos
Kabadtripan: Priceless

pinarada ni Quaz sa Tip Box

"Live"

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:


Gago live talaga yan. Nagpapahing lang, napagod mag-swimming.

pinalutang ni Toshnosh187 sa Tip Box

Extreme timing and precision.

By mgaepals on 08:00

comments (0)

Filed Under:


Ang galing siguro mag baseball neto.

 tinimbre ni Empoy1925 sa Tip Box

"Teach me how to english, teach me teach me how to english."

By mgaepals on 04:27

comments (0)

Filed Under:

May nilaan daw na 179 million pesos ang Department of Budget and Management para sa National English Proficiency Program ng Department of Education. Para daw yan sa paghasa ng English speaking skills ng mga teachers sa elementary at high school... Baket??? Ano bang balak nilang gawin? Bigyan ng english tutor bawat teacher? 179 million? Ang laki non. Kung tutuusin mas matututo ka mag-english kung magbabasa ka ng libro at manonood ka ng TV show na english. At mahahasa yan kung gagamitin mo sa conversation. So magkano lang ba magpagawa ng DVD ng basic english lessons? Yung mga tipong nakikita sa knowledge channel. Tapos pabasahin sila ng Archie comics. Kahit pa corny yung Archie comics, madaming ginagamit na conversational english terms at idiomatic expressions don, kaya maganda kung gusto mong hasain yung english mo. At bigyan ng english proficiency test yung mga teachers bago sila tanggapin para magturo. Karamihan naman ng teachers sa atin marunong mag english. Nagkakatalo lang sa diction o pronunciation, kaya para mahasa din yon, gawin nilang required ang pagsasalita ng mga teachers ng english sa loob ng campus.

Pero kung kami ang tatanungin, mas mabuti pang hindi masyadong mahusay magsalita ng english ang mga teachers. Baka lalo lang komonti ang mga teachers sa Pilipinas. Maliit ang sahod ng mga guro. Pag gumaling sila mag-english, malamang mag-call center na lang yang mga yan.

IRON Chef

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


Kahit bacon pa ang lutuin mo, siguradong walang gusot.

prinito ni Quaz sa Tip Box

Astig, pero hinde...

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Ito na ang pinaka safe na door locking mechanism...

...kung lahat ng taong may planong pagnakawan ka ay bingi.

kinatok ni JumEE sa Tip Box

Anti-Epal bill?

By mgaepals on 14:05

comments (0)

Filed Under:

Hindi kami sigurado kung si Senator Miriam Defensor-Santiago mismo ang nag-isip ng pangalan para sa bill na yan o binigyan lang ng "nickname" ng mga tao. Sa bill na yan, ipagbabawal na yung pagpapabida ng mga public officials sa mga projects na ginagawa nila. Sa madaling salita, bawal na magbalandra ng profile pic nila sa bawat pinagawa nilang kalsada, sa mga dino-donate nilang tanod-mobile, sa mga pinatayo nilang bus stops at kung ano-ano pang proyekto na ginagawa nila para maging pogi sila sa mata ng mga tao. Sabi nga ni Miriam, hindi nila dapat angkinin ang papuri sa bagay na galing naman sa tax na binayad ng mga Pilipino.

 mga bida hugot dito

Pag naaprubahan yang "Anti-Epal bill", may positive, pero may negative din na epekto yan. Positive dahil hindi na magkakaron ng free "advance campaign sign" ang mga politiko. Yung iba kasi, ginagawa lang yang mga projects na yan para nga mapromote ang sariling pangalan nila, para pag dating ng next election familiar sa tao ang muka at pangalan nila. Sa negative side naman, kokonti ang projects na uumpisahan, itutuloy, at matatapos. Mas hindi kikilos ang ibang politiko dahil nga hindi naman sila mas sisikat o mas babango.

