Akala ninyong mga politoko, kayo lang ang pwedeng tumakbo ngayong 2010?! Mga ulul!
Takbuhin daw natin ang paggawa ng mabuti sabi sa bidjo.
At ang amin naman.. e.. Takbuhan natin ang "kabobohan"!
Kung nagpapapayat ka "Takbo Para Sa Libreng Kolehiyo".
Kung gusto mong makakita ng mga chicks na nakashortshorts "Takbo Para Sa Libreng Kolehiyo".
Kung ayaw mong makakita ng mga lalakeng nakashortshorts... magtiis ka na lang... pero "Takbo Para Sa Libreng Kolehiyo" parin!
Kung gusto mo makakita ng mga gwapo... baka meron din dun... try mo lang... "Takbo Para Sa Libreng Kolehiyo".
Kung gusto mong sumali pero madali kang mapagod, "Takbo Para Sa Libreng Kolehiyo" ka parin. Pwede ka namang mag "time pers".
Makikitakbo rin ang MgaEpal.com para makatulong, at para makakita ng mga chicks na nakashortshorts. Titiisin na lang namin ang mga lalakeng nakashortshorts.
Pwede naman siguro kahit jogging lang noh?
Nalaman namin ang takbuhan na magaganap dahil nagsulat si "Stacey" ng Stacey Avenue sa message board namin... kahit alam na nyang bawal.
Onga pala, sa January 17, 2010 yan. Sa Mall of Asia.
Sa tingin namin, ang tunay na bagong taon ay ang birthday ng bawat isa. Pinanganak ka sa birthday mo, at tuwing birthday mo yun ang new year ng buhay mo. Pero dahil sa tradisyon e babati parin kami ng Happy New Year. Eto na.. HAPPY NEW YEAR! AT MANIGONG BAGONG TAON!" Para naman sa mga may birthday ngayong araw, "happy you year". Sinadya namin na ibunyag ang MgaEpal.com ng January 1, para January 1 ang birthday ng MgaEpal.com , kaya tuwing January 1, tunay na new year namin.
Kung January 1 mo binabasa ito, isa ka sa mga unang nagbabasa dito. Naks, sobrang laking karangalan nun para sayo. Imagine, naging part ka ng history! Apir!
Dito na din namin ibubunyag yung pader ng Message Board namin ha.. kung ok lang. Simula ngayon ay pinagbabawal namin ang magsulat sa Message Board, hindi dahil ayaw namin magsulat kayo dun, kundi dahil "masarap ang bawal" at gusto naming namnamin mo ang pagsusulat dun.
Kung natuwa ka sa MgaEpal.com matuwa ka sa Message Board, kung nairita ka mairitat ka dun, kung nalungkot ka i-iyak mo dun, kung malabo ka magpaliwanag ka dun, kung may paputok ka paputukin mo dun, kung nabitin ka sulitin mo dun, kung naiihi ka.. sige C.R. ka muna............... kung nandiri ka dumura ka dun, kung wala kang lighter makisindi ka dun, kung may nagawa kaming mali itama mo dun (pero hindi kami nagkakamali.. ever! ever! ever!) kung nang-gigil ka mangagat ka dun, kung nalasing ka isuka mo dun, kung late ka humabol ka dun, kung magaling ka magyabang ka dun, kung hindi ka magaling magyabang ka parin dun. Tama na. Yun lang.
MgaEpal.com
Hindi DUWAG SI MAYWEATHER kahit na parang kung anu-anong drama na ang ginagawa nya para lang hindi matuloy ang laban nila ni Pacquiao. Naniniguro lang daw siya kaya gusto nya na pwedeng ipa-random blood test silang dalawa kahit hindi naman kailangan dahil pumayag na si Pacquiao na magpablood test pagkatapos mismo ng laban. Alam ng kampo ng hindi NADUDUWAG NA SI FLOYD MAYWEATHER JR. na takot sa karayom si Manny, kaya baka ginagawa nila itong diskarte para mawala sa focus sa training si "Pacman". Kaya masasabi naming hindi DUWAG SI MAYWEATHER. Gusto din naming sabihin na hindi masakit kapag binuhusan ng alchohol ang sariwang sugat, at hindi bilog ang bola ng basketball, hindi din mabaho ang utot mo pagkatapos mo kumain ng madaming kwek-kwek, at hindi kumakain ng vegetables ang mga vegetarian.
