Nung unang panahon sa Egypt, noong time na may mga buhay pang Eyptian Pharaohs sa Egypt, ay nililibing nila ang mga Egyptian Pharaohs na may kasamang malaking halag ng kayamanan nya sa Egyptian kingdom nya nung nabubuhay pa siya. Ang mga alagang hayop din nya ay nililibing din kasama ng mga namamatay na Egyptian Pharaoh. Pero bago nila isama ang hayop sa libingan ay minamummify muna nila ito tulad ng ginagawa nila sa Egyptian Pharaoh. Sa pag- mummify ng Egyptian Pharaoh ay tinatangal ang mga internal organs nito na tulad ng Heart, Intestines, Spleen, at Utak para ma-preserve ang katawan. Ang ginagamit nilang pangtangal ng utak ng Egyptian Pharaoh ay isang maliit at bilugang hook na pinapasok sa ilong ng Egyptian Pharaoh at pasasabitin ang utak at palalabasin sa ilong na kadiri talaga sobra. Yuck. Kahit kadiri sobra ang gawain na ito ay mas gusto nilang gawin yun kesa biyakin ang ulo dahil mas malinis ang labas ng finished product. Nagagawa nila yun sapagkat may lagusan magmula sa ilong papunta sa may utak nating mga tao. May halos 3 inches lang ang layo ng utak natin at ng butas ng ilong, kaya pag may pinasok na pahabang bagay sa ilong ay pwedeng umabot sa utak. Kaya wag kang malikot pag may nangungulangot sa tabi mo... kahit hindi Egyptian Pharaoh.
0 comments for this post