Para sa amin, sa opinion lang namin, mas negative ang bill na yan kesa positive. Dahil nga mas mawawalan ng gana gumawa ng projects yung mga public officials. 'E kahit naman hindi gumawa ng projects yang mga yan, mangungurakot parin yan. Mabuti nang may mapala tayo kahit papano sa tax na binabayad natin, kung ang kapalit lang naman ay mairita tayo sa pagpapabida nila.

Ganito na lang... Wag nang ipagbawal yung paglalagay nila ng pangalan at pictures nila sa mga proyekto. Basta wag ding ipagbawal sa mga tao ang pag-vandalize sa mga signs nila. Sa bawat sign board ng muka nila dapat may nakakabit na pentel pen, para anytime pwedeng lagyan yung picture nila ng mga paboritong pang-vandal ng mga Pilipino, tulad ng bigote, itim na ngipin, pimples, salamin, at syempre sungay.

Manny Pacquiao and Jimmy Kimmel duet. (How Deap Is Your Love)

By mgaepals on 14:00

comments (0)

Filed Under:


pinaglaruang image 
hugot dito, dito

Curious lang...

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Ba't may mga taong sasabihin sayo na pakiramdam nila ginawa ka ni Lord para sa kanila. Pero ang ipaparamdam nila sayo, ginawa sila ni Lord para sa iba.

Open line...

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

binagsak ni XaskeT sa Tip Box

"Magical Hanky Panky"

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:




Buti na lang babae ang nakaisip ng magic trick na 'to.

Pinaghugutan: Jack-En-Poy

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Nung mga unang pabasa dito sa MgaEpal.com pinutok namin ang pinaghugutan ng "batobatopick". Pero sinabi din namin na hindi pa namin maisip kung baket "jack empoy" at kung baket "sinong matalo syang unggoy". Pero nung nakaraan, may nagtimbre ng information tungkol dyan, na naging clue sa paghahanap namin ng sagot.

Kaya naman pala hindi namin mahanap noon ang pinaghugutan ng "jack empoy", dahil hindi sya ganyan i-spell. Kung nagkaron lang ng official na spelling yang laro na yan edi mas madali sana ang buhay. Sa lumabas na searches, pinaka tinatanggap na spelling ang "jack en poy", kaso transformed word lang yan. Ang pinaka unang documented na pag-gamit ng larong yan ay sa China, 2,000 years ago. Unang nakilala yung larong yan as shoushiling. Pero hindi mga Chinese ang nagdala nyan sa Pilipinas. Pagkatapos lumaganap ang larong yan sa China, pag dating ng 18th century, sa Japan naman yan nauso. Tinawag naman syang "jan ken po". Nung sinakop tayo ng Japan noon, isa yan sa mga minana natin sa kanila. Sa pagsasalin-salin ng larong yan, naiba na lang ang tawag. Mula jan-ken-po, naging jack-en-poy dito sa atin.

Medyo hindi naman kagandahan ang theory kung baket nadugtungan ng "Sinong matalo syang unggoy." Wala naman daw nyan nung sa Japan nilalaro yan. Nung sinakop nila ang Pilipinas noon, mas mababa ang tingin ng karamihan ng sundalong Hapon sa mga Pilipino, at dahil mas maputi sila, unggoy ang isa sa panglait na ginagamit nila sa mga Pilipino. May mga pagkakataon daw na pag walang magawa yung mga sundalong hapon, palipas oras nila maglaro nyan, na sinasabayan ng kanta na kung sino ang matalo, unggoy o Pilipino. Na ginaya naman ng ibang Pilipino sa translation na tagalog. Pero theory lang yan, kaya hindi na dapat patulan. Pero kung apektado ka at feeling mo gusto mo lang bumawi sa Japan kahit konti, sa susunod na maglaro kayo nyan gawin nyong "Jack-en-poy, holiholi hoy, sinong matalo syang nag-iimbento ng mga mga retarded na bagay."

hinugot sa tip ni Ako si Brian at Jep

"vertical smile."

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


A healthy "V" is a happy "V".