Lolo 1: Naaalala mo pa ba noong kabataan natin e madalas tayong...
Lolo2: 'Chong wag mo nang ituloy. Kung ano man yan e malamang hindi ko na naaalala yan. Yung kinain ko nga kaninang almusal, hindi ko na matandaan, pano pa kaya yung mga nangyari noong mga bata pa tayo???
Lolo 1: Onga 'Tol ulyanin ka na nga, nakalimutan mong hindi pa tayo kumakain ng almusal.
Hindi lang bawal kantahin ng mga lalake sa videoke? Bawal kantahin ng mga lalake KAHIT SAAN!!!
Gago ka kung ayaw mo kay Vic.
Lagot ka kung ayaw mo kay Joey.
Mommy: Ang dami-daming taong nagugutom! Tapos ikaw, ayaw mong ubusin yung food mo?!?!!
Anak: Edi ibigay nyo sa mga taong nagugutom. BUSOG NAKO!
Lumunok ka!!! Lunok! Kikilitiin ko ang lalamunan mo! kuchikuchiku! ayan na.... lulunok ka na...
Kung nalampasan mo ang pagsubok na ito, nangangahulugan lang na papatulan mo ang kahit anong bagay mapalipas lang ang oras. Congratulations.
Wala daw nakakaalam kung sino si Bob Ong. Pero...
Nung unang panahon sa Egypt, noong time na may mga buhay pang Eyptian Pharaohs sa Egypt, ay nililibing nila ang mga Egyptian Pharaohs na may kasamang malaking halag ng kayamanan nya sa Egyptian kingdom nya nung nabubuhay pa siya. Ang mga alagang hayop din nya ay nililibing din kasama ng mga namamatay na Egyptian Pharaoh. Pero bago nila isama ang hayop sa libingan ay minamummify muna nila ito tulad ng ginagawa nila sa Egyptian Pharaoh. Sa pag- mummify ng Egyptian Pharaoh ay tinatangal ang mga internal organs nito na tulad ng Heart, Intestines, Spleen, at Utak para ma-preserve ang katawan. Ang ginagamit nilang pangtangal ng utak ng Egyptian Pharaoh ay isang maliit at bilugang hook na pinapasok sa ilong ng Egyptian Pharaoh at pasasabitin ang utak at palalabasin sa ilong na kadiri talaga sobra. Yuck. Kahit kadiri sobra ang gawain na ito ay mas gusto nilang gawin yun kesa biyakin ang ulo dahil mas malinis ang labas ng finished product. Nagagawa nila yun sapagkat may lagusan magmula sa ilong papunta sa may utak nating mga tao. May halos 3 inches lang ang layo ng utak natin at ng butas ng ilong, kaya pag may pinasok na pahabang bagay sa ilong ay pwedeng umabot sa utak. Kaya wag kang malikot pag may nangungulangot sa tabi mo... kahit hindi Egyptian Pharaoh.
Higit-kumulang na isang minuto ang proseso ng pag vovolt-in ni Voltes-V. Sa aming tancha e mga 1 minute and 6 seconds. Tancha lang yan.
"General Oslack, paki sabi naman sa Boazanian beast-fighter na atakihin na nya habang nag-vovolt in." -Prince Zardoz
hapi hapi hapi bertdey, sayo ang inumin, sayo ang pagkain
hapi hapi hapi berdey, sana'y mabusog mo kamiiii
hapi hapi hapi berdey, sayo ang inumin, sayo ang pulutan
hapi hapi hapi bertdey, sana'y malasing mo kamiiii
Hapibertday Jesus! Good luck in your career, more power!
from your MgaEpal.com family!
Ikaw? Bumati ka na ba?
"Hindi nyo kami matatalo dahil may hundred lives kami!" -Bill Rizer and Lance Bean
"Wag kang masyadong nagmamarunong. Matagal na ako sa trabaho na ito, kaya wag mo akong pinangungunahan." -God