Hindi lang alam ng photographer, pero kanina pa sya naka-smile. Natatakpan lang ng palda.

tinimbre ni Robee Sarah Alcantara

"Kung nalulungkot ka, mabisang pangpangiti kung iisipin mo yung mga nagawa mong katangahan noon. Isipin mo na rin kung katangahan lang din ba ang pinoproblema mo ngayon." -MgaEpal.com

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Dede Got Talent

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Singtigas ng bakal. Singtibay ng bato. Sintatag ng isang blokeng s*so.

binagsak ni bongbong sa Tip Box

"Delayed"

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Misis: Hon, delayed ako sa regla ng one month. Pero wag mo ipagsabi nakakahiya.

(Kinabukasan may dumating na taga Meralco)

Meralco: Ma'am delayed po kayo, one month.
Misis: Ha!? Pano mo nalaman?
Meralco: Nasa record po.

Mister: Aba! Bakit nakarecord dyan na delayed ang misis ko?
Meralco: Kung gusto nyong mawala sa record, magbayad po kayo.
Mister: Kung ayoko?
Meralco: Edi puputulan ho namin kayo
Mister: Tarantado ka pala eh! Anong gagamitin ng misis ko!?
Meralco: Pwede naman po siyang gumamit ng kandila.

Kaya magbayad on time, para maka-iwas sa madilim na usapan.

hugot sa tip ni hiro uchida

Kanya kanyang trip lang yan...

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


P.I.P.
Play In Peace.

tinimbre ni ramonechiverri sa Tip Box

"Male Model"

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


Tang*na ano yan photo booth?

pinagawalan ni Quaz sa Tip Box

FAST food.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Everybody loves kung FOOD fighting. Hoo!
Her hands are fast as lightning. Haa!

binagsak ni EugeneIdol sa Tip Box

Curious lang...

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Pag may magshota sa pilikula na biglang maghahabulan sa beach, baket laging taya yung lalake?

Bieber Slam

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Dahil sa WWE bawal ang mga roody-poo candy ass.

And that's the bottom line, 'cause MgaEpal.com said so.

stunner ni weswes sa Top Box

"Dance vs Zombies"

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Kung ayaw mong sobrang mabilib, wag mong tapusin yung video.


Astig.

hinagis ni a.c sa Tip Box

Trip or Treat?

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

...Trip!



treat ni JerMooEllaine
sa Tip Box

"Party Rock is ON A HOUSE tonight."

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Happy Halloween.

tinimbre ni Toffee sa Tip Box

"Asal Askal"

By mgaepals on 01:10

comments (0)

Filed Under:


Kung may aso lang sana non sa SM Pampanga...
Kung may aso lang sana don sa kalsada sa China...

binagsak ni Catherine sa Tip Box

MgaEpal.com ReacSONG (React with a song)

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Video tinimbre ni Hamiel 
 


"Maling Akala" 
Eraserheads

Angry Birds

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


hugot sa tip ni Tophe

Ask The Authors: "future" (updated)

By mgaepals on 10:59

comments (0)

Filed Under:

Tanong:
Good day po mga authors here sa site. Itago niyo nalang po ako sa name na Janice, well I'm just 17 years old and kaka-break lang po namin ng boyfriend ko na 2 years ahead sakin. Description about him: Grade 4 lang po ang natapos niya, broken family po sila. BABAERO, sex addict, tapos mahilig sa maganda kahit hindi siya kagwapuhan. Siya po ang bunso and may kanya-kanyang mga bagong asawa na yung mga parents niya. Well, this is my problem, 2 months po akong buntis, at unfortunately kakabreak lang po namin. Happy syempre at first pero nung tumagal wala na. Super babaero siya pero nagpakatanga ako, pinakilala ko pa siya sa family ko. Payag siya na buhayin ang bata pero magkalayo kami. Para siyang NPA! Palipat lipat ng tirahan! Hanggang sa nalaman ko na may feelings parin siya sa EX niya. At mahal na mahal ko parin siya.

Ang tanong po ano pong pwede kong gawin para maka move on na?

PAHABOL pa po. Ano po ba yung THE BEST na pampalaglag? Gusto ko pa po mag-aral. 3rd year high school pa lang po ako eh.

MgaEpal.com
Eto na ang pinaka nakakalalungkot na tanong na natanggap namin galing sa reader. Nakakalungkot hindi dahil sa problema mo, kundi dahil sa takbo ng utak mo. Mukang desidido ka nang ipalaglag yung bata, at ang pinuproblema mo 'e kung pano maka move-on. Gago ka ba? Sa tingin mo hindi ka na makakapag-aral kung hindi mo ipapalaglag yan? Baket, aagawin ba nung baby yung utak mo? Pasensya na pero kung padadalahan nyo kami ng mga ganitong tanong, hindi kami pwedeng maging kalmado sa pagsagot. Pero sige, sa pag move on, simple lang yan, isipin mo na wala kang future sa tarantado mong boyfriend. Pero hindi dahil grade 4 lang ang tinapos nya, at broken family sila. Walang kinalaman yon kung baket wala kang magandang future sa kanya, dahil hindi sa level ng education o family situation dinadangkal ang pagkatao. Kung babaero talaga sya at mahirap hagilapin yun ang basehan kung baket wala kang future sa kanya. Kung ok sa kanya na suportahan yung bata, tanggapin mo yung ibibigay. Ipaalam mo sa mga magulang nya na buntis ka. Kung gusto nilang makasama yung magiging apo nila, sila ang tutulong sayo at sa pamilya mo sa pagpapalaki sa bata. Tumigil ka muna sa pag-aaral kung kailangan. Pero ituloy mo pag pwede na ulit. Wag kang kumuha ng kursong nursing, dahil kung kami lang, wala kaming kilalang nursing graduate na naging nurse. Hasain mo yung english speaking skills mo para makapag-call center ka. Mas malaki ang sweldo don. Mga payo na 'to para makatulong sayo at sa magiging baby mo. Kung desidido ka not to keep the baby, wag mong ipapalaglag. Ipaampon nyo na lang yung bata. At least man lang magkaron sya ng pagkakataon sa mundo. Pero sana, sana talaga palakihin nyo yung baby. Sana maging astig kang nanay sa kanya. Wala kang future sa boyfriend mo, pero may future ka pa. Sana naman bigyan mo din ng chance na magkaron ng future yung dinadala mo.

UPDATE: 
From "prinsesa" (A concerned reader.)
Gusto ko lang sana maging inspirasyon dun sa sumulat sainyo na si Janice, I got pregnant when I was 15. Ok naman sana yung tatay ng anak ko kasi ok nman yung pamilyang pinanggalingan niya at graduate na siya ng high school nung time na yun, kaya lang sobrang batugan, gusto niya ipalaglag ko yung bata. 4th yr. HS ako nun at sa catholic school nag aaral. Bawal sa school namin ang buntis, pero tinuloy ko pa din ang pagbubuntis ko. Hindi ko naisip na masisira ang buhay ko, kasi alam kong blessing siya sa akin. Ngayon po ay 4 years old na ang anak ko, nakatapos din ako ng college at nakahanap din ako ng lalaking tumanggap sa aming mag ina ng buong buo. Kasal na kami at sakanya na din naka apelyido ang bata. Galing ako sa mahirap na pamilya kaya feeling ko responsibility kong i-share ang kwento ko sa mga batang nabubuntis. Hindi pa katapusan ng mundo, mabubuhay kayo kahit pa maging batang ina kayo. Kung ayaw niyo talaga ng anak, pwede naman ipaampon sa maayos na pamilya yung bata pag naipanganak na. Hindi lang tama na papatay ka ng bata dahil sa kasalanan mong lumandi ka ng maaga. Yun lang po. Salamat.

"Haging"

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Gagong bus kasi yan hindi man lang mag-excuse me.

tinimbre ni verto sa Tip Box

Tastes good. Sounds even better.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

"Al Fakher!"
Wag basahin ng malakas kung maririnig ka ng magulang mo.

Tinimbre ni 
James Howlett sa Tip Box

Ang mag-enjoy sa panonood mapupunta sa impyerno...

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


...Kita-kita na lang in hell.

kasalanan ni Sansriv sa Tip Box

K-Pop... "Kriminal -Pop"

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

"Kailangan pa bang imemorize yan?"

tinimbre ni Hellenika

Ask The Authors: "cool off"

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Tanong:
Ganito po kase, may ka-relasyon ako, mga 2 months pa lang ang itinatagal ng relasyon namen. Pareho kameng 2nd year highschool at magkaklase. Masaya naman ang pagsasama namen, nang biglang dumating ang dalawang araw na hindi ko sya pinansin. Yung dalawang araw na yun, exam namen. Hindi ko alam kung bakit ko siya hindi magawang lapitan nung araw/oras na yun. Tapos pagkalipas ng dalawang araw, sabado, nilapitan ko sya. Kaso, pagkatawag ko, ang sinagot nya lang, "Oh?". Tapos lumingon na sya sa iba, hindi na nya ako pinansin. Nang lumipas naman ang ilang oras namen, biglang may nakapagsabi na "cool off" na daw kame. Wala naman akong magawa, wala akong ibang masisi kundi sarili ko lang. Wala akong ibang masabi. Kasalanan ko. Ngayon, sa kwento kong yan, may tanong lang po ako Mgaepal. Paano po ba humingi ng "sorry" sa kakaibang paraan na hindi ko kailangang magsalita? O kahit kailangang magsalita, ayos lang po. Sana po masagot/matulungan niyo po ako.

MgaEpal.com:
Kid, nung sinasabi mo na yung problema mo, inumpisahan mo sa "nang biglang dumating". Ikaw ang gumawa, at hindi bagay na hindi mo kontrolado ang nangyare. Hindi yon "nang biglang dumating." Pero nandyan na yan, nangyare na. Ang tanong mo, kung pano magso-sorry ng hindi nagsasalita. Simple lang, magsorry ka sa utak mo lang, para ikaw lang ang makaalam. Pero kung balak mong malaman nung tao na nagsisisi ka, malamang kailangan mong magsalita. Alam mong ikaw ang mali, mag-sorry ka. Pag tinanggap ka nya ulit, ayos. Kung hinde, palipasin mo na. 2nd year high school pa lang naman kamo kayo, gagamitin na namin ang laspag na linyang "Bata pa kayo."

Payo lang sa mga batang "in a relationship" na ang mga status sa facebook, pag nararamdaman nyo na may gagawin kayong madrama, isipin nyo muna kung ano ang negative na epekto nito pag nagkataon. Matakot kayong maging masyadong madrama para hindi kayo gumawa ng masyadong pa-senti na bagay na MAS MAKAKASIRA, KESA MAKABUTI. Kung hindi nyo mapigilan, at least man lang tingnan nyo kung ano ang pwede nyong matutunan pagkatapos nyong gawin yung mga kalokohan nyo sa relationship. Dadating kasi ang panahon na makikilala nyo yung taong pinaka lapat para sa inyo. Pag dating ng panahon na yon, dun sisipa ang kaalaman nyo sa mga bagay na kailangan nyong iwasan para hindi masaktan yung taong dapat nyong alagaan.

Post Scriptum:
Hindi talaga namin alam kung baket niisip nyong samin ipadala yung mga tanong na may kinalaman sa love life. Kadalasan naman alam nyo yung sagot. Kailangan nyo lang yata ng second opinion. Nagpapasalamat, at natutuwa kami sa tiwala nyo, pero sa totoo lang mas matutuwa kami kung mga magulang nyo ang bibigyan nyo ng tiwala para tulungan kayo. Build a relationship with your parents. Wala kang dapat ikahiya o ikatakot kung susubukan mong maging MAS malapit sa kanila. Tandaan nyo, gago lang ang magulang na papalag pag gustong kumapit ng anak nila sa kanila.

Pag nireregla daw ANG IBANG babae, mas irritable at moody. Bumababa daw kasi ang endorphin level nila na may pampakalma o pampasaya na epekto sa tao. Kaya hindi natin masisisi ang ibang babae kung masungit sila pag may mens.

By mgaepals on 04:06

comments (0)

Filed Under:

Ang tanong...
...Ilang garapon ng regla ba ang lumabas sa babaeng 'to?


tinapon ni Soyti sa Tip Box

Mirienda para sa utak...

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Extension lang ng utak ang mga kamay. Kahit pa limang pares ang kamay mo,kung lagi kang pinangungunahan ng katamaran o kaya ng pagdududa sa sariling mong kakayahan, wala kang matututunan at wala kang magagawa. Sobrang astig na example si Tony Melendez, para sa mga taong nagdududa kung kaya ba nila ang isang bagay. Swerte ang mga taong nakaka-alam tungkol sa kanya. Sya yung tipo ng taong masarap makamayan, kahit pa sa paa.

hinain ni Alhea28 sa Tip Box

MANgelica Panganiban in...

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:



Kaya wag mag-adik sa cough syrup.

pinakawalan ni tektek sa Tip Box

"Yabang"

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Isko: Pare nakita kita kanina nung nakasakay ako sa helicopter ko ah. Tinatawag kita hindi mo naririnig.

Dado: 'A pasensya ka na pare kung hindi kita narinig, maingay kasi yung mga makina ng F1 turbo racing cars ko 'e.

Isko: 'A ganon ba? Kakalabitin nga sana kita galing sa helicopter. Magba-bungee jumping ako papunta sayo para makalabit kita. Kaso naisip ko bisitahin na lang kita dito.

Dado: Sakto nga yung pagbisita mo pare. Hindi kasi natuloy yung schedule ko ng pag-akyat sa Mount Everst.

Isko: Mabuti naman kung ganon pare. Matagal na kasi tayong hindi nagkikita. Naging busy kasi ako. Lagi kasi akong niyayaya ni Kobe Bryant mag-basketball.

Dado: Gusto ko nga ding makapag-basketball pare. Kaso si Megan Fox laging nagyayaya mag-date. Pinagbibigyan ko na lang kawawa naman kase.


Isko: Tara inuman tayo pare.


Dado: Tara, libre moko.

Isko: Ay nako pare, wala akong cash dito. Naiwan ko kasi yung wallet ko sa Saturn nung huling space expedition ko. Ikaw na lang muna manlibre.

Dado: Nako pare wala din akong cash. Naiwan ko sa year 1992 nung ginamit ko yung time machine ko.

Isko: Yayain na lang natin si Pareng Oscar. Sya na muna ang manlibre. Text mo.

Dado: Nagcha-charge pa ng battery yung cellphone ko sa secret laboratory ko. Ikaw na mag-text.

Isko: Sure. Naka-unlimited text naman ako.

Dado: Yabang mo naman.

Tupi

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:



May sewing machine, may washing machine, may drying machine, tapos ngayon may mga gumagawa ng folding machine. Aba 'e wag na din nating isuon yung mga damit, gumawa na lang din tayo ng mga mannequin na machine. Tawagin natin itong "Manichine". 

Labo ba? Oo ka na lang.

tinimbre ni BULATE sa Tip Box

Pasahan

By mgaepals on 01:36

comments (0)

Filed Under:


Ganito na lang... Magsuntukan yung mga taga DPWH laban sa mga taga MMDA, tapos kung sino matalo yun ang magpapagawa ng mga ilaw sa EDSA.

tinimbre ni Dondie sa Tip Box